Pakopya!

173 7 1
                                    

Plagiarism is a crime.

~**~

Busy ang lahat at nagre-review dahil Exam na namin ngayon. Mukhang seryoso silang lahat maliban sa akin na nagbabasa lang ng Wattpad sa cp ko.

Tamang basa lang tapos hula-hula na lang after
Hohoho. Char. Mangongopya ako.

Nakaka-adik kasi. Reading wattpad is like traveling in a whole new world. I like to think that I'm just having a vacation in it. Vacation in my own version of Paradise.

No stress. No worries but fun and contentment, with lessons in the end.

Iba't iba ang klase ng wattpadder.

May mga martyr na nagbabasa ng sweet or romantic stories kahit bitter, kinikilig naman.

Meron ding scary wattpadder, yung tipong napuno na ng patayan ang library at puso kadiliman ang naiisip.

May mga inosente din, yung ngingiti-ngiti pero deep inside *ehem* library is full of *ehem* Cecelib *ehem* RaceDarwin *ehem* I love you, Ara- ayy katakot pala iyon.

Kanya-kanyang hobby naman lahat ng tao. May iba na mahilig manood ng K-drama or American movies, depende sa trip ng tao.

Tumingin ako sa pintuan at tinignan kung nandyan na ba yung adviser namin at nang makitang wala pa ito ay agad kong binaba ang cellphone ko at lumapit sa Top notcher ng classroom na nakaupo sa harap ko at bumulong.

"Pakopya ako ah?"

Hindi man lang niya ako nilingon o tumango man lang pero alam kong payag iyan.

Tuwing Exams o kahit long quiz, siya lagi ang kinokopyahan ko.

Kinukuha ko lang ang papel niya kapag tapos na siyang sumagot. Wala naman siyang reklamo at hinahayaan lang ako kaya feeling ko okay lang naman sa kanya.

Maya-maya ay dumating na yung adviser namin kaya tinago ko na cellphone ko at umayos ng upo.

"Good morning Class. First natin is Mathematics."

May narinig akong mahihinang protesta.

"Ano ba yan!"

"Shet! Madugo. Buti tapos na regla ko."

"Pota! Akala ko English ang First sub?" 

"OA niyo. Ang dali-dali lang ng Math--"

"Nakakahiya naman sayo! Ang talino mo eh no?!"

Natawa ako ng makitang pinagtulungan si Resty na nagsabing madali lang daw ang Math samantalang siya lagi ang lowest pag may quiz.

Napailing na lang ako at ngumisi sabay tingin sa kokopyahan ko slash Crush.

Lumingon ito sakin kaya ngumiti ako. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang kakapalan ng mukha ko dahil biruin mo,

Crush pero kinokopyahan.

Ako na! Ako na talaga!

Nakita kong umiwas agad siya ng tingin at binalik ang atensyon sa harap.

"By the way, magkakaroon ng seating arrangement."

Napakurap ako.

Ganun?

Eh ang layo ng apilyedo ko kay Joshua! Kanino ako mangongopya?

Napanguso ako ng magsimula na ang seating arrangement. Ang layo ni Crush.

Cannot be reach.

Pakopya!(OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon