One

7 2 0
                                    

Nagising ako ng silaw ng araw na nanggagaling sa bintana. Bumangon ako at nag-inat..

Pero napansin kong di pamilyar ang paligid ko. Asan ako?

Agad akong tumayo na ikinasakit ng ulo ko.

"Ahh shit." napahawak ako sa ulo kong sobrang sakit.

Asan ba ako? Pilit kong inaalala kung anong nangyari pero miski isa wala akong naaalala. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Naglakad ako sa buong kwarto may napansin akong tubig dun at agad kong ininom pagkalapag ko ng baso may napansin akong yellow note sa gilid nito, kinuha ko iyon.

"Thank you for last night,

best night ever. :)

-X"

What? Sinong X? Did I just had a one night stand without knowing it? Wala akong maalala miski isa o kahit ano. Pinipilit ko pero wala talaga.

Napansin kong puro nagkalat na damit ang nasa sahig. Napatingin ako sa suot ko, isang gusot gusot na white long sleeve na polo, above knee ko siya. Saka ko napansing wala pala akong panloob.

Pinulot ko isa isa ang mga nagkalat na damit, bakit wala akong maalala?

Agad kong kinuha ang mga damit na pangbabae na sigurong akin at isinuot ko.

Naglakad ako papunta sa isang pinto. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nung paghawak ko ng door knob.

Pinihit ko yun at pagbukas ko napaatras at napasigaw ako...

Agad akong tumayo at lumabas ng kwartong iyon saka ko lang napansing nasa hotel pala ako. Nagmamadali akong tumakbo

shit!

May lalaking patay sa kwartong yon. Not just that! Halata mong tinanggalan siya ng mata dahil sa dalawang Ekis sa mata niya. May gapos ang dalawang kamay niya at wala siyang saplot.

"Ouch!" Napaupo ako sa lakas pagkabunggo ko sa babae. "What the hell, miss?"

Tumayo ako at lumingon sa likod ko. Natatakot talaga ako.

"H-Hey! Is she alright?" Tanong niya sa kasama niya.

"She looks strange, mukha siyang nababaliw friend!"

Natatakot ako..

"Let's go na nga!"

Umiling iling ako. Hindi yun totoo, imahinasyon ko lang iyon.

Nang makalabas na ko ng building na iyon umupo ako sa waiting shed malapit dito. Saan ako pupunta?

"Yura?"

Nagulat ako sa lalaking nasa tabi ko. Mukhang ako yung kinakausap niya. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya pinansin.

"Yura ikaw nga!" Bigla niya akong niyakap. Agad ko siyang itinulak palayo. Nababaliw na ba siya? Sino ba siya?

"Sino ka ba?"

Mukhang nagulat siya at nagtaka. "Ako to! Si Jin." itinuro niya ang sarili niya. "Classmate mo nung college!"

Hindi ko siya kilala.

"Nababaliw ka na ba? Hindi kita kilala at hindi ako si Yura! Ako si--"

Natigilan ako.. Bakit di ko maalala kung sino at anong pangalan ko. "A-Ako si.."

"Si Yura!" umirap siya. "Yura pwede bang wag mo na kong paglolokohin."

Biglang sumakit ang ulo. Shit! Sino ba ako? bakit wala akong maalala? Anong pangalan ko?

"Wala akong maalala."

Natawa siya. "Alam mo Yura tantanan mo na yan kasi--" Natigilan siya at tumingin sakin. "Yura ayos ka lang?"

Kumunot ang noo ko. Nahihilo ako, parang nandidilim ang paningin ko.

"Nagdudugo ilong mo."

Agad kong hinawakan ang ibaba ng ilong ko at tinignan may dugo nga.

"Yura!"

Yun ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon