"Mom naman, ayoko po"Pagpupumilit ko kay mommy.
Nakauwi na pala sila kahapon lang. Nagulat na lang ako pag uwi namin galing sa birthday swimming ni Axel, nandito na sila.
May pasalubong sila Mommy at Daddy. Isang Nike na sapatos kulay black & pink at may mga dress din silang binili.
Masaya ko silang sinalubong dahil miss na miss ko na sila. Apat na buwan silang nasa business trip, ngayon lang ulit sila nakauwi.
Gusto kong ienjoy ang mga araw na nandito pa sila. Dahil alam ko, di magtatagal. Aalis ulit sila para sa business na naman. Pero, heto. Isang matinding supresa.
"No. Buts, basta do'n ka na mag aaral. Huwag ka nang umangal pa. Understood?" Mariing sabi ni mommy. Kaya tumungo na lang ako.
Wala na 'kong magagawa kapag si mommy na ang nagsalita. Hays
Isang taon na nga lang bago ako mag college tapos palilipatin pa ako ng ibang school!
Ibig sabihin iiwan ko ang mga barkada? Hindi ko ata kaya, kahit bihira ko lang makausap ang mga 'yon. Mahalaga parin sila sakin.
Nakita kong pababa na si Daddy ng hagdan kaya sinalubong ko na siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap
"Oh, Lilianne. Nakausap mo na ba ang mommy mo about sa paglipat mo ng school?" Tanong niya.
"Opo, dad? Hindi na po ba mababago 'yon?" Umupo ako sa sofa, sa tabi ni Daddy. Hinarap ko siya at niyakap sa tagiliran.
Sweet ako kay daddy. Matatawag na siguro akong Daddy's girl.
"Anak, Mommy mo na ang nagdesisyon. Para din naman sa ikabubuti mo 'yon" Hinaplos niya ang buhok ko.
"Pero dad wala akong kakilala sa school na 'yon. Saka, iiwan ko sila Nikka? Ang mga barkada? Magiging malungkot lang ako do'n dad" Ngumuso ako, sana mapilit ko si Daddy.
"Lilianne. Anak, nandon naman ang pinsan mong si Hershel"
Si Hershel ay pinsan ko kay mommy. Anak siya ni Tito Antonio at Tita Mabel. Pero, Hindi ko close 'yon sabi naman nila tita mabait daw siya saka, hindi ko pa siya nakikita ng personal sa picture lang
"Pero daddy----" naputol ang pasasalita po nang marinig ko ang boses ni mommy sa likod
"Wag mo nang pilitin ang daddy mo Lilianne. That's final. Huwag nang makulit pa" pagalit na sabi niya at umakyat sa hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang pumasok siya sa kwarto nila
"Narinig mo mommy mo? Final na 'yon. Mabuti pa sabihin mo na sa mga kaibigan mo yung balitang 'yon. Para malaman na nila at makapagpaalam ka. Sa Monday ka na magsstart mag aral do'n. Naenroll ka na namin. Okay? Sige na matulog ka na. May pasok ka pa Bukas" Ani daddy at hinalikan ako sa noo.
"Good night. Dad"
"Good night"
Umakyat na 'ko sa kwarto. Pagpasok ko humiga agad ako sa kama
Feeling ko may bahagi sa puso ko ang nawala. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
Ano Kaya magiging buhay ko sa bagong skwelahan na papasukan ko?
***
Kinabukasan.....
Pagkapasok ko sa loob ng room, bumungad sakin ang mga mukha ng mga kaibigan ko.
"Hi! good morning" bati ko sa kanila at umupo sa upuan ko. Bakit kaya nandito silang lahat? Ang aga aga.
Tahimik lang silang nakatingin sakin. At, mga nakabusangot ang mukha. Kinunutan ko sila ng noo