Kabanata XI- alaala

12 4 0
                                    

naalala ko nung ikay unang nakita ay ako'y nagalit sa iyo dahil sa pangbubuyo ng aking kaibigan.

Ika'y aking inaasar dahil sya'y iyong inaasar din.

naalala ko noon, makalipas ng isang taon ako ay nahulog sa iyo sa hinding malamang dahilan.

Ito'y nilihim sapagkat ako'y nahihiya na malaman mo ang aking pag-ibig.

ngunit ito din ay iyong nalaman at sinimulang tuksuhin ng iyong mga kaibigan.

naalala ko pa noon, ako'y umiiwas sa iyo. sumusulyap sa labas ng iyong silid. laging nasa isip at ikaw ang bukam-bibig.

naalala ko pa noon, pirmihan ng clearance at ikaw ay nakatambay sa hallway kasama ang iyong mga kaibigan.

nakita nila ako at ako'y pinagtulakan papalapit sa iyo. sa paglapat ng ating mga balat ay nakaramdam ako ng kilig.

ngunit ang lahat ng ito ay isang alaala nalamang na pilit kong binabaon sa limot.

naalala ko pa noon kung paano ako umiyak sa harap ng aking kaklase at paano umiyak tuwing gabi.

alaala na hindi ko makalimutan. alaala na laging pumapasok sa aking isipan.

ang sabi mo pa nga

hindi babae ang naghahabol kundi lalaki

ngunit ngayon ang alaala na pilit kong kinakalimutan ay aking nalimutan na.

ang aking pagtingin na unti unting nawawala.

kaya salamat.

salamat sa magandang alaala na iyong binigay.

Tula ng aking Pagmamahal✓️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon