CH-8

3 1 0
                                    

Chapter 8

NANDITO ako ngayon sa sala at nanonood. Maaga akong nagising kanina dahil sa tawag ni kuya sakin. Ang sabi nya ay dumating na si Xyrus! Kaya nawala lahat ng antok ko nang marinig ko iyon galing kay Kuya. Nataranta pa nga ako kanina haha.

Ala una na ng hapon pero hindi pa rin ako lumalabas. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin! Ang batiin si Xyrus na 'Welcome back' o ang pagalitan sya dahil iniwan nya kami ng mga anak nya dito sa Pilipinas ng ilang linggo. Charought!

Nagpabili ako kay Beshi kanina ng mocha cake para icelebrate ang pagbabalik ni Xyrus para sakin pero hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagalaw.

Lumabas ako ng pinto at sinilip kung may tao. Ng makita kong wala ay lumapit ako sa pinto ni Xyrus at idinikit ang tenga. Ang sabi kasi ni Beshi ay narito daw yung babaeng mangkukulam kanina. Marahil ay magkasabay sila ni Xyrus! Base sa pakikinig ko ay wala namang ingay sa loob. Walang welcome back party? Hayy. Siguro ay wala na yung babaeng mangkukulam sa loob.

Pumasok ako sa apartment ko at kinuha ang cake. Humiwa ako ng mahigit 1/4 nito at nilagay sa plato. Bumalik ako sa pinto ni Xyrus at kumatok.

Di nagtagal ay bumukas na ito.
Tumambad sa akin ang napakagwapo kong asawa. Ohmygosh! I really miss him so much! After ng ilang linggong di namin pagkikita, ohmy! Andito na sya ngayon at nakatayo sa harapan ko!

"Yes?" seryosong sambit nya. Ang pogi nya talaga lalo na pagseryoso! Hihi

Ipinakita ko sa kanya ang cake na dala ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Nakita ko namang kumunot ang noo nya.

"Sabi kasi ni Kuya ay nakabalik ka na! Kaya nagpabili ako ng cake para icelebrate ang pagbabalik mo!" masigla kong sabi sa kanya. Kalong kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. Kaya naman nagsalita ulit ako.

"Pwede ba akong pumasok? O kaya naman ay sa apartment ko na lang kung ayaw mo!" nakangiti ko paring sambit sa kanya.

Nakita ko syang pumasok sa loob marahil ay pinahihintulutan na nya akong pumasok. Pumasok ako at saka isinarado ang pinto.

Inilapag ko ang cake na dala ko at saka kumuha pa ng isang plato pati na rin ng dalawang kutsara. Hinati ko ito at nilagay ko sa isang plato ang kalahati at saka binigay sa kanya. Nakita kong umupo sya sa sofa kaya namn umupo rin ako sa tabi nya.

Pinagmasdan ko ang loob ng apartment nya at masasabi kong mas malinis pa ito kaysa sa apartment ko! Nakaayos ang lahat ng gamit at wala kang makikitang kalat kahit isa! Wow!

"So?" agaw pansin nya sa atensyon ko. Marahil ay nakita nya akong tumitingin sa loob ng apartment nya.

"Ahm,ang linis pala at ang ganda ng loob nito!" papuri ko sa kanya

Tinitigan nya ako kaya nagsalita akong muli.

"Ahm, b-bakit ngayon ka lang umuwi?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"I'm busy" simpleng tugon nya.

"Kahit pagsagot sa mga tawag ko hindi mo magawa? Ganun ka ba kabusy?" nahihiyang tanong ko

"I lost my phone" patuloy lang sya sa pagkain ng cake. Tumango lang ako at saka kumain.

"Kasama mo yung babaeng mangkukulam doon?" hindi ko na mapigilang itanong. Nakita kong kumunot ang noo nya kaya nagsalita akong muli.

"A-ahm yung kasama mong babae..." nahihiyang paliwanag ko. I saw him smirked when he heard that.

"Si Stella? Yes" diretsong tingin na sagot nya sa akin.

"San kayo tumuloy? Sa hotel ba? Magkasama kayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nakita ko namang natawa sya ng bahagya kaya napangiti ako.

"Yes. But different room." ubos na nya ang cake nya kaya tinignan nya ang akin at saka tumingin ulit sa akin.

Loving XyrusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon