[C3] Regret? Or just Scared?

86 0 8
                                    

 A/N : dedicated kay ate angiegiean dahil taga UPLB din sya. XD plus, astig sya. :)

SUMMARY NG C2.2 - ANG BS [RESTRICTED]

nung papunta na sina cara sa bahay nina ian, nakasabay nya sa jeep si sam. pinagsabihan sya ni sam na wag ituloy.. pero hindi sya nakinig. pumunta sya kina ian, at pinagpasyahan na ibigay na ng tuluyan kay ian ang "V" nya. pero hindi natuloy dahil may dumating na tao, at sa sobrang takot, tumakas si cara.

CHAPTER THREE

Regret? Or just Scared?

pinunasan ko yung mga luha ko, habang hinihimas naman ni pau yung likod ko. kinwento ko sa kanya yung totoo.. and she didnt judge me. kung bakit ko yun balak gawin. pero may sinabi sya sakin.

"isa kang malaking tanga."

napangiti ako. oo, alam ko. tanga nga ako. pero kasalanan ko bang nagmahal ako? hindi naman diba?

"pero bakit ka tumakas nung desidido ka na ngang gagawin nyo yun?"

"nakakatakot kasi sya eh. ang.. agressive  nya."

"talaga?"

tinaas ko yung blouse ko, at pinakita ko yung pasa dun. nanlaki yung mga mata nya. tapos tinanggal ko yung jacket ko at pinakita yung mga kalmot ni ian sa likod ko. napatakip na lang sya ng bibig.

"grabe.. halimaw pala yang si ian eh!"

"nga eh."

biglang pumasok si sam dun sa classroom, at padabog na nilagay yung bag nya sa upuan nya, chaka umupo at natulog.

"ui.. badtrip ka ba?"

di ako pinansin.

"ui. okay ka lang ba?"

di padin ako pinansin.

"sam.."

dahan dahan nyang iniangat ang mukha nya, at tumingin sa kabilang direksyon.

"ginawa nyo ba?"

sa una, naguluhan ako dun sa tanong nya. pero after a few minutes.

"AAH! gets. yun pala tinatanong mo. HAHAHA!"

"tss. slow. ano nga kasi."

"oo. ginawa namin.."

binaba nanaman nya yung ulo nya as lamesa nya.

"pero hindi natuloy."

umangat nanaman bigla yung ulo nya, at this time, tumingin na sya sakin.

"talaga?!"

"oo."

"bakit naman?"

"tumakas ako eh."

nawala yung ngiti nya. at naguluhan sya. kumunot kasi noo nya eh.

"bakit naman?"

"well.. may dumating na tao.. kaya.. ayun. umalis na ko."

"ahh. e bakit ka nga umalis?"

hindi ako sumagot. napansin ko yung isang pasa ko na nasa may braso ko, kaya inextend ko yung jacket ko. at napansin nya yun. hinatak nya yung kamay ko, at tiningnan yung pasa.

"ano to, ha?"

"wala lang yan. nadali ko."

kumunot yung noo nya, at biglang hinawi yung buhok ko.

"at ano naman tong pasa sa may leeg mo?"

hinila ko yung buhok ko at tinakpan yung sugat na kagat ni ian.

"sinaktan ka nya.." sabi ni sam.. pero mahina lang..

"sam.."

"layuan mo na sya, cara."

"sam naman."

"please. cant you see? you're too good for him. he doesnt deserve you!"

"wala kang karapatang sabihin yan, sam. so shut it."

"cara, wag kang magpaka tanga sa isang katulad nya!"

"wag mong sabihin sakin ang kung anong dapat kong gawin at kung ano ang hindi! STOP MEDDLING WITH MY LIFE!"

kinuha ko na yung gamit ko at lumabas ng kwarto. dumiretso ako sa CR, at dun ako nagiiiyak. oo na. tanggap ko na. tanga na kung tanga. pero WALA AKONG PAKEALAM! WALA!

BLANK'S POV

"bakit mo ba sya niloloko ng ganyan?"

nagulat ako dun sa sinabi nya. pero nagmaang maangan ako.

"anong ibig mong sabihin."

"you know perfectly well, what i'm talking about. i saw both of you. yesterday."

"h-hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

"shame on you. on both of you. ang kakapal din ng mukha nyong manloko ng isang taong walang ibang ginawa kundi mahalin kayo."

*stab*

nasaktan ako dun sa sinabi nya. ginugulo ako ng konsensya ko. pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, o sino dapat ang piliin. isa lang ang alam ko.

hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo.

A/N : SINO KAYA SI BLANK!? XD abangan ;)

yung c2.2 - ang BS [restricted] .. hiniwalay ko po sya. kasi lahat na nung sumunod na updates puro restricted. kaya ayan. haha.

Ang MasokistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon