Tatlong taon? Limang taon? Sampung taon? Never?!
Gaano ba katagal ang for good?
Mga katanungan sa isip ni Sahania na hindi niya masagot-sagot.
Hindi pa nakakaalis ng bansa si Jadiel ngunit iniisip na niya kaagad kung kailan ito babalik ng Pilipinas.
Hindi niya matanggap sa sarili na tuluyan na siyang iiwan ni Jadiel.
Hindi niya din kayang tanggapin na ang For Good na sinasabi nito ay nagsasabing hindi na din talaga babalik sa Pinas ang binata.
Masakit sa kanya na pinaubaya siya nito kay Daniel pero hindi naman niya masisi ang binata dahil siya mismo ay naaawa at nakokonsensiya kay Daniel.
Nag-usap na din silang dalawa ni Diane.
Noong una ay nagtampo ito sa kanya dahil hindi niya nasabi kaagad ang nangyari kay Daniel para naman daw sana ay makabisita ito ngunit naglaon ay naintindihan din naman siya ng kaibigan.
Malungkot niya ding kinuwento ang sitwasyon nila ni Jadiel.
"Weird. So you're telling me na sa panaginip ka nakilala ni Jadiel mula pa nung bata ka..?" takang tanong nito.
"Yeah. Hindi ko din alam kung papaano." sagot niya.
"At yung lagi mong napapanaginipan mula bata tayo at nagigising kang umiiyak eh si Jadiel yun at nangyari talaga yung nasa panaginip mo?" muling tanong nito.
"Oo. Para ngang nung nandoon nako sa time na yun eh na-reset yung napapanaginipan ko parang pumasok ako sa panaginip." naguguluhang sagot niya.
"See?! Sabi ko sayo dati pa baka may ibig sabihin mga panaginip mo, ayaw mong maniwala!" paninisi nito sa kanya.
Napakibit-balikat lang siya.
"Hhhmmm.. Kung iisipin mo, parang sinasabi na nakatadhanang magtatagpo kayong dalawa.." muling sabi ng kaibigan na akala mo nangangarap.
"Pinagtagpo? Eh sa parang galit nga ang tadhana sa amin eh kasi pilit kaming pinaglalayo.." malungkot na sabi niya dito.
"Pinagtagpo lang hindi tinadhana.." dagdag niyang muli.
"Masuwerte ka nga may pinagpipilian ka eh.. Ako bes willing naman na ako mag give-up kay Daniel eh..Tanggap ko na na ikaw talaga ang mahal niya.. Alam siguro ng Diyos na kailangan ka ni Daniel kaya napaghihiwalay kayo ni Jadiel.." mahabang salaysay ni Diane.
Muli siyang nabalisa ng maalala si Daniel.
Hindi vniya alam kung anong gagawin niya dahil namimilit parin itong ligawan siya.
Magsisimula na ang klase nila sa susunod na araw.
Iyon na ang huling taon nila sa kolehiyo.
Baka iyon na rin ang huling taon na nasa Pilipinas si Jadiel.
Nahalata ni Diane ang pagkabalisa niya kaya hinawakan siya sa kamay.
"Mahal ko si Daniel bes.. Pero dahil ikaw ang pinili niya, kaialangan kong tanggapin.. Ang natitira nalang ay ang tanggapin mo din siya..Yung tungkol kay Jadiel, kung talagang kayo ang para sa isa't-isa sa bandang huli, eh di kayo talaga.. Pero sa ngayon, ako na ang nakikiusap sayo bes.. Masakit sakin pero sana ay pagbigyan mo na si Daniel.." malumanay na sabi nito.
Pinilit niyang ngumiti para sa kaibigan.----------
"Tol? Ito yung draft na ginawa ko para sa Research natin. Tignan mo nalang kung may papalitan ka."
Parang nagising siya sa pagkausap sa kanya ni Roseanne.
"Ayos ka lang?" tanong naman ni Marykay sa kanya.
Tumango lang siya bilang pagtugon.
First semester ng klase nila sa Unibersidad ng Santa Lucia.
Huling taon na rin nila ito sa kolehiyo.
Hindi na rin sila magkamayaw dahil sa panay major subjects ang meron sila at tutok sila sa pag-aaral lalo pa at ginagawa na din nila ang Thesis nila.
"Sige tol, salamat. Isesend ko mamayang gabi sa e-mail mo kapag may revision." sabi nalang niya sa kaibigan.
Walang kaalam-alam ang mga kaibigan niya sa nangyari sa kanya sa bakasyon.
Ang alam parin ng mga ito ay sila talaga ni Daniel.
Dahil na din sa pakiusap ni Daniel na sa kanila nalang sana kung ano ang nangyari dito.
Narinig nilang tumunog ang bell.
"Andito na si boyfie." bulong sa kanya ni Aisa na bahagya siyang tinapik.
Tumingin siya sa pintuan at nakita si Daniel na nakangiting abot hanggang tenga.
Maaliwalas na ang mukha nito na tila hindi nanggaling sa malubhang sakit.
Agad niya itong nilapitan.
"Let's go?" tanong nito sa kanya at saka siya inakbayan.
Pagkalabas nila ng classroom ay saka naman nagbukas ang kabilang classroom at naglabasan ang mga estudyante ng IT na naroon.
Nagitla siya ng makitang lumabas si Jadiel.
Agad niyang inalis ang kamay ni Daniel nang tumingin ito sa kanila.
Natigilan din ito saglit pagkakita sa kanila ni Daniel ngunit agad din itong lumiko paalis.
Kumirot ang dibdib niya.
Ngayon niya lang ulit nakita si Jadiel.
Nasa iisang school sila pero sadya lang sigurong mailap ito dahil hindi niya ito nakikita.
Nalungkot siya ng binalita sa kanya ni Valerie na nag-quit na ang binata sa Drama Club at umalis na din ito bilang varsity ng basketball sa school.
Madaming nagtaka at naguluhan sa biglaang desisyon na iyon ni Jadiel pero wala namang nagawa ang coach ng basketball team at pati na rin si Ms. Cruz para pigilan ito.
Nakikita niya lagi ang kotse nitong naka park sa school nila pero pagkatapos ng practice ng Glee Club ay wala na ang sasakyan doon na ibig sabihin ay umuuwi agad si Jadiel pagkatapos ng klase.
Hindi na rin sila muling naging magkaklase pa dahil nga sa magkaiba naman talaga sila ng course.
"I'm hungry for shawarma. Sinong may gusto?" tanong ni Daniel na nagpaigtad sa kanya.
"Ako!" sagot lahat ang mga kaibigan niya.
"Tara!" nakangiting sabi ni Daniel sa mga ito at saka nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...