Boy-Friend. (One Shot)

94 7 1
                                    

"Oh! Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko kay Seth na kakapasok lang ng unit ko. Aga-aga pa, nabulabog tuloy ang tulog ko.

Magkaibigan na kami ni Seth since mga bata pa lang kami. Pero bata pa lang kami, crush ko na siya. Sa mga lumilipas na panahon ay hindi pa rin mawala-wala ang paghanga ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit gusto ko siya, super babaero niya. Bawat linggo, iba ibang babae ang ipinapakilala sa akin, parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae. Psh! Pilit ko nga siyang iniiwasan at sinusungitan na baka sakaling mawala yung pagkagusto ko sa kanya.

"Good morning din!" sarkastiko pero nakangiting sabi niya sa akin habang kinukusot ko ang mata ko.

"Psh! Sinira mo tulog ko! Walang good sa morning ko kung umaga pa lang ikaw na agad nakikita ko! Ugh!" pumasok ako sa kwarto ko para matulog ulit pero hinila niya ang braso ko kaya napadikit ang katawan ko sa katawan niya at ang mukha namin sa isa't isa. Nakatitig siya sa akin kaya napatitig na rin ako sa kanyang mata, para akong tinatawag ng mga ito.

Tinulak ko siya agad pagkatapos ay tumawa siya.

"Maghilamos ka nga muna, may muta ka pa eh!" Tumawa siya ng tumawa habang nakahawak pa sa tiyan niya.

Tumakbo agad ako sa C.R para maghilamos at paglabas ko ay tumatawa pa din siya.

"Ano ba kasing pinunta mo dito?! Kainis ka!!!" humalakipkip ako at iniripan ko siya.

"Clubbing tayo mamaya! Nagyaya ang barkada eh." sabi niya.

"Tse! Busy ako!" binelatan ko siya bago tumalikod.

"Oy! Sumama ka na kasi..." Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat. "Uy Jade, sasama ka ha. Susunduin kita mamayang 8pm dito ah! Sasama ka sa ayaw at gusto mo. Bye!" Mabilis niya akong hinalikan sa labi ko at kaagad na lumabas sa pinto ng unit ko. Napahawak na naman ako sa labi ko. Ilang beses niya na akong hinahalikan pero pakiramdam ko ay parang lagi ito ang una kong halik.

"Pero..."

Bata pa lang kami, nasanay na si Seth na lagi akong hinahalikan. Nasanay na rin ako.. gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. Tuwing ginagawa niya ang mga iyon ay lalong nagwawala ang puso ko at lalo ko na siyang nagugustuhan... Mahal na nga yata eh, hindi ko lang namamalayan.

Nag-ayos at nagbihis na ako ng mga 7pm, wala naman akong magagawa dahil kilala ko si Seth, lahat ng gusto niya kailangan mong sundin. If I know, gusto niya lang namang makahanap ng new toy mamaya sa club. Tsk!

Saktong 8pm ay dumating na si Seth.

"Magpalit ka nga ng damit." utos niya.

Tiningnan ko ang suot kong fitted na black dress na hindi naman gaanong maiksi.

"Bakit ba? Hindi naman maiksi eh.. tsaka maganda naman." 

"Tsk! Bahala ka nga!" sumakay na siya sa sasakyan at padabog na sinara yung pinto niya. Problema nito?

Saktong 8:30pm ay dumating na kami sa club. Nandito na ang barkada namin. Medyo naiinis pa din ako kay Seth. Hindi ko naman siya pinapakealaman kahit nakikipagdate siya sa iba't ibang babae tapos ako damit lang, pinakealaman pa.

Binigyan ako nila Michelle ng tequila at hindi ko namamalayan dahil sa pagka inis ko ay medyo nakarami na ako kaya medyo nahihilo na ako. Sumasayaw na silang lahat sa dance floor dahil party hour na, wild na ang mga tao at lasing na. Ako na lang ang mag-isa dito sa table namin.

Hinanap ng mga mata ko si Seth dahil gusto ko nang umuwi at nakita kong may ka akbay siyang sexy at magandang babae sa isang couch. Nakita niya atang napatingin ako sa kanya, nagulat na lang ako ng bigla niyang halikan ang babae at hawakan ito sa hita. Napaiwas ako ng tingin, sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.

Maya-maya ay may lumapit sa aking gwapong lalaki at niyaya akong sumayaw. Nakipagsayaw ako dun sa lalaki at sinulyap sulyapan si Seth na nakatitig sa akin. Now, I'm doing dirty dancing. Naramdaman kong hinahawakan na ako ng kasayaw ko sa bewang pero hindi ko pinansin dahil ang tingin ko ay na kay Seth ang na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa akin.

Sumayaw na ako at hindi ko na siya pinansin, masyado ng nakakatakot yung aura niya pero ilang minuto pa lang ang nakalipas ay humandusay na sa sahig yung lalaking kasayaw ko. Nakita ko si Seth na galit na galit.

"Anong problema mo, pare?!!" Sigaw nung kasayaw ko kanina habang nakahandusay pa din sa sahig.

"Don't. You. Dare. To. Touch. My. Girl." mariin niyang sabi bago ako hinila palabas ng club. Gulat na gulat at tulala pa din.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya. Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan yung sinabi ni Seth, hindi ko siya maintindihan kung bakit siya nagalit. Ang alam ko lang ay naiinis ako sa kanya. Sa ginawa niya kanina!

Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya at pumasok agad sa unit ko, nakasunod lang siya sa akin at padabog na sinara ang pinto ng unit ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Sigaw ko.

Matalim niya akong tinitigan bago malutong na nagmura.

"TANGINA, JADE! ANG MANHID MANHID MO, ANG TARAY TARAY MO PA!" ginulo niya ang buhok niya. "NAKIPAGHALIKAN NA AKO KUNG KANINONG BABAE PARA PAGSELOSIN KA TAPOS MAKIKIPAGSAYAW KA PA SA IBANG LALAKI! PAKSHIT! SUSUNTUKIN KO BA YUNG LALAKING YUN KUNG HINDI AKO NAGSESELOS! SELOS NA SELOS AKO, JADE! NAKIPAG-DATE AKO SA IBA'T IBANG BABAE PARA MAKALIMUTAN KA! PERO WALA! KAHIT MANHID KA, MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA!!! AT SA TINGIN MO BA, WALA LANG YUNG MGA HALIK NA YON?! HAHALIKAN BA KITA KUNG HINDI KITA MAHAL?! UGH!" nakatulala pa rin ako sa kanya, hindi ako makapagsalita. Lahat ng inis ko kanina ay biglang nawala.

"PUCHA NAMAN, JADE! WALA KA BANG BALAK SABIHIN?! MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL!!!" tumalikod na siya at bubuksan niya na ang pinto pero hinila ko siya at hinarap ko siya sa akin. Napangiti ako kasi umiiyak siya, para siyang bata.. namumula pa yung ilong niya. Kumunot ang noo niya, "WHAT?" lumitaw yung dimples niya nung iritado siyang nagsalita dahil nakangiti pa ako.

"MAS MANHID KA. MANHID KA NA NGA, TANGA KA PA!" gulong-gulo siya pero napangiti na lang ulit ako sa sobrang cute niya.

Hinawakan ko yung dalawang pisngi niya at hinalikan ko yung noo niya, "Tinatarayan kita para hindi mo mahalatang gusto kita." Hinalikan ko siya sa kaliwang pisngi, "Papayagan ba kitang laging pumunta dito at lagi akong asarin, kung hindi kita gusto?" Hinalikan ko naman ang kanyang kanang pisngi. "Akala mo ba, hindi ako nagseselos tuwing may kasama o kahalikan kang babae na mas maganda at sexy kay sa sa akin?" nagpout ako at hinalikan ang kanyang mapulang ilong, "Magpapahalik ba ako ng magpapahalik kung hindi din kita mahal?"

Ngumiti siya bago umirap. "Psh! Ikaw kaya ang pinakamaganda at pinakasexy para sa akin. Tanga na lang ang hindi magkagusto sayo. Pero syempre... akin ka lang!" niyakap niya ako. Shet!! Kinikilig ako!!!

Tinulak ko siya at humalakipkip." Bakit?" nagtatakong tanong niya.

"Galit ako sayo, ang dami mong hinahalikan na babae." kumunot yung noo ko.

Ngumiti siya, yung kita yung dimples niya. "Ikaw lang naman ang hinahalikan ko ng totoo... tsaka sayo yung pinakamasarap." Humalkahak siya. Napangiti ako, hindi ko matago yung kilig ko. Mahal ko nga talaga siya.

"...tsaka bakit may pasasabi-sabi ka pa ng... Dont. You. Dare. To. Touch. My. Girl." ginaya ko pa yung boses niya. Napatawa ako sa ginawa ko.

Tinitigan niya ako sa mata at hinawakan ang dalawa kong pisngi. "...because I'm your Boy-Friend, diba?" hinalikan niya ang ilong ko. "....soon to be your Boyfriend." pagkatapos ay hinalikan niya ang labi ko. Malalim na halik pero dahan-dahan.

"I.. love you, Girl-Friend." he said between the kiss.

"I love.. you, too." I said and hug him tight. "Boyfriend..."

*

End.

VOTE and COMMENT! xoxo

Love ya guys!

Boy-Friend. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon