Chapter 3 : Saving Our Love

96 24 7
                                    

************GABRIEL'S POV*****************

"Sa buhay kailangan mo talagang pumili sa dalawa."

                 

                             " We give up everything just to be together"

"You are my life and my soul"

Sa lahat ng magtatapos ako lang yata ang malungkot, hudyat na kasi ito na malapit na kaming magkahiwalay ni Angela. Ayoko sanag sumuko pero ano ba ang magagawa ng isang tulad ko laban kay Papa. Anak niya ako at kailangan sumunod sa nais niya.

Wala na talaga akong magagawa kapag si Papa ang nagdecide. Tanan sana ang sagot ko sa aking problema pero ayaw niya dahil makakasakit daw kami sa puso ng aming mga magulang. Napag-usapan na namin na dito na lang sa school magkita dahil kasama ko sila papa, mama at kuya. Tinext ko siya.

"Baby nandito na kami. Nasaan na kayo nila tita at tito?" text ko.

"Baby sorry ha, hinihintay ko pa kasi sila  eh. Baka ma late lang kami ng konti," she replied.

"Okay baby take your time. I love you." text ko.

Nagsimula na ang ceremony pero wala pa rin sila. Kinakabahan ako, baka kasi may nangyari ng masama.  

 

"Gab, tara na simula na!" Tawag sa akin ni Kuya.

"Sige susunod na lang ako!" Sagot ko sabay punta sa gate ng school para mag-abang. Habang naghihintay ako laking gulat ko ng makita ko si Angela sa gilid may hawak siyang malaking bag at umiiyak pa.

Kitang kita sa kanya ang pagkalungkot at panlulumo.  Doon ko lamang nakita ang mahal ko sa ganoong sitwasyon. Ano kaya ang problema?

"Baby ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak? Para saan ang malaking bag?" Sunod sunod kong tanong sakanya. Gulat rin kasi ako at kinakabahan para sa kanya.

 

"Baby! naghiwalay sila mommy at daddy  ngayon pa sa araw ng aking graduation. Hindi man lang sila pumunta inuna pa nila ang pag-aaway. Nagtitiis akong mag-isa sa bahay tapos yun pala ang totoo eh may problema na pala sa kanilang pagsasama. Diba anak nila ako? Siguro may karapatan ako malaman ang lahat?" patuloy pa rin si Angela sa pag-iyak at halatang puno ng galit sa puso.

Niyakap ko siya at kinuha ang dala niyang bag. Gusto kong maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko at pagdamay. pero nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

"Baby payag na ako magtanan na tayo" pilit ni Angela na walang gatol.

"Sigurado ka ba? Baka nabibigla ka lang?" Worry ko.

"Baby final na ito!" pilit niya.

Sumakay kami sa aking kotse. Dumaan kami sa bahay para makuha ko ang aking mga gamit. Hindi na namin inalala yung graduation. Ang mahalaga ngayon ay makalayo na kami sa magulo na buhay na kinasasadlakan at sumasakal sa aming dalawa. Masama na kung masama pero ito lang ang solusyon.

Between Lies (SlowUpdate )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon