Chapter 2: Crush and Chinggu :)

281 9 3
                                    

hello po sorry kung naninibago kayo sa text style ko. first time ko po kasi to at puro point of view lang ang alam ko..haha xD

i enjoy nyo po ang pagbabasa ng story ko, sorry kung medyo boring pa :) GODbless...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gongchan's POV

Nagsimula na ulit ang klase, Math ang Subject, "Paborito ko!" sumasagot kami ng pagsusulit ng may Biglang pumasok sa Classroom na mukang naliligaw. Napatingin lahat ng mga kaklase ko sa kanila agad silang humingi ng paumanhin at lahat ng istudyante ay nagtawanan.

Natawa at nagulat din ako dahil yung tatlong magkakaibigan yung nakita ko. 'Ang Cute talaga nilang tingnan'

Baro's POV

Pabalik na kami sa klase ng makalimutan naming na nasa 2nd yr highschool na kami. Tuloy tuloy kaming pumasok sa classroom namin dati at nagulat at nagtaka sa mga istudyanteng nakita naming. Nakakahiya talaga! >< nawala sa isip namin dahil sa pagkekwentuhan.

Agad ako humingi ng Paumanhin "a-a-ahhhmm... Mianhae wrong Class? bye!" natarantang sabi ko hila hila ang dalawa.

Gongchan's POV

Nakalipas ang ilang oras natapos nadin ang klase. Uwian na pero wala pa si manong driver kaya naisipan kong maglakad lakad muna sa campus ng mapadaan ako sa court.

Nakita ko yung tatlong magkakaibigan. Naglalaro ng Basketball yung dalawang lalaki habang nakaupong nananuod naman yung babae.

"Noona!!" tawag ko sa babaeng nakaupo

"Sino!? Ako ba?" tanong nya

"Bakit? may katabi ka pabang iba dito na di ko nakikita?" tanong ko din sa kanya

"Ah, oo nga sabi ko nga ako kausap mo, sarreh nemen" palusot na sabi nito

Napansin ng dalawang lalaki ang pag uusap namin at lumapit samin.

"nugu?" tanong ng isang lalaki

"Annyeonghasseyo Jonu n Gong Chan Shik imnida, 1st year highschool" pakilala ko sa kanila

"Ahhh.. kaya pala noona ang tawag mo sakin, pero infairness di halata, mukha kanang matured" nakakatuwang sabi nung babae

"Annyeong Gongchan! Ako nga pala si Sandeul, ito naman si Baro" turo sa isang lalaki "at ito naman si Shana" turo nya naman sa babae

"Yun sakto! kulang kami ng isa, basketball tayo! 2 vs. 2 kampi na tayo Gongchan" alok sakin ni baro

Kung di ko pa nasasabi, Di talaga ako marunong magbasketball. Sporty ako pero basketball pinaka ayaw ko kasi nga di ako marunong.

"ah oh, sige" napilitan na sabi ko

Wala nakong choice bago palang kami nagkakilala pero tatanggihan ko agad sila. Nakakahiya naman na sibihin na hindi ako marunong mag basketball kaya omoo nadin ako.

Naglaro na kami ng basketball. Buti nalang at magaling si baro, lamang na ang puntos namin. Maya mya ay nakahabol sina Shana, humanga talaga ako kay Shana kasi di ko ini expect na magaling sya sa basketball, kahit babae sya ay kaya nyang makipagsabayan sa mga lalaki. Nakatingin ako kay Shana ng biglang 'BLAG!' tumama ang bola sa ulo ko.

Sandeul's POV

Naglalaro kami ng basketball ni Barong mapansin ko na may kausap na lalaki ang bestfriend ko kaya huminto kami sa paglalaro at tinanong ko kung sino sya. Malakas ang Sence naming mga lalaki pag may gusto ang isang lalaki sa isang babae kaya nahalata ko na may gusto si Gongchan sa bestfriend ko. Di ako sang ayon kasi bata palang kami ni Shana ay type ko na sya, yun nga lang diko masabi kasi may pagka torpe ako.

Naglalaro kami ng basketball habang nakikita kong nakatitig si Gongchan kay Shana. Feeling ko ay hindi sya seryoso o walang gana maglaro kasi hindi sya naka shoot kahit isa man lang. Pinasa ko sa kanya ang bola para maka shoot naman sya pero di ko inaasahang hindi nya ito sasaluhin at tumama sa ulo nya.

Lumapit agad kaming tatlo sa kanya at dinala sa clinic para mapatungan ng icebag ang kanyang bukol. Pero Agad kaming Bumalik ni Baro sa court para kunin ang naiwan naming mga gamit habang naiwan naman si Shana na kasama si Gongchan sa Clinic Room.

Ayoko man silang iwan dalawa ay di ko matanggihan si Baro magpasama para kunin lahat ng gamit.

Nasa court na kami dala lahat ng gamit ng magyaya si Baro na bumili ng Ice cream sandali. Nagmamadali man akong bumulik na agad ng clinic ay di ko matanggihan yung ice cream kaya dumiretsyo kami sa canteen para bumili ng ice cream.

Shana's POV

Nandito ako ngayon sa clinic at binabantayan ang lalaking may bukol. Medyo awkward kasi nangingibabaw ang katahimikan dahil di naman kami ganon ka close, ng bigla sa magsalita

"Noona alam mo ba na may crush ako sayo?" tanong nya sakin habang nakatitig sa mata

natawa ako sa kanya at naisip na sira ang ulo nya, may pagka mayabang, at babaero.

"Hahahaha, epekto ba yan ng pagkakauntog mo sa bola?" sagot na patanong ko sa kanya

"hindi noona, seryoso ako kahit matamaan pako ng isa pang bola mas natamaan talaga ako sayo" sabi ni gongchan with *killer smile and wink*

abay ang yabang, bumabanat pa

"nasan na ba yung dalawa at ang tagal bumalik?" pagpapalit ko ng topic

"Babalik din yun noona" sagot naman ni gongchan habang pa pikit pikit ang mata

"Hahaha, ang cute mo para kang tuta" natatawa kong sabi sa kanya

"Talaga cute nako gwapo pa matalino pa" mahangin na sagot nya

"Abay ang hangin ng Tuta" pabiro na sabi ko kay Gongchan

Nagtatawanan kami ng mag biglang pumasok. Driver pala yun ni Gongchan.

"Uy manong! Sorry po at nakalimutan ko na kayo" hingi ng paumanhin ni gongchan sa driver nila

Dumating nadin sa wakas si Baro at Sandeul Dala ang mga Gamit namin pati ang Ice cream.

"Oh ice cream muna kayo" abot ni Baro sa aming lahat

"Hindi na, uuwi narin ako kasi mag gagabi na. Gusto nyo nabang sumabay?" Papilit na tanong samin ni gongchan

"Sayang naman binilhan ka pa naman namin ng ice cream" sabi ni Sandeul habang binubuksan ang ice cream na dapat ay para kay Gongchan

"Tuta, Hindi na may dadaanan pa kami" tanggi ko naman sa alok nya

Umalis na si Gongchan at pagka ubos ng mga ice cream namin ay agad na din kaming umalis ng school at pumunta sa tambayan ng tropa.

~Sa May Tambayan~

Playground ang tambayan namin. Madalas kaming nandito paglabas ng eskwelaha. Kung hindi kami nakaupo sa swing, nasa slide kami, o kaya sa ilalim ng puno habang nagkwekwentuhan.

Habang nakaupo kami sa swing at nasa slide naman si pato. Napag tripAn nanaman ako ng dalawa.

"Bunny Ilan na nga crush mo? except sa sampu nating kaklase at pati sa teacher nating halimaw, ilan naba sila?" pang iinis na tanong ni Sandeul

"Oo nga! naaalala mo pa ba yung Crush mo nung Grade 3 tayo? yung binato mo ng sapatos nung nagtapat kang may crush ka sa kanya at sinabi nyang di ka nya type. Laugh Trip yun bunny, hahahah" dagdag na asar pa ni Baro

"wag mo nga ipaalala yung tukmul na yun! kala ko lang type ko sya di naman pala, halina nanga kayo umuwi na tayo." inis sa sabi ko sa dalawa

Tropa Kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon