Chapter 15: Sa Akin Ka Lang

129 4 0
                                    

Chapter 15
DMWMF

Sayenn's Point of View

"Hoy ikaw, babae!"

Napairap na lang ako dahil sa tumawag sa akin non.

Pa epal!

Basag trip!

Kill joy!

Okay na eh!

Nilingon ko ang tumawag sa akin na 'yon at ang nakita ko lang ay si....

"Dench," naniningkit pa rin ang mga mata ko at tila gusto kong makapatay ng tao sa sobrang inis.

"Hoy, nasaan ang kuya mo?" May sigang boses na tinanong niya ako.

"Ay, aba malay ko! Hoy ka rin! Hoy, alam ba ng girlfriend mo na nagtu-tutor si kuya sa'yo?" Tinanong ko rin siya.

"No, she doesn't need to know anything about it." Sagot niya with matching ngiting tagumpay na nakatingin sa malayo.

Tiningnan ko naman ang tinitignan niya. Nakatingin sa basurahan? Weird. "E-eh, bakit naman? Malay mo ano... tsaka pede rin siyang ano... at alam mo bang---"

"Ang ingay mo." Pagsusungit ni Dench at ang dahilan kung bakit nagme-make faces ako ngayon.

"Uh, guys! I have to go... siguro kailangan ko muna kayong iwan, continue your conversation, please." Pagpapaalam ni Dayne at aktong aalis na sana siya pero hinigit ko ang braso niya. "Wag, stay... please."

Pero tinanggal ni Dayne ang pagkakakapit ko sa braso niya at saka siya tuluyang umalis.

"Sabi sa'yo eh, wala nang nagmamahal sa'yo. Iiwan at iiwan ka pa rin niyan. Sinasabi ko sa'yo, dito ka lang sa akin."

"Huh?" Napatingin ako kay Dench dahil sa sinabi niya. At napatingin muli ako sa tinitingnan niya. Oh ngayon naman, nakatingin siya sa kalat?

"Sabi ko, wala. Sabi ko, ang ganda ni---"

"Ako?" Ngumiti ako ng malawak at inaantay ang sagot ni Dench.

"Ni Yrish." Wika niya. Ngumisi lang siya at umalis.

"La, anong nangyari dun, pumunta lang dito para makipagchikahan? Corny!" Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ito sa braso ko, saka ako umalis.

--**--

Pumasok na ako sa classroom para sa last subject. Finally! Makakauwi na din ako!

May bigla na lang umupo sa desk ko at nang makilala ko ang dalawang 'yon napatayo ako ng hindi oras. "Kayo? Ano nanaman ba kailangan niyong dalawa?"

"So, you're Dench's tutor?" Tanong ni Yrish at dahilan kung bakit napatango ako.

"At magkasama kayo ni Dayne kanina sa Greenfield? Don't deny it, we saw you." Tanong naman ni Maxi.

"Ah oo, bakit?" Naka-kunot noo kong tanong.

Nagtinginan naman silang dalawa.

"Look who's patay malay---"

"Malisya!" Kinorek ko na ang pagkakasabi ni Yrish dahil nga hindi siya marunong mag pronounce.

Don't Mess with Mr. Famous (UNDER REVISION READ THE STORY WHILE IT'S STILPUBLIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon