(COMPLETED ON DREAME)
A/N: CallmeAnggeKasingbilis ng hangin at kidlat ang paghaharurot ng kulay pula kotse na walang takot na minamaneho ni Jamere Justo. Ang world champion car racer ng bansa at marami ng pinanalong kompetisyon sa iba't-ibang bansa. No one can beat his racing skill.
Alisto na kinabig ni Jamere ang manobela pakaliwa at ilang metro na lang itatanghal na naman siya champion.
Hindi nagtagal,he won again for nth times.
Bitbit ang tropeo na humarap siya sa kanya kasama na masayang-masaya sa pagkapanalo nila.
"Word record na ang pagkapanalo mo,Sir Jam!" anang ng kanya assistant.
Nginisihan lang niya ito. May pagkakataon na nakakausap siya ng mga ito bilang barkada pero hindi sa lahat ng oras,strikto siya sa mga ito lalo na pagdating sa mga kotse niya.
"Nga pala,Sir Jam,may nakuha na kong kapalit ni Andoy," saad ng matanda mekaniko ng JJ's racing club niya.
Si Andoy ang pinatalsik niya mekaniko dahil sa paggamit nito ng isa sa mga sasakyan niya sa clubs ng walang paalam.
"Ganun po ba,sige ho,Mang Rene kayo na bahala sa kanya mag-assist,may tiwala naman ako sa inyo na mahahandle niyo ang mga mekaniko natin," sagot niya sa matandang mekaniko.
Ngumiti ito. "Oho naman,Sir Jam! Hindi na mauulit ang nangyari sa ginawa ni Andoy," tugon nito.
Tinanguan na lang niya ito. Ito ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa mga mekaniko.
"Wow! Congrats! Kung hindi lang ako takot magmaneho ng kasingbilis mo baka hinamon ko na kayo!" pagsulpot nito sa harapan niya.
Zei.
"Nanuod ka pala?" Aniya. He combed his shoulder length hair.
Ngumisi ito at humalukipkip. "Oo naman,avid fan niyo kaya ako,kamahalan!"
"Want my autograph?"
He chuckled."Sure! Papicture na rin po ako!"
Napailing na lang siya rito. Inabala niya ang sarili na tanggalin ang mga suot niya.
"Kamusta? May nakabalik na ba satin?" pagtatanong niya habang inaalis ang strap ng racer uniform niya.
"Meron na.."
Napalingon siya rito. "Talaga?"
Ngumiti ito at tumango.
"Yes,tatlong prinsipe na ang nakakabalik sa mundong-Colai.." inporma nito.
Namamangha napatango-tango siya at muli pinagpatuloy ang ginagawa.
"I think,kayo na ang sunod sa kanila.."
Marahas siya napalingon rito. Kinunutan niya ito ng noo.
"Paano mo naman nasabi yan?"
Nakangisi na nagkibit ito ng balikat.
"My wolf instinct.."proud nito sabi.
Humarap siya rito.
" Sabihin mo nga,bukod sa pagiging bantay ng lagusan at sugo ng mga Anda,ano pa ba ang ibang trabaho mo? Kailan ka lang namin nakilala at wala kami kaalam-alam ng kahit ano tungkol sayo?"pag-uusisa niya rito.
Napangiwi ito.
"Uhm,mabuti pa,kamahalan ,magcelebrate tayo!"
Iniwasan nito ang tanong niya.
"Malalaman ko din kung sino ka," mariin niya saad rito na nginisihan lang siya nito.
Dinampot niya ang helmet at giniya ito kung saan sila magsicelebrate para sa pagkapanalo nila muli.
-----
Haha kababasa ko lang ng ibang comments,bitin nga daw ang ending,haha. Try ko na hindi bitin ang ending. Hahaha bahala na. Pero salamat sa inyo.
BINABASA MO ANG
Prince of Red Wolves Series 4 : JAMERE JUSTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Redwolf #Romance #Mate #Prophecy #dreame