[Chapter Twelve]

3 0 0
                                    

[Chapter Twelve]

~Janine's POV~

Nakauwi na ako nang bahay. Nandito ako ngayon sa kwarto. Nakatunganga at nagmomonologue. Kung itatanong nyo kung anong pinag-usapan namin kanina ni Bakulaw ..

<Flashback .. >

"What will you feel kung 'di ka pinagtanggol ng boyfriend mo? Just like what happened between the three of us? Pinagtanggol ako ni Alysha from you, right? But I didn't do the same to her when you shout at Alysha and slapped her." Lugi ata ako dito ah? Parang nanggi-guilty lang siya eh!!

"Parang nanggi-guilty ka lang eh."

"It's not my fault na nagi-guilty ka." Tss. Inirapan ko na lang siya at nag-isip. Ano nga bang mararamdaman ko?

"For me, disappointment. Kase boyfriend ko pinagtanggol ko in public pero siya hinayaan lang na masampal ako? How dare him?!"

"Parehas tayong nagu-guilty. Tss. So probably, she might feel the same." HAHAHA. Ayos din nang set up namin eh? Pero para mabawi yung Bestfriends ko, gagawin ko 'to.

Tumango ako sa sinabi niya. Pero bakit parang nake-carried away ako? Feeler na din ata ako!! eh kasalanan ko bang habang sinasabi ko yun, si Rain nasa isip ko?

"What do you want?" Uy oh! What do you want daw!

"Chicken-Spaghetti, Cokefloat, burger yung regular, 2 extra rice lang kase diet ako atsaka 2 large fries. Ay! Gawin mo na palang 4 large fries para 'pag dating ko sa bahay may kinakain ako. Sa Jolibee ka na lang umorder, ha? Yun lang." Napa Face palm siya sa sinabi ko. Ano bang mali dun? Gutom na kaya ako!! Atsaka nagtanong siya kung anong gusto ko so sinabi ko lang. Problema nito?!

"I mean, anong gusto mong gawin sa'yong paglalambing para patawarin mo siya if ever you're on the situation?" Nung sinabi niya yan, parang pinagbagsakan ako nang langit at lupa. Gutom na ako. TT0TT

"Based on your face, you're disappointed with what I said. Okay, fine. Oorder na ako." Yown! Nagsimula na siyang tumawag tapos ako naman nag-isip. Ano nga bang gusto kong way ng paglalambing? Aha! Hinintay ko siyang matapos saka ako nagsalita.

"Kung ako lalambingin, gusto ko bibigyan ako nang pagkain. Yung marami. Yun! Katalo na yun sakin. Bigyan mo kaya siya nang pagkain?" Bigla namang kumunot yung noo niya.

"Takaw mo. Tss. She won't like it, for sure. She's always on a diet." Ano ba yan? Pagkain na tinatanggihan pa.

Wait. Ano nga bang palaging binibigay nung ex-boyfriend ni Den sa kanya kaya palaging kinikilig yun? Ahh!

"Flowers and Chocolates kaya?" Suggestion ko. Yun naman kase yung binibigay ni Alex kay Den. Tapos eto namang si Den, pupunta samin dala-dala pa yung mga yun tapos magku-kwento tapos kikiligin tapos manghahampas -____- Bakit kaya ganun noh? 'Pag ba kinikilig kailangan manghampas? Tapos abot langit pa yung ngiti. Minsan nga natatakot na ako kay Den 'pag ngingiti-ngiti yun eh. Akala mo takas sa mental! Kulang na lang spray-an yung bibig nun nang hindi matanggal.

"I'd never give her flowers and chocolates. She always wants to go shopping whenever we're together. Kaya damit at sapatos ang palagi kong nireregalo sa kanya. Then we'll eat in a restaurant. So that's why." Haaay~ Mga spoiled nga naman!

"Give her flowers and chocolates and try to be nice to her. Smile ka naman. Hindi yung puro pokerface palagi. Mukha ka tuloy lola kong magmemeno pause! HAHAHA- *Gulp* HEHEHEHE!" Aba! Samaan ba daw ako nang tingin?

< ..End Of Flashback>

Yun na yung nangyari. Nagpraktis pa nga kami nang pagngiti niya eh. May sobrang lawak nang ngiti, tipid na tipid yung smile, ngiting kita yung ngipin, ngiting ay ewan! Pero infairness ah? Sa lahat nang yun,

MUKHA SIYANG TIMANG! HAHAHAHA. Eh pano ba naman, halatang nahihirapan yung mukha niya. Tapos nun dumating na yung pinadeliver namin este niya. Kumain kami tapos tumitingin ako sa kanya minsan. At ang loko nagpa-praktis! HAHAHAHA. Pero pag nahahalata niya umiiwas. Parang bakla eh! HAHAHAHAHA.

*Tok tok tok!*

"Ma'am Janine, may bisita po kayo sa baba." Bisita? Eh? Malapit nang mag-8:00 tapos bisita? O____o

"Sige! Pakisabi bababa na ako!"

"Sige po."

**

~3rd Person's POV~

Nasa may kalagitnaan na nang hagdanan si Janine nang akmang babalik na ulit ngunit bigla siyang napatigil dahil sa pakiusap ni Dennie. Kahit na nagtatampo siya sa mga ito, hindi pa rin naman mawawala ang pagkamiss niya rito. Oo, sila Patricia, Dennie at Rain ang kanyang mga bisita.

"S-sis, mag-usap naman tayo oh ..." Parang nanlambot si Janine. Hindi mapagkakailang sobrang namimiss na niya ang Sis niya. Lumingon siya sa mga ito at dahan-dahang bumaba nang hagdan. Saka siya umupo sa kabilang sofa.

Katahimikan .. Isang mahabang katahimikan ang pumaibabaw sa kanilang lahat. Sobrang awkward. Gusto na nyang tumakbo, yakapin, umiyak at sisihin ang kanyang mga kaibigan. Pero hindi niya gagawin iyon dahil baka hindi niya marinig ang rason ng mga ito.

"Sorry." Si Patricia na ang nauna. Kahit naman sanay siya sa katahimikan, hindi pa rin siya mapalagay na tila ba nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa kanila.

"Sorry to disappoint you. We didn't mean it. It was just . . . h-hindi namin alam yung gagawin. Nagulat din kami. Hindi lang talaga namin na-absorb agad. Hindi naman kasi tayo pare-pareho. Ikaw mas angat samin, we admit it. After our class, nung uwian, kinompronta namin siya. Sinisisi namin siya. We did all of the ways we know para lumayo siya kay Rain kase ayaw natin ng gulo. We even begged. But she's too hard-headed." Ang babaw lang nang pinagawayan nila no? Pero kase . . . Iba yung pakiramdam na ayaw mo talaga sa isang tao. Yung tipo nang kulang na lang sumabog ka na sa init nang dugo mo sa kanila. Tapos yung pakiramdam na iniiwasan niyo yung gulo. Ganun. Ganun yung nararamdaman, maybe, nilang apat. Ayaw nila sa gulo.

Bago magsalita, ngumiti muna si Janine at huminga nang malalim. "Ako nang bahala kay Alysha :)"

"S-so, bati n--" Hindi na naituloy ni Dennie ang sasabihin niya nang yakapin silang tatlo ni Janine. Magkakatabi naman ang tatlo niyang kaibigan kaya nayakap niya ito nang sabay-sabay.

"Sige na. Uwi na kayo. Gabi na ohh. Ah Hoy ikaw, Ulan." Sabi nito't tinuro si Rain "May utang ka pa saking libre!! Hmmmmfp.."

"Takaw as ever." Sabi ni Rain na ikinatawa nang tatlo. Hinatid naman ni Janine ang tatlo.

"Tss. Lumayas na nga kayo! Bukas na lang. Atsaka, Pat, pakopya na lang ng assignment ha? BYEEEEE~!!" Saka sila nagpaalam sa isa't isa.

********

[A/n]: SHORT UD !

Sorry sa typos and W-G. !

Accidentally Fall InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon