Dinner time... Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan nila Lisa,ang nakababata kong kapatid, si Marc, ang bunso kong kapatid at si Ate Arianne ang kasama namin sa bahay at madalas katuwaan namin ni Lisa sa mga basagang trip namin.
"Ate, nga pala mag-iinternet ako after kong maghugas ng plato ha." pagpapaalam ko kay Ate Arianne.
"Sige. Huwag magtagal masyado ha. Umuulan pa naman."
"Hindi naman ako talaga ako mgatatagal e. Kung wala lang sana kaming project kaagad hindi ko naman kailangan pang maginternet e." pakli ko.
"Oo na. Baka kasi magfacebook ka pa e." dagdag pa ni Ate.
"Ate naman e.haha!"
Tinapos na nga namin ang hapunan at naghugas na nga ako ng aming pinagkainan.
Lumabas na nga ako na may dalang payong. Umaambon na kasi. Baka lang din kasi mas lumakas pa ang ulan kapag nasa netshop na ako. Poproblemahin ko pa ang pag-uwi 'pag nagkataon.
Andito na sa netshop. Nagresearch na kaagad ako para sa project namin sa TLE. Kailangan naming magresearch tungkol sa poems about love. Wala na akong problema sa pagresearch. Andiyan naman kasi si worldwide na GOOGLE e. hahaha. Copy and paste lang ako. Pero syempre, babasahin ko muna ang tulang napili ko. Sa totoo lang, I do love poetry. English man o tagalog. Kaya madali din akong nakahanap ng mga samu't saring mga tula tungkol sa love.
Nang matapos akong maghanap ng tula, binuksan ko na ang MS WORD at nagpaste na nga ng mga tulang napili ko. After din nun. Pumunta muna ako sa ibang website. Nagfacebook muna ako. Titingnan ko lang kung may bago. Hmmm... halos galing sa mga kakilala ko sa dati kong school. Namimiss na raw nila ako. Hai.. Sila rin namimiss ko na. Nagtungo rin ako sa youtube. Nagresearch ako ng mga kantang pwede kong itugtog sa piano.
Habang busy ako sa kakapakinig ng kanta na gusto ko maitugtog sa piano may para bang tumatawag sa akin. Binalewala ko lang nung una,baka kasi mali lang ako sa narinig ko lalo na't nakaearphones ako. Pero tinawag ako ng lalaki na nasa kasera at mukhang tagabantay sa netshop na siya rin naman mismong kalapit ng PC na ginagamit ko.
"Miss, may naghahanap sa'yo sa labas. Mukhang ikaw ata tinatawag."
Kaagad kong tinanggal ang earphones sa tainga ko at napatingin nga ako sa labas.
Isang matangkad na lalaki,maputi at nakajacket na itim. Then suddenly, it burned in the back of my mind. Napatayo ako sa upuan ko at nawala ang atensyon ko sa PC... A very once a part of me in my life.... Ang naging una kong boyfriend.... Standing just outside the door...
"Robert..." ito lang ang tanging lumabas sa bibig ko nang lumapit na ako sa kanya.
"Hello Kar." bati niya rin.
Parang biglang nagkabuhul-buhol ang takbo ng isip ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Gabi na a." tanong ko.
"Mukhang nakalimot ka na,parang nung isang gabi lang tayo nagusap sa facebook." saad niya.
Flashback:
2 days ago...
It was a little bit rainy and yet I'm here in the netshop doing some schoolworks. Nag-open ng facebook after gawin ang dapat munang gawin. Ang rami ngang naka-online sa friend list ko. And then..,
Robert: Hello.
Biglaan nalang.
Me: Hello din.
Robert: So, how r u?
Me: e2 ok naman,tulad parin ng dati. Ikaw?
Robert: Well, nagsasanay lang.
BINABASA MO ANG
A Musical Love: For the Love of Sparks
Fiksi RemajaHello po sa lahat! Ito ang unang beses ko na maglagay ng sarili kong kwento although may unti akong dinagdag na ideas. Sana po magustuhan ninyo. Salamat. ^_^ This is based on true events. Inspired as time goes by. There are some parts that were adde...