LABING-DALAWANG KABANATA

7 1 0
                                    

I keep on pushing them. Minsan inaadvice-an ko na din si Yeng na sagutin na si Krolithiko kasi nga mabait naman, at isa pa ang tagal na niyang nanliligaw sa kanya.

Tapos si Krolithiko naman, sa akin nahingi ng advice. Kung ano gagawin niya, kung paano gagawin niya. Para lng mapasagot si Yeng. Syempre, three years na kami ni Saydie non, at kaya siguro akal nila expert na ko sa ganon.

May time pa na sabi ko kay Yeng

"Alam mo mabait naman si Krolithiko kahit ganong bingot siya. May hitsura naman, chinito, matangkad, mabait. Ano pa bang hahanapin mo? Kung wala lang akong boyfriend. Binoyfriend ko na yan si Krolithiko."

Syempre sales talk. Haha binubugaw ko ai Krolithiko nang magkalovelifr naman na. Pero may kiliti akong naramdaman non eh. Totoo naman kasi yung mga sinasabi ko. Ayaw niya kasi mahilig mag-inom at nag-yoyosi.

Sakin naman wala naman yon. Pero naalala ko sabi ni Saydie;

"Pangit talaga yung nag-iinom. Ewan ko ba sa iba kung bakit ang saya saya nila pag nag-iinom sila. Wala namang magandang naidudulot sa katawan."

Si Saydie, nag-iinom yan. Pero hindi araw-araw as in di yung kinaadikan. Pero sa yosi yan adik siya dyan.

Anyways.

Lagi kong pinupush si Krolithiko.

Minsan pa sabi ko kay Yeng.

"Nako Yeng, kung ako sayo kay Krolithiko ka na. Maliligayahan ka niyan. Mukhang malaki pa yung kanya."

Tawanan naman kami. Kasi si Yeng na lang virgin samin kaya di siya nakarelate dun sa sinabi kong malaki.

Isang beses pa nahuli kami nanunuod ni Krolithiko nung scandal ni Paolo Bediones. Yummy shit. Lalo na si Chito. Kainan na!! Charot.

Nagtuloy-tuloy naman si Saydie mag-dota. Nakakaadik ba talaga yon? Kaya UNSTOPPABLE din ang laro niya? Sabi niya, 1 month daw sila shutdown. Nung December yon, I forgot the year, mga 2014 din siguro yon. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ng January, at di na talaga siya pumasok hanggang february. Wala kasi siyang ibanh inatupag kundi yun lang. Paggising sa umaga. Ihahatid niya ako sa terminal ng jeep. Tapos pag-uwi niya. Dota, all-day na yan. Hindi ko naman alam routine niya sa umaga hangganh mag-out ako sa trabaho, pero ramdam ko naman. Tutulong lang mag-hakot ng gamit pangtinda ng business ng Nanay Banet niya. Binigyan ko siya ng pang-business para naman may kinikita siyang pera para sa kanila ni Tatay Tolits. Tapos nagsa sideline pa kami sa patahian mag-tutupi ng mga damit o kaya magtatahi ng butones. Piso isang damit din yon. Pero si Saydie hindintumutulong sa amin para kumita man lang ng pera kasi busy siya sa DOTA.

Nakiki-wifi lang naman kami. Na-hack niya yung wifi password. Magaling talaga siya. As in hanga ako sa katalinuhan dagdag pogi points. Natuto naman ako mag counter strike pero di ko siya ginawang hobby. Hindi ko inaaraw-araw.

Tinatanong ko siya palagi kung kelan siya magtatrabaho. Kung babalik pa ba siya sa trabaho niya. Kasi minsan kinakausap din ako ni Nanay Banet, na hikayatin ko si Saydie na maghanap na ulit ng bagong trabaho. Para naman hindi na rin sila mahirapan sa pagbabayad ng mga bills.

Pero di naman ako pinapansin ni Saydie. Binabalewala niya lahat ng sabihin ko. May times na bubulyawan niya ako, kasi naririndi siya. Halos araw araw ko ba namang kulitin eh. Nagger noh?

Hanggang pumasok si March. Iba na yung closeness namin ni Krolithiko, as in parang sa mata kami nag-uusap. Pero wala kaming alam sa nararamdaman namin pareho. Parang, nakakahanap ako ng atensyon, pero i keep on pulling myself back to Saydie.

Nakwento ko kasi sakanila na nag-dodota na lang lagi si Saydie. Lagi ko kinukwento kay Kuya gravy. Siya naman close ko sa group. Naririnig lang nila.

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon