"Salamin at Lipstick" (Part 2)

1K 20 1
                                    

A/N: Ayan na, part 2 na ng storya ni Wallace at Michelle. Tandaan, Vote at comment ha?

~*~*~*~*~*~*~

Michelle's POV

Masaya ako. Sobra. Yun lang ang masasabi ko kasi ngayon, Wallace is MINE. 

Nagbago si Wallace after ng break up nila ni Kathryn. Kung dati naka salamin siya, ngayon contact lense nalang. Kung dati yung damit ng parang sa lost grandson lang ni Jose Rizal, ngayon pang teen hearthtrob na. kung dati ang buhok niya ay sabog sabog, ngayon naka-ayos na ng mabuti. Malaki talaga ang pinagbago ni Wallace, kaya ako din nagbago. Hindi na ako nagsusuot ng mga damit na masyadong nage-expose ng katawan, tsaka simple nalang ako maglagay ng make-up.

Medyo nakaka-move-on na din si Wallace kay Kathryn. Nagiging sweet na din siya saakin this past few days.

Masasabi nga natin na 'cute' kaming tingnan ngayon dahil sa posisyon namin habang naglalakad. Pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng mga studyante dito sa paligid-ligid. 

"Oh My Gosh! Girl! Si Wallace ba iyon?"

"Oo nga noh! Ang gwapo gwapo naman pala niya!"

"Yah, but look oh. There's that bitch. Naka palupot pa yung braso niya kay Wallace oh. Parang linta!"

"I know right?!" 

Kahit na nadinig ko yung bulungan na iyon ay hindi ko nalang iyon pinansin. Psh, mga inggit lang naman sila kasi hindi nila pinansin dati si Lace, kaya ayan magdusa kayo! 

"Lace, saan mo gustong mag lunch?" tanong ko sa kaniya habang nakapalupot parin yung mga kamay ko sa braso niya.

"Ikaw bahala." walang emosyong sagot niya, tila'y may gumugulo sa isip niya.

Nakapagtataka naman. Hindi naman ganiyan ang ikinikilos niya nung mga nakaraang araw ha. Bakit bigla siya naging ganiyang ka-cold?

"May problema ba, Lace?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Umiling siya bilang sagot.

Nakakalungkot naman itong inaasal niya saakin.

~*~*~*~

Kumakain kami ng tahimik ngayon dito sa canteen. Si Lace, bahagya niya ginagalaw yung pagkain niya. Tapos hindi siya tumitingin saakin kapag kinakausap ko siya. May mali talaga eh.

One Shot Stories ( Romance ) [REVISED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon