LDR20 - Tampuhan

289 11 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Pupunta lang ako kla Miles. Hindi ko na masyadong nakakausap yung bestfriend ko eh. Sige na, next time nalang tayo magdate." sabi ko sa kanya.

Kinukulit kasi ako ni DJ na magDate daw kami at wag ko na puntahan si Miles.

"Baby, bukas mo nalang puntahan si Miles. Mag Date nalang tayo ngayon. Please?" pacute nyang sabi.

"Baby, naka-Oo na kasi ako kay Miles na pupuntahan ko sya ngayon eh. Baka magtampo yun."

"Eh paano naman ako? Magtatampo dn ako sayo." sabi niya at tinalikuran ako.

"Kahapon lang magkasama tayo, nung isang araw, nung isang isang araw magkasama dn tayo. Si Miles ilang araw ko na hindi nakakasama. Kaya sige na Baby. Next time nalang please? Pupuntahan ko na yung bestfriend ko." sabi ko habang kinakalabit sya. Nakatalikod parin kasi sya.

"Bahala ka. Uuwi na ako." sabi niya at tumayo na.

"Baby naman eh." sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

"Sige na. Puntahan mo na yung bestfriend mo." sabi niya at umalis na.

"Lakas ng topak ng boyfriend mo ah?" sabi ni Vanessa na pababa ng hagdan.

"Hay nako. Ewan ko ba kung anong nangyayari dun." nakasimangot kong sabi.

"Sige, una na ako ha? Puntahan ko na muna si Miles." pagpapaalam ko kay Vanessa.

"Ingat ka!" sabi niya. Tinanguan ko nalang sya.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta kla Miles.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nla Miles ay sinalubong nya agad ako.

"O teh? Bakit naka busangot yang mukha mo?" sabi niya sa akin.

"Pano naman yung pinsan mo ang lakas ng topak." sabi ko habang papasok kami sa bahay nla.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong nya sa akin.

Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa bahay kanina...

"Topak talaga yun. Kunwari lang yun. Akala nya siguro pag nagtampo sya susundan mo sya." natatawa nyang sabi.

"Bahala sya. Ikaw naman ang pag usapan natin bes." sabi ko sa kanya.

"Tara teh. Dun tayo sa kwarto." sabi nya sa akin.

Pagdating namin sa kwarto ni Miles ay umupo agad kami sa kama nya.

"O ano na bes?" tanong ko sa kanya.

"Anong ano na?" nagtatakang tanong nya.

"Ano na? Kamusta ka na?"

"Hmmmmm. Okay naman." sagot nya sa akin.

"Kamusta na ang puso?" tanong ko sa kanya.

"Teh naman." nakasimangot nyang sabi.

"Bakit? Sige na. Magkwento ka na. Kaya nga ako pumunta dito eh." seryoso kong sabi sa kanya.

"Medyo okay naman na. Lalo na nung nakaclose ko si Vanessa. Okay parin naman kami ni Giri. Parang walang nangyari. Mas okay na siguro yung ganun." nakangiti nyang sabi.

"Sure ka? Okay ka na?" nag aalinlangan kong tanong.

"Oo nga. Sure na. Siguro hindi kami ang para sa isa't isa. Darating din ung lalaking para sa akin."

"Sabagay. Basta bes pag may problema ka sabihin mo lang sa akin ha?" sabi ko sa kanya.

"Oo naman. Osya, puntahan mo na yung boyfriend mo teh. Baka naman totoong nagtatampo na yun." sabi niya sa akin.

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon