Takot ako sa pagibig mo,
Takot akong maniwala sa mga bagay na baka hindi naman totoo,
Takot akong mabulag ng mga ilusyong dulot mo sa imahinasyon ko,
Takot ako sa sarili ko,
Takot akong traydurin ng sarili kong mundo,
Takot ako sa dilim,
Takot akong malunod sa pagmamahal na hindi ko alam kung gaano kalalim,
Pero mas takot ako sa unti unting pagliwanag ng mga itinatago mong lihim,
Takot ako sa ulan at ihip ng hangin,
Pero mas takot akong sumilong sa panandaliang lilim,
Takot akong maging makasalanan,
Takot akong makasakit pero mas takot akong masaktan,
Takot akong umakyat ng hagdan,
Takot ako dahil wala akong kasiguraduhan kung aalalayan mo ako hanggang sa huling baitang,
Takot akong sumaya,
Takot akong umasa dahil di ko alam kung pano dumistansya sa sandaling hindi kana maligaya,
Takot akong magparaya,
Takot ako sa laro na palaging ako ang taya,
Takot akong dumilat,
Takot akong makita na nagbabago ka na pero mas takot ako sa mga alaala kapag nakita kong nangyayari na,
Takot akong mapagod ka,
Takot akong tumawid sa daan at mabasa ng ulan mag isa,
Takot akong mapaso,
Pero mas takot akong maramdaman ang init ng pagmamahal mo na unti unting naglalaho,
Takot ako sa anino mo tuwing lalapit ka,
Pero mas takot akong makita kung pano ko unti unting maiwan ng magisa,
Takot akong mawala ka,
Takot akong maghintay dahil takot akong dumating yung araw na babalik ka pero takot na ulit akong magsimula,
Takot ako dahil mahal kita,
Takot ako dahil masyado kang mahalaga,
Takot ako dahil sa pagmamahal mo lang ako nagiging malaya,
Pero mas takot ako na baka hindi mo lahat makita,
Takot ako na baka isang araw ituring mo na lang ako na parang hangin na kailangan mo lang para huminga
BINABASA MO ANG
"Takot Ako Sa Pag-Ibig Mo"
PoezieNot the usual thing I do but yeah, I do write poems. Especially in my darkest and deepest moments. I know this might look "corny" to you, but I'm happy I could turn solitude into something that some people could relate with.