Minulat ko ang aking mga mata
Bigla na lang naisip kita
Sana'y sa araw na ito
Kahit saglit lang, maisip mo rin ako
Pilit kong sa daan iwasan ka
ngunit, maya maya'y nasa harap na kita
ganito ba magbiro ang tadhana?
Pinaglalaruan ang damdamin, wala nang nangyayaring tama
Nakaraan kong ika'y kasama
Burahin ko man ay hindi mawawala
Tila hangin, ito'y balik ng balik
Iyong ngiti, sa aki'y parang matamis na halik
Kay daming msayang alaala
Pag mulat ng mata'y ito'y wala na
Lahat ng ito pala'y isa lamang panaginip
Galing sa damdamin, pawang likha
Lamang ng kathang isip