*Zach POV*
Mula nung nagising si Stephanie sa comatose nya nag-iba na ugali nya. Naging masyadong hard headed at stubborn sya, ni hindi nya na nga pinapakinggan mga sinasabi ko eh! Parang hangin nalang sa kanya lahat ng sinasabi namin kahit doctor nga di nya na pinapakinggan eh. Lagi nyang sinasabi "Like the hell I care about those stuff".
Tss! Napakakulit pa nya, ni gamot nya ayaw na inumin kailangan sapilitan mo yung gagawin at pag sinabing sapilitan meaning para kang nakipag buno sa isang leon sa tigas ng ulo.
"Zachaaaaaaaaary! Asan na yung pinapakuha ko sayoooo?" Sabi ni Stephanie. Dahil dun nagising ako sa pagdedaydream ko. Sh!t ang bakla ko na taena. -_-
"Eto na po ma'am! Tss" Sagot ko sa kanya. Grabe tong babaeng to kung makautos WAGAS -_- Langya!
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang magkasundo kami. Sobra na ang tigas ng ulo nya, tipong gusto mo nalang pakuluan ung ulo nya para naman kahit papano lumambot at sumunod sya.
Araw-araw din sya umaalis, ni hindi nga sya nagsasabi kung saan sya pupunta. Pano ba naman aalis sya, kahit nasa harap ka lang nya at madadaanan na hindi man lang marunong lumingon o kaya naman magsabi na "HOY AALIS MUNA AKO".
Syempre, nag aalala parin ako dito sa babaeng to! Jusko gustong-gusto ko na talaga sya ilock nalang sa kwarto. Pag umuwi naman sya laging nakakunot ang noo at parang tigre na hindi mo makausap. Once na kakausapin mo sya akala mo kakainin ka ng buhay.
Yong totoo diba? Asan naman ang Hustisya sa buhay ko! -____-
"Zaaaaaaaach! Wala pa bang pagkain? Ano ba namang klaseng bahay to. May maid nga hindi naman nagluluto. -___- Aba anong mga silbi nyo dito? Zach, punyeta asan kana baaaaaa? Alisin mo na nga mga maid mong walang kwenta" Shit! -________-
Ayan na naman ung bunganga nya na walang preno. Jusko pati maids ko napagdisketahan. >_<
"Teka lang naman kasi Steph!" sabay tawag sa maid na dadaan sa harap ko. "Manang pakilutuan nalang po si steph! Salamat"
Maka-akyat nga muna sa taas letse! Aga-aga nasisira araw ko eh. Tsk -____-
~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note: Waaaaaaah! KAmusta kayong lahat :) Nakakaloka ngayon lng ako ulit nakapag update :D After 1 and half year :P Hahahahaha salamat sa mga nagbabasa nito at nag aadd sa reading list nila. ^____^ LAbyuu all ^_^
Don't forget to Vote/Comment!
BINABASA MO ANG
The Arrange Marriage (On-Going)
Fiksi RemajaPaano ka makikisama sa taong ni minsan hindi mo pa nakikilala? Tapos malalaman mo pa na Arrange Marriage kayo? Ano kaya mararamdaman mo? Matutuwa ka o maiinis ? Basahin nyo nalang to para malaman nyo kung anong Feeling ni Stephanie that time :) Ito...