Edilyn's POV
Naglalakad kami nagyon ng bestfriend kong si Tila sa mall ng bigla siyang tumigil sa isang stall ng......LARUAN!!!!
" Teka Tila bakit ka tumigil dito? " tanong ko sa kanya, hindi naman siguro sya bibili ng laruan noh?
" Edi tingnan mo ito oh " sabi niya sa akin sabay abot ng isang bilog na may nakalagay na number 8 sa gitna, pambilliard ata.
" Eto pa yung sa billiard?, anong gagawin dito " tanong ko naman sa kanya.
" Hindi, magic 8 ball ang tawag dyan! " sabi nya sa akin, lalo tuloy ako naguluhan.
" Anong magic 8 ball? " nagtatakang tanong ko sa kanya
" Ginagamit ito para sa fortune telling o kaya para sa mga advice " pagpapaliwanag niya sa akin ah so iyon pala iyon.
" Eh laruan lang naman iyan eh, naniniwala ka? " tanong ko sa kanya.
" Hindi, wala namang mawawala kung susubukan eh, at isa pa for fun lang naman diba sabi ko ginagamit ito para sa fortune telling edi diba nasasaiyo naman kung maniniwala ka doon " sabi niya kung sabagay tama naman siya sa mga sinabi niya.
Nakita ko na nakatingin siya sa akin yung sige-na-bili-na-tayo-look
" Ikaw na lang bumili ayako nyan " sabi ko sa kanya pero sinimangutan niya lang ako
" Sige na, tayong dalawa na kasi para masaya, please " sabi niya sabay pa cute, eto na naman tong kaibigan ko hindi ko naman mahihindian itong bestfriend ko.
" Ok fine " sabi ko sa kanya at ayun nagtatatalon na na parang bata.
*******
" Maganda ba ako? " tanong niya sa magic 8 ball niya
" Yes absolutely " sagot naman nung " laruan " niya
" Oh totoo naman pala ito eh, hindi nagsisinungaling " sabi naman ni Tila at natatawa pa.
" Alam mo sa tingin ko kailangan mo rin ng ganito lalo na kapag nagugulahan ka sa mga nangyayari sa buhay mo " sabi niya, mukang seryoso siya.
" Oo na oo na pasok na tayo " aya ko sa kanya.
Pag kapasok namin ni Tila sa room nakita ko siya kasama ng mga barkada niya, naka ngiti siya, yung tibok ng puso ko nagiging abnormal na namn\an. Narinig ko naman itong kaibigan ko na tumawa alam niya kasi na crush ko siya....mahal na yata.
Nakita ko na tumingin siya sa akin at kumaway shems mahihimatay yata ako, nginitian ko lang at bumalik na siya sa pakikipag usap sa mga barkada nya. Pag kaupo ko sa upuan ko narinig kong nag salita yung kaibigan ko.
" Kinikilig na yan, kinawayan ni Chris " sabi ni Tila
" Shut up " sabi ko alam ko na pulang pula na ako.
Dumating na ang teacher namin sa unang subject, natapos, dumating ang pangalawang teacher, natapos ulit, haaay ang boring ang tagal naman ng fourth subject, pagkatapos ng third subject breaktime namin kaya eto kami ni Tila sa canteen.
" Ed ed " tawag sa akin ni Tila ewan ko ba kung bakit paiba iba ang tawag niyan sa akin, ang dami kong nick name.
" Bakit? " tanong ko sa kanya.
" Bakit hindi mo subukan yung magic 8 ball mo ? " tanong niya sa akin.
" At ano naman ang itatanong ko? kung maganda ako ? " natatawa kong sabi sa kanya, pero nag pout lang siya
" Pwede, pero ang mas maganda itanong mo kung mahal ka rin ni Chris " muntik ko nang maibuga yung kinakain ko sa kanya.
" Sira ka ba! hindi naman totoo yun eh! mas..." natigil ako sa sasabihin ko ng nagsalita siya ulit
" Mas maganda kung itatanong ng diretso? e hindi mo naman kaya eh, sige na try mo lang " sabi niya ng seryoso at nakangisi pa pero kung sabagay tama siya.
Eto na nag fourth subject ang pinaka hinihintay ko bakit? kasi dito ko makakatabi si Chris.
" Hi kamusta " sabi ni Chris sa akin, mabait talaga siya sa lahat ng mga kaklase namin gwapo pa ideal boyfriend ng lahat oo marami talagang nagkakagusto sa kanya pati nga yung anak ng principal eh, napa buntong hininga ako wala na talo na ako.
" Ang lalim naman niyan, hoy sabi ko kamusta " nabalik na lang ako sa realidad ng tinapik tapik niya ako,.
" Ha?, ah-eh ok lang " sabi ko naman, ang awkward ng nararamdaman ko grabe, bigla ko tuloy naalala yung mga sinabi ni Tila, subukan ko kaya? wala namang mawawala eh.
Paano kung No?
Paano kung Yes?
Paano kung Maybe?
Haaay, eto yung mahirap sa akin yung mga what if's ko.
Hindi ko namalayan na uwian na pala, naunang umuwi si Tila dahil may aasikasuhin pa siya sa bahay nila.
Naglilinis pa ako ng room at naisipan kong tingnan itong magic 8 ball ko, gagawin ko ba?
Nako naman kung makapag isip ako parang choices between life and death ang nang yayari.
Napailing ako hindi mamaya na lang.
Habang naglalakad ako sa corridor nakasalubong ko si Chris.
" Uuwi ka na " tanong niya sa akin, dahil speechless na naman ako ayun tumango na lang ako.
" Sige ingat ka " shems sinabi ba niya iyon???
Naglalakad ako ng makarating ako sa park umupo muna ako doon at napag isip isip ko na kahit anong sagot nong 8 ball na iyon eh hindi naman totoo try lang try lang.
Kaya naman sinubukan ko umupo ako sa may likod ng puno, ewan ko ba pero feel ko lang don.
Huminga ako ng malalim at sinimulang mag tanong.
" Mahal ba ako ni Chris " tanong ko, yes sana yes yun ang nasa isip ko
" No " shucks!! parang pinag saknuban ako ng langit at lupa. Uulitin ko hanggang sa maging Yes ang sagot ewan ko ba desperado lang ako, para kahit dito Yes man lang ang sagot.
. " Mahal ba ako ni Chris " tanong ko ulit
" No " sabi niya ulit nako naman
Inulit ulit ko No parin ang sagot
" Hay, ewan ko sayo! " napasigaw tuloy ako sa sobrang inis.
May narinig akong tawa pero ang mas nagpagulat sa akin eh kilala ko kung sino yung tumatawa na iyon, shems, at dahan dahan akong napalingin sa likod ko shucks!! siya nga si...Chris!
" Ka- ka nina pa dyan? " nauutal kong tanong sa kanya, tumango lang siya
" Narinig mong lahat? " tanong ko sa kanya, tumango lang ulit.
Ewan ka ba pero hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya sa akin.
Umupo siya sa tabi ko.
" Bakit yan kasi ang tinatanong mo? bakit hindi na lang ako ? " tanong niya sa akin, nakayuko lang ako nakakahiya talaga.,
" Kasi kung ako ang tinanong mo..OO ang sagot " sabi niya ng may ngiti.
*********
A/N
Hi guys! first one shot story ko ito! sana magustuhan niyo
BINABASA MO ANG
My magic 8 ball ( un tiro )
Teen FictionMaging tulay kaya ang isang magic 8 ball sa pag ibig? Alamin Cover by: ajimathree :)