Chapter 22

174 12 4
                                    

Chapter 22

Sooyoung's POV

3pm na pala, bumaba muna ako at kakausapin ko si Suho, may nagawa kasi akong hindi ko inaasahan eh.

"Suho."

Tumabi ako sakanya, nanunuod siya ngayon dito sa sala eh, kasama si D.O.

"Bakit?" Sabi niya.

Pero natigil ako kasi nakita ko si Min-Ah pababa ng hagdan, si Baek naman hinihintay siya.

"Taray, may lakad sila." Sabi ni D.O.

Omg, nakita ko din tong pangyayaring to.

"Sama ka?" Tanong ni Min-Ah.

"Hindi na, baka makaistorbo pa ko sainyong dalawa." Sabi ni D.O.

Grabe, totoo ba tong nangyayari ngayon?

Biglang nilapitan ni Baek si D.O at sinuntok niya si D.O sa balikat. Pero si D.O,

tumawa lang...

Ganitong-ganito ang nangyari.

Umalis na sila Min-Ah at Baek.

"Huy, bakit?" Tanong ni Suho at tinapik niya ko.

"Pwedeng labas muna tayo? May tatanong lang ako." Sabi ko sakanya at tumayo na ko.

"Oh? Kayo din may lakad?" Tanong ni D.O.

"Baliw, wala, saglit lang." Sabi ni Suho at pumunta siya sa kusina at sinundan ko lang siya.

Lumabas siya sa pinto ng kusina at nandito na kami sa likod ng bahay nila ngayon...

"Ano yung itatanong mo?" Sabi ni Suho, o bakit parang galit siya?

"May nadiskubre kasi ako..." Sabi ko.

Pero parang nanlaki ang mata ni Suho, natatakot ba siya?

"About sa past ba to? Or what?" Tanong niya sakin.

"Past? Bakit ano meron sa past na kailangan ko malaman?" Tanong ko sakanya at parang lalong nanlaki mata niya.

"Ha? Eh, wala naman. Hindi ba tungkol dun?" Tanong niya sakin. Baliw na ata tong si Suho.

"Hindi! Kasi ganito yan, makinig ka!" Sabi ko sakanya at umupo kasi sa swing.

"Okay."

"Kaninang umaga, para akong nagbablack-out, pero nakadilat ako, may nakita about sa future, about kay Baek at Min-Ah-"

"Alam mo ng nakakakita ka ng mangyayari sa future?" Sabi niya.

Teka lang?! Alam niya bang may power akong ganun? Bakit di man lang niya sinabi?

"Teka lang? Alam mo? Na nakakakita ako ng future? Eh kanina ko lang na diskubre ah." Sabi ko sakanya.

Bakit pakiramdam ko ngayon, andami niyang tinatago sakin?

"Ha- Hindi ah!" Sabi niya at bigla siyang tumingin papalayo.

"Ewan ko sayo. Oh basta, ganito, nakita ko nga yung mangyayari sakanila ngayon. Tignan mo, pagbalik nila dito, sila na!" Sabi ko sakanya at nagulat siya sa sinabi ko.

"Talaga?"

"Oo."

"Okay. Yun lang ba sasabihin mo sakin? Alis na ko." Bigla siyang tumayo at naglakad papasok ulit ng bahay.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon