Chapter 20

11.9K 230 18
                                    

"Walang tao!" Sigaw ko mula sa kwarto ko. Kanina pa kasi sila katok ng katok. Nagtalukbong ako ng kumot at nagkukot.

"Ikaw talagang bata ka, panu naging walang tao e andyan ka ngang sumasagot! Lumabas ka na dyan at harapin mo yong bisita mo, kanina  pa siya naghihintay!"Pamimilit sa akin ni nanay.

"Paalisin nyo na siya nay. Pakisabi na lang po na wala ako!" sigaw ko para marinig nya.

"Baby, narinig  kita! Pwede bang mag usap tayo?" Tinig ng taong sobrang na miss ko, pero naiinis ako sa kanya ngayon. Pangatlong araw na siya nitong kinukulit para kausapin pero dinideadma ko lang, kahit gusto ko rin syang kausapin pinipigilan ko ang sarili ko.

"Lumayas ka bwiset!" Sigaw ko. Tumulo nanaman ang luha ko, naalala ko nanaman yong nangyari sa bar.

"Hindi ako aalis hanggat di mo kakausapin ng matino. Please naman, mag usap tayo." Pasigaw nyang pakiusap at kinalampag pa ng malakas ang pintuan ng kwarto ko.

"Hoy doberman! Sinu nagbigay sayo ng karapatan na kalampagin ang pintuan ko ha!? Kapag masira yan, wala na kami pamalit!!" Sigaw ko pero patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng pinto. Bwiset na doberman yan. Itinakip ko ang unan sa tenga ko pero maingay pa rin. Tumayo na lang ako at nagdadabog na binuksan ang pinto.

"Sabi na nga ba di ako matitiis ng baby ko eh.." Nakangisi pa nyang sabi pagkabukas ko ng pintuan. Akmang isasarado ko ulit pero mabilis itong pumasok sa kwarto ko at nilock ang pintuan.

"Oh my God! Anu bang binabalak ng doberman na to? I'm still young sa edad kong running 17 para marape at ma unvirgin!!!" Pagpapanic ng mahadera kong utak.

Hinila nya ako sa kama. Tinulak nya ako kaya napahiga ako saka nya ako dinaganan. Panay ang sigaw ko pero nagtataka ako kung bakit wala ni isang miyembro ng pamilya ko ang dumating para ako'y e rescue sa kamay ng raypist na to.

"Anu ba doberrr!!" Sigaw ko. "Umalis ka nga sa pagkakadagan sa akin! Ang bigat mo kaya!" Ibinaling ko sa iba ang tingin ko dahil nakatitig ito ng deretsu sa mata ko.

"Bakit mo kasi ako iniiwasan huh?" Bulong nya sa akin. Ay nak nang butiki naman! Bakit sa punong tenga pa nya ibulong, nakikiliti tuloy ako.

"Tinatanong kita Ciel, bakit mo ako iniiwasan?" Tanung ulit nya sa akin. Manhid lang na Alexdober! Di ba nya magets na nagseselos ako? May girlfriend/fiancee na pala siya. Anung gusto nyang gawin ko, maglululundag at pumalakpak? Haler?

"Hmp! Basta! Umalis ka na sabi eh..!" Tinulak ko siya ng pagkalakas kaya nahulog siya sa sahig.

"Ouch! Baby naman e.. ang sakit kaya..."Aniyang hinihimas pa ang pwet nya. Napahagikhik tuloy ako sa itsura nya, nakakatawa. Mukha ngang nasaktan ito dahil sa pagkalaglag sa sahig.

"Buti nga sayo manyak na doberman ka!" Bumangon ako at umupo. Tumayo naman ito at umupo sa tabi ko.

"Kung anu man yong mga narinig mo mula kay Violeta, di totoo ang mga yon." Pagkuwa'y sabi nya sa akin.

"At bakit ka nagpapaliwanag? Anu naman pakialam ko sa inyo!" Nakasimangot na sagot ko.

"Ang alam ko kasi yon ang dahilan kaya ka galit sa akin e. Alam ko nagseselos ka..." Sabi nya saka pa nya ako kinindatan. Ang damuho!

"Tse!" Inirapan ko sya. "Spell asa!" Sabi ko saka ako hamalukipkip.

"Tsk! Di mo pa kasi aminin e, halata sa noo mo oh.." Sabi pa saka nya pinitik ng mahina ang noo ko. Lintik! At anu naman kinalaman ng noo ko aber? Adik na yata to eh.

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon