ANDREI POV'S
Hingal at litong lito akong sumakay ng elevator papuntang condo.
Grabe kinabahan ako dahil bigla ba naman akong yakapin nung lalaki.
THROW BACK ===
habang naglilibot ako sa park napansin ko yung bata na naka upo sa hugis bato na upuan.
Pamilyar sya sa akin, at tama ako na sya yung bata dun sa coffee shop na ang pangalan ay angel.
Lumapit ako sa kanya habang hawak nya ang balloon na barbie.
Kinausap ko siya kung sino ang kasama nya.
Tinuro nya ang lalaki na ngayon ay bumibili ng ice cream.
Pinagmasdan ko ito at tinuon uli ang tingin kay angel.
Nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin.
''Andrei.?'' Sambit nya at pumatak ang kanyang luha sabay yakap sa akin.
Dahil sa pagkabigla ko ay naitulak ko siya at mabilis na tumakbo.
Sabi kase ni Danilo kapag may taong umaaligid sa akin ay umalis na daw ako.
**END OF THE FLASHBACK**
**Ting**
Sabay pagbukas ng elevator.
Bakit ganun, Bakit parang ang sama ko.
Tinulak ko yung lalaki na kuya pala ni Angel.
Ngayon ko lang napag alaman dahil sa bigla.
Hayst! Naawa tuloy ako dun sa guy na yun.
Nakita ko yung mga mata nya na may luhang pumatak.
Bakit ganun? Pamilyar yung mapupungay niyang mata.
Pagdating ko sa harap ng condo namin ay kung anong meron sa isip ko na balikan yung guy.
Baka kase makatulong siya para bumalik ang ala ala ko.
Gusto kong pumunta pero baka magising si Danilo at hanapin ako.
''Who's that guy?.'' Bulong ko sa sarili ko.
Gusto kong malaman kung bakit nya ako kilala.
Gusto kong malaman yung mga ala alang matagal ko ng malaman.
Pero bakit? Bakit sa kabila ng lahat ay ngayon ko lang napagtanto na, Bakit hindi man lang pinaalala sa akin ni Danilo.
May tinatago kaya siya sa akin? Pero parang wala naman e.
Maayos ang pakikitungo nya sa akin.
Biglang pumasok uli sa isip ko ang lalaki na tinulak ko kanina.
Kung pupuntahan ko man siya ngayon baka wala na sila dun.
Wait? Kung sakaling wala sila sa park mamaya, baka nasa lex's coffee shop kung san ko nakita si Angel kanina.
Malamang kuya nya yun. At siguro yun din ang tinutukoy ni angel kanina ng nagkausap kami dun.
Lakad takbo ang ginawa ko para bumalik sa Park.
Dun ko muna balak pumunta at baka sakaling nandun pa sila.
Pagdating ko sa Park ay inikot ko ang mata ko sa direksyon nila at sa buong park pero diko talaga sila makita.
''Next.'' Sabi ko sa sarili ko.
Sumakay ako ng jeep at malapit lang dito yung coffee shop na pinuntahan namin kanina.
Nang makita ko na ang pangalan ng shop ay agad akong pumara.
Biglang naexcite ang nararamdaman ko ngayon.
Kase sa pagkakataon na ito, maaaring makatulong sa akin ang lalaki para bumalik ang ala ala ko.
Napangiti na lamang ako habang tinatahak ang daan patungong shop.
Pagdating ko sa pinto ay bigla akong binati ng mga crew dun at pagtataka sa kanilang mukha.
Siguro sa nakita nila kanina, kung pano ako mawalan ng malay.
''Ah, kuya? Nandyan po ba yung nanga ngalang angel? Yung babaeng maliit po?.'' Sabi ko sa kanya.
''Ah, opo nasa back po nagpapahinga galing Park,'' sabi nito.
Biglang sumaya ng marinig na nandun sila.
''Pwe-pweding makausap? Kasama nung kuya nya?.'' Sabi ko at tumungo ito dun.
Naghintay ako ng konti at ilang sandali ay lumabas na ang lalaking tinanungan ko kanina.
''Heto sir oh, hanap po kayo.'' Sabi nung crew at tinuro ako.
Nabigla ang lalaki at halos magnetin nya ang mata ko na parang may malalim na dahilan.
Nakita ko ang pagkabigla ng lalaki sa akin at unti unting lumapit sa akin.
Hindi ako makagalaw dahil parang na hypnotise ako ng lalaking kaharap ko.
Nabigla ako ng hawakin ng mga palad nya ang mukha ko dahilan para bumalik ako sa realidad.
''Andrei? Ikaw nga, ikaw nga.'' Sabi nung lalaki at niyakap nya ako.
Di na ako pumiglas sa yakap na yun.
Dahil sa mga oras na ito parang nagugustuhan ko na ang mga yakap nya.
At yung yakap na yun ay parang kilala ko.
''Alex.'' Yan ang salita na biglang lumabas sa aking bibig.
An : Pasensya na kung yan lang ang nakayanan ko.
Dami kaseng ginagawa sa school e.
I hope nag enjoy po kayo!
Salamat!
BINABASA MO ANG
My Bromance (boyxboy) (Soon To Be Published Under SKY Fiction)
RomanceSa kwento na ito merong mga SPG na aking maililikha o maisusulat dito sa aking gagawing kwento , maaaring iwanan nyo or huwag nyo na lamang basahin. Hindi ko kayo pipiliting basahin nyo ito. Ngayon palang sinasabi ko na para mas malinaw sa inyo kung...