chapter 18

9.9K 408 21
                                    


Chapter 18

Hindi niya ako pinakinggan, tuloy-tuloy lang ang pagmamadali namin hanggang sa makalabas na kami ng motel. Siguro nag checked out na siya kanina Kaya tuloy na kami sa labas.

May dalawang itim na sasakyan akong napansin sa tapat ng building na pinanggalingan namin.

"Get in! Faster!" Nabuksan na pala ni Brandon ang sasakyan at halos itulak niya ako roon sa loob. May nagsilabasang mga armadong kalalakihan mula sa itim na kotse. Nanginig akong nag seatbelt habang patakbong tinawid ni Brandon ang driver's seat. Hindi na siya nag seatbelt at agad pinaandar ang sasakyan at nagmura ito.

Kumapit akong mabuti, we're in a big trouble. Ginawa ko ang lahat upang hindi masuka sa bilis ng pagpapatakbo ni Brandon, nalulula na ako. Ang sama na ng pakiramdam ko, hinahabol pa ako ng kaba at takot. I tried to hold on my tears so that Brandon won't be distracted. Huminga ako ng malalim ng paulit ulit upang kontrolin ang sarili. Please not now, mag cooperate ka naman.

Napatili ako ng nagpaputok ang nakasunod sa amin, tinamaan ang side mirror sa aking banda.

"Fuck!"

May inabot siya sa dashboard na isang baril at binigay sa akin. Tinanggap ko agad ito, inabot niya ang isa pa habang nagmamaneho ang isang kamay. Isang pang putok uli kaya gumiwang ang sasakyan namin sa pagyuko ni Brandon.

"Paputukan mo! Pero mag ingat ka." Mariin niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa daan. We're running so fast like train.

Tumango tango ako. Despite how bad I feel right now i really wanted to help, desperately. Hinugot ko lahat ng tapang ko noong nagplano pa ako ng paghihigante para kay Ana, hindi ito ang oras para mag bahag ng buntot.

Naunang nagpaputok si Brandon, tinamaan ang gulong noong naunang sasakyang sumunod sa amin at gumiwang ito pagilid ng kalsada. Nasa lugar kami Kung saan walang mga kabahayan at mga tao kaya sinamantala nilang magpaputok.

Pumwesto agad ako upang makapagpaputok, sa pangalawang sasakyan nakita ko si CJ na nakatayo likod ng picked up at tinutok ang baril sa amin. His face were so evil, like a predator hunting his prey.

Nakalabit ko ang gatilyo ng nag paputok uli si Brandon. Napatalon ako doon, hindi ko alam kung sino ang nakatama sa aming dalawang ngunit nabasag ang salamin sa picked up ni CJ.

Sunod sunod naman siyang nagpalulan ng bala sa amin Kaya yumukod kami.

He curses many times and it gets louder Everytime na natatamaan ang sasakyan namin. Sumilip uli ako upang paputukan sila ngunit nagpaputok si CJ uli. Tinamaan yung salamin ng picked up ni Brandon sa likod Kaya nabasag ito. Ngising tagumpay naman siya sa ginawa.

"Are you okay?" Nag alalang tanong ni Brandon.

"Okay lang." I bravely said and assured him. Tumango siya at nagpatuloy sa pagmaneho.

Another rain of bullets is pouring.

Pumikit ako ng mariin at nagdasal na sana ay mabuhay pa kami pagkatapos nito. Napamura ako ng muntik na akong matamaan sa ulo. That was close.

"Mona, sa ilalim ka nalang. Ako na dito. Just be safe please." I can hear his frustrations but still in concerned.

He is begging for me to be safe. Is there any chance to blushed and feel something-

"Shit!"

Binundol nila ang sasakyan namin Kung kaya ako nauntog at nabitawan ang baril na hawak ko. I grabbed it immediately to get even. Hindi na sila nagpapaputok dahil may mga kabahayan na. I ignored his concern and just wanna help sa abot ng aking makakaya. And the fear? Nandito parin ngunit tiniis ko at pinigilan. My shaking hands is under control, lalaban ako o mamatay nalang ng walang laban.

Sumilip ako upang makita sila. They are so close to us. Nagkatinginan kami ni CJ. And he smirked evily.

"I told you to stay down!" Singhal ni Brandon sa akin. Sinulyapan ko siya. His eyes is on fire. Sa talim nito ay para akong matutusok. But not now Brandon, laban natin 'to. I don't wanna play damsel in destres here, hindi ito ang pinunta ko dito.

Nang muling nadaan kami sa walang mga kabahayan ay inulan na naman kami ng bala.

"Fuck!!" He cursed again, hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang nagmura at sa dami na noon ay nakikita ko na ang pangil sa kanyang bibig.

Ayokong magsalita dahil kinakabahan nga ako, baka sa oras na magsalita ako ay iiyak lang. Tinikum ko lang ang bibig ko upang pigilan ang mga walang kwentang emosyon sa sitwasyon ngayon. Bahala kang magalit sa akin Brandon, gusto ko lang makatulong.

Sumilip muli ako at nagtagpo muli ang paningin namin ni CJ.

"You bitch!" Sigaw niya.

Nag init ang ulo ko sa sinabi niya. No one dare to call me bitch because I am not. Tinutok ko ang baril sa kanya at nginisihan lang niya ako dahil nanginig ang kamay ko.

"I dare you!" Sigaw niya.

Shit! Hindi ko napigil ang panginig nito dahil sa takot. Syempre tayo na ang tinutukan ko pero hindi ko inalis ang pagtutuk dito.

"Putok mo!" Hamon niya sa akin.

My eyes were bloodshot, nanginginig na ako sa galit at naluluha na ako. Isinaksak ko utak ko na siya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Kung ako mag Isa ngayon. Pagbabayan niya ang pagkawala ni Ana.

Dahil to sayo!

Sabay ng pagkalabit ko ng gatilyo ay pumikit ako, parang ang sakit kalabitin dahil nangungulila parin ako hanggang ngayon.

Para ito sayo Ana.

Napatalon pa ako sa pagputok ng baril na tila nakakabingi ito. Dumilat agad ako upang tingnan ko siya.

Napanganga ako ng makita ko siyang dugaan sa dibdib. Nabitawan ko ang baril at napatakip sa aking bibig. Tumingin siya sa sugatang dibdib at sa akin bago siya natumba at huminto ang kanilang sasakyan.

"Bull's eye!! Good job baby!! Wuhoo!" Narinig kong pagdiriwang ni Brandon.

Bumalot sa akin ang kanina ko pang iniwaksing takot. Bumuhos ang aking luha at nanginig na naman ako habang hindi ko maigalaw ang mga paa para sana umayos ng upo. Yung kaluluwa ko ay parang humiwalay sa akin dahil namanhid ako. Hindi ako makapagsalita, patuloy lang ang agus ng aking mga luha.

"Oh shit!"

Biglang nagpreno ang sasakyan namin at itinabi kung saan. Dinaluhan agad ako ni Brandon at niyugyug. Nang tingnan ko siya ay mukha ng batang lalaki ang nakita ko na may dugo at pasa sa mukha. Nahigit ko ang aking hininga bago ako lamunin ng kadiliman at may nasambit ako.

"Brad..."















❤ LibRanz01

Mga ilang araw akong walang update kasi babyahe po kami for family reunion. At sa mga nagtatanong Kung may second gen po ang SBH series ay meron po, pangungunahan po ito ni Chicky.  Salamat sa mga abangers dyan. Bye muna.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon