Chapter 57 Deal
Aiya's POV
"Dad! I dont want to!" Sabi ko at nagtatrums sa may office niya.
"Aiya! Youre not a child anymore! Kailangan mo na magseryoso lalo nat ikaw lang ang tagapagmana ng kumpanya" seryosong sabi niya.
Hay naku! Kailan kaya matatauhan ang daddy na ayokong pumasok sa business world na ito?
Mas gusto kong pumasok sa showbiz world. Syempre, paano ko mapapakinabangan ang aking ganda? Kung hindi ko maipapalaganap. Diba?
Pero? Lagi na lang sinisira ng daddy ang aking mga plano. Lalo na pagdating sa mga audition. Kahit na ang lakas lakas ng hatak ko. Wala. Lagi na lang akong hindi natatanggap.
"Okay fine! As usual, ano na naman ang ipapagawa mo dad? As if may magagawa pa ako" sabi ko at napairap sa kawalan.
"You have to deal with Mr. Suarez" sabi niya at inilapag yung folder.
"Na naman Dad? Gwapo ba yan?" Tanong ko na siyang ikinaningkit ng mga mata niya.
"Oh. Malay mo dad, madala sa ganda ko, at least hindi na ako mahihirapan sa deal na yan" sabi ko.
"Okay. Be serious Hija. Kailangan mong makuha yang deal na yan. Malaking shares din yun" sabi niya.
Lagi naman.
"Okay syempre, dapat may kapalit, dad" pasweet na sabi ko at ngumiti.
"Fine. What is it?" Tanong niya habang busy sa pagbabasa ng mga papers.
"Gusto kong makapasok sa isang fashion show ng Chanel"
"No" agad na sagot niya.
Tss. Ang hirap talaga kapag may KJ kang ama. -_-
"Tss. Anyway, saan ko mamemeet itong lalaking ito?" Tanong ko.
"Later, 12 noon. Nasa folder na yan yung address nung company" sabi niya.
Nagnod naman ako at agad na lumayas ng office. I still have 2 hours para makapagprepare sa dealing na ito. Kainis!
***
Halos tumaas ang laylayan ng aking floral dress dahil sa malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sakin pagbaba ng kotse.
Kinuha ko yung bag ko at suot ang shades at taas noong pumasok sa isang building ng mga Suarez.
"Good Afternoon Maam" bati ng guard na agad kong binigyan ng ngiti.
Nagtanong naman ako sa may front desk kung saang floor ko ba mahahanap ang office ni Mr. Suarez. At medyo natagalan dahil sa appointment na hinihingi.
"Sa may 10th floor Maam" sabi ng babae.
"Okay. Thank you" sabi ko at agad na naglakad papasok ng elevator.
Maya maya ay pagkalabas ko ng elevator ay sumalubong sakin yung secretary ni Mr. Suarez.
"Good Afternoon Maam. May I know your name?" Tanong niya.
"Im Aiya Jane Alvarez, daughter of Mr. Nico Alvarez" sabi ko.
Nagnod naman siya ng napagtanto niyang anak ako ni Dad na dapat ay siya mismo ang narito.
Nagsalita muna yung secretary sa may intercom bago bumukas yung pintuan ng office ni Mr. Suarez.
Wow. Taray.
"Sir, narito na po yung anak ni Mr. Alvarez" rinig kong sabi ng secretary at lumabas na rin.
Pumasok na rin ako at dumiretso ako palapit sa table niya.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...