Napakagandang tanawin ang nakita ni Kara habang nakaupo sa ilalim ng puno at tanaw ang lumulubog na araw sa dagat.
Nais sana niyang makausap ang kanyang boyfriend ngunit wala siyang mahanap na paraan upang maipaliwanag ang kanyang matagal ng tinatagong karamdaman.
Paano niya ito maipaliwang sa lalaking kanyang unang minahal kung ito lang ang makakasira sa kanilang matagal na pagsasama.
Isang araw ay biglang sumama ang pakiramdam ni Kara at tanging pakiusap niya sa kanyang ina na huwag sana itong malaman ni Karl (boyfriend ni Kara).
Pilit na binuksan ni Karl ang pinto ng bahay ni Kara dahil ilang araw na hindi siya kinakausap nito maging sa telepono ay ayaw itong kausapin kaya’t napilitan siyang puntahan ito sa bahay nila.
Pinigilan siya ng ina ngunit nagpumilit itong pumasok tumambad sa harapan niya ang matamlay na katawan ni Kara na dati masigla at napakaganda ngayon ay unti-unti ng nawalan ng buhay.
May Kanser sa utak si Kara dahil sa kahirapan kaya hindi siya naipagamot ng kanyang ina.
“Huwag mo sanang isipin na dahil hindi ko sinabi ang totoo ay nabawasan na ang pagmamahal ko sa’yo, ayaw ko lang maging pabigat sa’yo.” Mahina at matamlay na sabi ni Kara.
“Hindi, gagawa ako ng paraan, ipapagamot kita.” Ang umiiyak na sagot ni Karl.
Nakipaghiwalay si Kara kay Karl at sinabing kahit mawala siya ay ipatuloy pa rin niya ang buhay niya at panatilihing bukas ang puso para magmahal ulit.
Sa mga sandaling iyon ay karga ni Karl si Kara sa kanyang mga braso dahil nais niya itong makaabot pa ng hospital upang magamot. Hindi siya tumigil sa paghahanap ng paraan para magamot ito.
Mahal na mahal niya si Kara at handang gawin ang lahat para sa pangangailangan ng minamahal ngunit paano niya maibibigay kung ang tanging kailangan ng kanyang kasintahan ay sariling buhay nito.
BINABASA MO ANG
Sad Short Story
Teen Fiction*In the scene, a boy and a girl is breaking up because the girl is dying but the boy doesn't want to give up.*