Chapter 3

10.2K 268 16
                                    

Warning : READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 3

Halos lahat ng mga ka-klase ko ay nasa gitna na at nagsisipag-sayaw. Samantalang ako, heto at nage-emote sa table namin. Hindi ko alam pero hindi ko makuhang mag-enjoy sa lugar na ito lalo na at nalaman ko pang pagmamay-ari pala ito ng damuho kong Ex.

Oo si Mr. Ark Clyde Hanson lang naman ang walang hiya na tumulong sa'kin, para hindi masayang ang paghahanda na ginawa namin ni Maria para sa event na ito.

"Oy Al, wala ka bang balak makipagsayaw sa'amin? Solo ka nalang dito at talo mo pa ang nalugi. Halika na!"

'Sobra pa sa nalugi 'yong nararamdaman ko ngayon.'

Si Ria pala, ang isa sa mga kaibigan ko na lumipat na sa Canada dahil sa napangasawa nito.  At bago pa man ako makatanggi sa alok niya ay hinila na niya akong patayo at literal na kinaladkad ako papunta sa kumpol ng mga taong nagsasayaw at nagkakasayahan.

Narinig ko na ang kanya-kanyang sigaw ng mga kaibigan ko pero ako, heto nananatiling nakatayo lang at iniisip na sana matapos na ang event na ito para naman makalayas na ako dito.

"Sayaw ka na Al, ilabas mo ang talent mo when it comes to dancing." Tudyo sa'kin ni Maila, ang isa din sa mga nakasundo ko noong college days, di man sa pag-yayabang pero ako ang namumuno sa dance troupe noong college pa ako, pero pilit na ngiti na lang ang isinagot ko sa sinabi ni Maila at nagsimula na akong umindak ng dahan-dahan para masabi lang na sumasayaw ako.

Hindi nagtagal, ay pa-simple na akong naglakad papalayo sa mga nagsasayawan dahil sa hindi din naman talaga ako nage-enjoy, tapos pansin ko pa na may mga matang naka-masid sakin which is ayaw ko dahil hindi talaga siya maganda sa pakiramdam.

Dumiretso ako sa Ladies room dahil naiihi na ako, dahil siguro iyon sa wine na iniinom ko kanina, napadami ata ang laklak ko palibhasa ay ngayon lang ako ulit nakaisip mag-walwal.

Retouch-retouched lang ang ginagawa ko pagkatapos kong umihi. Pinadalhan kasi ako ni Maria nang make up pang retouch ko daw, nakakahiya naman kung hindi ko manlang ito gagamitin.

Papalabas na sana ako ng CR na iyon, pero napatigil ako sa aking kinatatayuan noong humarap na ako sa pintuan.

Feeling ko nanlamig bigla ang aking talampakan dahil sa taong kaharap ko ngayon.

*TUGDUG*

*TUGDUG*

'Nako!' Bakit naman napatapat na walang katao tao dito maliban sa amin. Hindi ata pala-ihi ang mga babae sa party na ito.

'Diyoskopo! Anong gagawin ko?'

"It's been a while Alessa..."

Sabi niya habang nakangiti. At 'yang mga ngiti na iyan? Alessana, diyan nahulog ang panty mo–este ang puso mo pala! Mag-tino ka!

'Paano ba nakapasok ito dito ng di ko manlang namamalayan?'

"Y-Yeah! At Alessana iyong pangalan ko, kaya wag mo akong matawag tawag na Alessa diyan." Pinilit kong patarayin ang tono ko, kahit ang totoo ay parang naiihi na naman ako dahil sa kaba na nararamdaman ko gayo'ng kaharap ko na naman ang binata na kakikita ko lang two days ago, sa Bar ni Leo.

Hindi nga naging maganda iyong tagpo na iyon dahil pagkakita ko sa kanya'ng mukha, agad na napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at agad agad na tumakbo ako papaalis sa lugar na iyon. And syempre! Napagalitan ako ni Leo dahil kaibigan niya pala ang gagong ito, tapos business partners pa sila. Buti nalang at dinoble pa din niya ang bayad sa akin tulad ng napag-usapan kahit di ko naman talaga nagawa ng maayos iyong trabaho ko.

At ngayon, magkaharap na naman kami. Walang bintana dito na pwede kong madaanan at ang pinto naman ay nahaharangan niya kaya naman wala akong takas. Kainis! Bat ba nandito ito sa loob eh pang babae ang banyong ito.

"Why did you run away when you saw me in Leo's Bar two days ago? Do you still hate me for what happened to us before?" Hindi niya pinansin ang pagtataray ko, at nilagyan pa talaga niya ng diin yung 'before' niya. Tch! Ang yabang neto ah.

"Sino bang hindi magugulat? Makakita ka ba naman nang unggoy!" Bulong ko para hindi niya marinig.

"What?" Tanong niya, at halos mataranta ang mga litid ko sa utak nung nagsimula na siyang lumakad papalapit sa pwesto ko.

'Damn!'

"Are you working on Leo's bar? Kailan pa?" May pag-aalala sa mukha at sa tono niya.

'Kapal!'

Akala mo naman ay talaga'ng may care siya sakin. Di mo ko madadala diyan sa drama mo! Ulol!

Tinaasan ko siya ng kilay ko nung isang hakbang nalang ang pagitan namin.

"Cut that crap Ark. Bakit ka ba nandito? This comfort room is for ladies, di ka ba nagbabasa ng signs? Ah teka kailan ka pa naging babae?" Nalabas na ang pagka-bitchy ko. Hindi ko alam pero nagsisimula nang kumulo ang dugo ko dahil sa mga drama ng gagong 'to.

"It's because I missed you. That's why I'm here, because of you..."

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko, hindi ko alam kung bakit may ganitong epekto parin siya sa akin.

At sa mga oras na ito, kinakabahan na ako. Lalo na sa mga ganitong pakiramdam, dahil senyales ito na... Marupok akong talaga! 'hayop!'

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon