Chapter 9: Getting to know each other...

92 1 0
                                    

I almost forgot na may quiz pala sa PEHM bukas at kailangan kong bumawi. But I also forgot my PEHM notebook.. Kapag nga naman minamalas ka.. Saan naman ako magsusulat ng notes niyan? Hinalungkat ko ang bag ko, and for so many notebooks na nasa bag ko, tanging isang notebook lang ang napansin ko... Notebook namin  ni Rence. Sabi naman niya ay ayos lang kung susulatan ko. Kaya ito nga ang pinagsulatan ko nga notes.

After kong magtake-down ng notes sa notebook namin, now it was my turn to write a note for him..

Ui, Rence...

pasensya ha, ginawa ko tong reviewer..hehe..

tsaka, thank you dun sa fishballs kahapon... Ang

anghang nga e... Bakit ba ang bait mo?!? hmmm...

Basta ang alam ko mabait ka... Lam mo, bihira na lang

ang tulad mo...malapit nang ma-extinct e...jowk... ^_^

Sana marami pang tulad mo...XDD thank you talaga!!!

hanggang sa uulitin....hahaha ^_^! Keep smiling!!!

Kinaumagahan, pagkarating ko sa school ay agad akong lumapit kay Rence.

Iniabot ko sa kanya ang notebook namin. Tahimik pa ang buong klase, dahil kami palang dalawa ang nasa classroom.

"Ginawan mo ako ng reviewer sa PEHM? Salamat!" tuwang pasasalamat niya nang makita niya ang ginawa kong reviewer.

"Reviewer ko yan," pagtatama ko sa kanya." Pero since notebook mo naman talaga yan, reviewer mo na rin yan."

"Salamat parin." mahina niyang sabi ngunit may halong ngiti.

"Para saan naman?"

"Kasi nagsulat ka dito."

Hindi ko alam at kung bakit dahilang sa nagsulat ako ay ganun na niya ako kung pasalamatan.

Kinuha niya ang gitara niya at nagtugtog.

"Ang galing mo talaga sa gitara." pagbibigay ko ng puri sa kanya habang nagtugtog.

"Salamat. Bata palang ay marunong na akong maggitara."

"Since when?"

"Nung mga grade 3 palang. Pinasadahan kasi ako ni daddy ng isang kanta, sabi niya kapain ko raw sa gitara. Matapos nun, sinubukan ko ngang kapain at nakuha ko nga ang tamang pagtutog. Kaya ayun, nagka-interest ako na matutunan ang paggitara sa sarili kong sikap." paliwanag niya.

Humahanga ako sa kanya. He really has passion for music.

"Bilib ako sa'yo. Kaya pala ang galing-galing mo dahil bata ka palang ay marunong ka na." pagpuri ko uli.

"Ikaw, ano naman ang hobbies mo? Ano yung mga nakahiligan mong gawin?" tanong naman niya sa akin.

"Mahilig din ako tulad mo sa music. I really love music. Iyon nga ata halos bumuhay sa akin simula pagkabata ko. Bata palang ay sabay kaming nag-du-duet ni daddy sa pagkanta lalo na kapag sasabayan niya ito sa pagtugtog ng piano."paliwanag ko naman.

"Marunong kang mag-piano?"

"Oo. Tulad mo rin ay maaga ngang namulat ang mga mata ko sa musika. You learned playing the guitar, and on the other hand, I learned playing the piano. My dad used to teach me when I was young."

" 'used'?" taka niya.

"Nakuha mo pa pala ang salitang yan. Nasa abroad kasi si Daddy hanggang ngayon. Mga 3 years na. The last time we played together a piano ay noong grade 6 palang ako. Umuwi siya noon galing UAE para dumalo sa graduation ko. Tuwing umuuwi nga ako galing sa graduation practice ko ay didiretso na kami kaagad ni daddy magpiano. And we'll play as if for eternity." malubgkot kong sagot.

A Musical Love: For the Love of SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon