Chapter 21: Sahania's True Love

514 14 5
                                    

"Be honest with me, bro. May gusto ka ba kay Sahania?"
Natigil sa pagpindot ng controller si Jadiel dahil sa tanong ng pinsan.
Kasalukuyan silang naglalaro sa bahay niya sa La Trinidad ng mga panahon na iyon.
Tinawagan niya si Daniel sa bahay nito para may kalaro siya sa bagong Game Console na nabili niya at para na rin ibigay dito ang invitation para sa birthday ni Diane.
Hindi alam ni Jadiel kung anong sasabihin sa pinsan.
Masama na ang kutob niya noong unang ipakilala palang niya bilang pinsan si Daniel sa outing ng Glee Club at Drama Club sa ilog dahil sa tensiyon nilang dalawa ni Sahania.
Iwinaglit niya lang ito sa isipan kahit alam niyang nasasaktan siya sa loob loob niya sa katotohanang mas nauna itong nakilala ni Sahania at lalo na kapag nakikita niyang magkasama ang mga ito.
"Don't lie to me Jadiel. Nakikita ko kung gaano ka makatitig sa kanya. Lalong lalo na't nakapagtataka na lagi kang nagsisimba kapag kaming Glee Club ang magseserve para lang makita mo siya! I even know how much you wanted to give her white daisies right after each of our chorale competitions! Oh right! Even the fact na pagkatapos mong magshoot ng bola sa kada laro mo ay kailangan mo pang tumingin sa kanya. You think I didn't notice?!" madiin at may halong galit ang pananalita ni Daniel.
Tuluyan ng binitawan ni Jadiel ang controller para harapin ang pinsan.
"I'm not planning on lying to you, Daniel. Totoo lahat ng sinabi mo." seryosong sagot niya habang nakatitig dito.
"You know that I like her!!" napatayo na sabi ni Daniel at makikita mo ang pagkadismaya sa mukha nito.
"Kahit hindi ko yun sabihin Jadiel, alam kong alam mo!! Oh let me rephrase that, "I LOVE HER"!! madiin pang dugtong nito.
"I love her too!" halos pasigaw na ring sagot niya.
"What do you want me to do Daniel, pigilan ko yung nararamdaman ko?! We're cousins, I know that but I can't keep lying about my feelings for her. Hindi ko naman inexpect na siya rin ang mahal mo!" pagkasabi nito doon ay napasapo ang magkabilang palad niya sa noo niya.
"She's the girl I've been in love with back in High School. Siya yung pinagbigyan ko ng kanta mo na 'On Papers' at siya yung background na naka-sketch. I did what you told me to do." mahina at kalmadong sinabi ito ni Daniel ngunit pakiramdam ni Jadiel ay para itong dumagundong sa tenga niya.
"You did what?" napabuntong hininga siya na may kasamang sarkastikong ngiti.
"That was my song!!" hindi makapaniwalang sabi niya.
Akalain mo nga naman na yung kantang ginawa niya ay nakarating nga sa taong pinagaalayan niya nito ngunit ibang tao naman ang umangkin.
Papaano niya sasabihin kay Daniel na para kay Sahania naman talaga yung kantang 'yon?
"It was a poem when I presented it to her! I guess you agreed kasi ikaw ang nagsuggest dun!" mataas ang boses na sabi ni Daniel sa kanya.
"Well how can she know whether that's a poem or a song?! The thing is, you used the words that I composed!!" napatayo na rin sa inis si Jadiel.
"You know what Daniel? Forget it. I don't care about that anymore. What matters is that I love her and I am going to confess to her, and  whether you like it or not, May the best man win, brother." madiin at may halong kasiguraduhan na sabi niya dito at saka tumayo.
Ngunit bago pa siya makaalis ay sinalubong siya agad ni Daniel at saka kinuwelyuhan.
"You stay away from her. She's mine." pagbabanta ni Daniel sa kanya.
Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa damit niya at saka inikot ang braso nito.
"You don't get to tell me what to do." matigas na sagot niya dito.
Nang mapaimpit si Daniel sa pagkakahawak niya sa braso nito ay saka niya ito binitawan.
Sa sobrang galit ay pinagsusuntok ni Daniel ang pader saka sinandal ang noo.
Tumalikod na si Jadiel at paalis ng bigla siyang may narinig na parang natumba.
Lumingon siya dito at nagulat pagkakita sa nakahandusay at walang malay na pinsan.
"Daniel!!!!!" malakas na sigaw niya at saka napatakbo dito.

"Jadiel.. Diosko ano bang nangyare..?" umiiyak na salubong sa kanya ng Tita Sheryl niya.
Nagmadaling nagpunta ang mga ito sa ospital pagkatapos niyang tawagan ang mga ito.
Kasama nito ang asawa at ang pinsan niyang si Clarise na hindi rin mapakali at iyak ng iyak.
Nagyakapan lamang ang mag-asawa habang nakatingin sa labas ng ICU.
"Tita, I- ... I don't know... All of a sudden he just collapsed... Tell me, what's going on..?" nag-aalalang tanong niya sa mga ito.
Bata palang sila ay alam na niyang mahina ang katawan ng pinsan at halos lagi itong maputla ngunit hindi niya alam kung ano ba talagayang kalagayan nito.
Nilapitan niya ang nakaupong si Clarise habang umiiyak.
"May Wilson's Disease siya katulad ng kay lola. Magagamot pa sana kung naagapan kaagad pero malubha na daw kasi yung kay kuya kaya kailangang kailangan na niya ng whole liver transplant agad." mahinang sabi ni Clarise sa kabila ng paghikbi nito.
Lumaki ang mga mata ni Jadiel sa pagkagulat.
Nalaman niya sa ama na may sakit ngang Wilson's Disease ang Lola Rosita nila ngunit lumabas na lamang ito noong matanda na ito at hindi na rin naghanap pa ng liver donor dahil baka hindi na din daw kayanin ng katawan nito at siguro na din dahil sa tanggap na nito at napatagal naman ng buhay ng matanda dahil sa therapy.
Hindi niya lubos akalain na sa batang edad ay makukuha ng pinsan niya ang sakit na iyon.
"Sabi ng doktor, hindi daw sigurado kung kelan bibigay ang katawan ni kuya. Kailangan makahanap kami ng liver donor sa lalong madaling panahon kasi lagi na siyang nawawalan ng malay at nanghihina." pagpapatuloy ni Clarise.
Hindi makapagsalita si Jadiel.
Hindi niya alam kung papaano magrereact sa mga nalaman.
Dahan-dahan niyang nilapit si Clarise sa kanya at niyakap.
"Kuya Jadiel.. tulungan mo naman si Kuya para mahalin siya ulit ni Ate Sahania oh..? Si Ate Sahania lang naman ang rason kaya siya nagtransfer dito sa Baguio eh.. Gusto niyang makasama siya bago pa mahuli ang lahat.."
pagkasabi nito niyon ay lalong napahqgulhol ang dalaga.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon