Hi babe,
Forgive me kung tatawagin ulit kitang babe. Namiss ko eh. Siguro naman sa mga kalokohang ginagawa ko matuturn-off ka din. Hahaha! Joke. Okay lang naman sa akin eh. Nangyari na. Ang akin lang sana walang magbago satin eh halatang halata naman na ilang na ilang ka sakin. I know hindi maaalis ang awkwardness agad agad. Ang kaso masyado kang seryoso sa school di pa naman ako sanay na ganyan ka! :( Ayusin mo naman oh. Sinabi ko naman sayo dumaan din ako dyan eh naisip ko din na baka mahal na nga kita pero behind those naiisip ko na hindi pwede dahil hanggang bestfriends lang tayo. Napagusapan natin yun, remember? Mas pinipili ko lang naman kung saan tayo mas magiging masaya at mas tatagal. Pasensya ka na sa kadramahan ko. Magiingat ka ah, bestfriend mo ko ha! Walang bawian, period, no erase, padlock, tapon susi. Bleeeh :P Mawawala din yan. :) Hay! Sana nga. Naging biktima tayo ng sarili nating kalokohan. Ingat ka. :)
- Matt. (poging bestfriend mo! :))
- ✿ - ✿ - ✿ -
Paano kung nainlove ka sa bestfriend mo?
Paano kung inlove sya sa iba?
At bestfriend mo din yung mahal nya?
Ipaglalaban mo pa ba?
Naranasan mo na bang ma-Haha'zoned, Siopao'zoned, Seen'zoned, Baliw'zoned at iba pang 'zoned.'?
Paano naman kung na-BESTFRIENDZONED ka?
BINABASA MO ANG
Bestfriend Zoned
Short StoryPaano kung nainlove ka sa bestfriend mo? Paano kung inlove sya sa iba? At bestfriend mo din yung mahal nya? Kakayanin mo ba? Naranasan mo na bang ma-Haha'zoned, Siopao'zoned, Seen'zoned, Baliw'zoned at iba pang 'zoned.'? Paano na lang kung na-BESTF...