Page 1

270 32 11
                                    

“Ano ba?! Ganyan ba kayong mga crew?! Ang tatanga niyo naman! Diyos ko! Kaya hindi kayo naasenso sa pagiging crew dahil ang tatanga niyo e,simpleng order lang hindi niyo pa din makuha!” sigaw ng matanda sa harap ng counter.

“so-sorry po! Uulitin ko nalang po.”

“wag na! anong oras na?! nagmamadali ako! Perwisyo, asan ba manager niyo huh?!”

“yes Ma’am, What’s the problem here?” lumapit na ako, kawawa naman si Nelly, pinapahiya na ng matandang to.

“Yang crew na yan, tanggalin mo na. tatanga tanga.” Dinuroduro niya pa.

“Ma’am, please calm down. Nelly, halika ditto.” Lumipat kami sa tagong lugar, para naman hindi na mageskandalo tong matanda na to.

“Ma’am, ano po ba ang problema?” tanong ko ng matino.

“e kasi yang babae na yan, tatanga tanga, simpleng order lang hindi pa makuha kuha, ”

“Ma’am, kasi naman po, ang bilis bilis niyo magsalita, tapos papalit palit pa po kayo ng order, kaya po nalito ako. Sorry po Ma’am” mangiyak ngiyak na si Nelly

“My apology Ma’am, baguhan lang po kasi tong si Nelly samin, sana naman po pagpasensyahan niyo na yung mga nangyari ngayon. Ako nap o ang humihingi ng dispensa.”

“Aba, hindi ako makakapayag niyan! I want her out! NOW! Or else makakaabot to sa management niyo?! Ano na?! sumasagot pa! napaka Bastos!” sabi ng halimaw sa harap ko

“Ako na po bahala ditto, ako naman po ang in charge with the whole system here. Pasensya nalang po”

“Oh my God! Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?! Don’t tell me tanga kayong lahat ng nagtatrabaho ditto sa kainan na to?!” with that, nagpanting na din tenga ko

“You know what Ma’am, you’re a customer here, so, as much as possible I’m being nice and courteous, pero yung duruin mo yung mga crew ko at sabihan ako ng tanga sa harapan ko, hindi ko na ata mapapalagpas yan!”sigaw ko sa matanda

“Bakit?! Ano maipagmamalaki mo!? itong pipitsuging fastfood na pinagttrabahuhan mo?! itong cheap at maduming lugar na to?! Ha?! My gad! I never thought na nakikipagusap ako sa mga low life na katulad niyo!”

“E gago ka pala e!”

The Ruthless JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon