Chapter 1: Introduction

80 5 3
                                    

This book may contain fiction. I'm open to corrections. Everything I write here is for the sake of the story. Thank you.

-

Third Person's POV

-3 years ago-

Tatlong taon na ang naka lipas ng naka graduate ng college si Sejun. Criminology ang natapos niya pero hindi talaga eto ang gusto niya. Dahil sa lima silang magka kapatid at dahil din sa kahirapan kaya di niya napasukan ang course na gusto niya. Naiintindihan naman ni Sejun ang lahat ng nangyayare lalo na at pangalawa siya sa magka kapatid. Wala siyang magawa kaya pinabayaan na lang niya ito. Ang priority niya ay makatapos, maka pag trabaho, at matulungan ang pamilya. Simula nung namulat siya sa nangyayari sakanila at sa mga problemang kinakaharap nila, yan ang agad niyang naisip. Kahit bata pa lamang siya ay agad ng nag mature at naging kuya talaga siya sa kanyang mga kapatid.

Sa loob ng apat na taon, di biro ang pinag daanan ni Sejun sa college. Mentally and Physically exhausted at may mga point sa buhay niya na pakalat kalat yung thoughts niya at di alam anong ma-f-feel. Matalino si Sejun kaya nakakuha siya ng scholarship sa college at kahit papaano nakabawas sa bayarin nila. Nag trabaho din siya habang nasa college para maprovide yung kailangan niya sa college at di na siya humingi pa sa magulang niya. Kahit mag trabaho siya para sa sarili niya parang naiisip niya na kulang pa din ito dahil gusto niyang may maibigay siya sa magulang niya. Balak niyang kumuha pa ng ibang trabaho pero pinigilan siya ng nanay niya dahil ang kailangan niya daw ay makatapos siya at chaka na lang siya mag bigay. Dahil sa sinasabi ng nanay niya minsan di niya mapigilang maiyak nalang sa sinasapit nila. May tatlo pa siyang kapatid na nag-aaral, ang kuya naman niya ay may sarili ng pamilya, ang nanay at tatay niya ay madalang na lang umuwi kaka trabaho. Sa sobrang daming iniisip, nararanasan, at pangyayari sa buhay, hindi na niya napansin na mag g-graduation na sila.

Nang maka tapos na si Sejun ng pag-aaral agad-agad siyang nag hanap ng trabaho. Nag t-trabaho pa din siya sa dati niyang pinag t-trabahuhan pero di na nadagdagan pa ito. Kahit tapos na siya ng Criminology di siya umattend sa 24 weeks physical training nila para mag police, dahil ayaw niya talagang maging police. Mas gusto niya yung mag trabaho na lang kung saan kesa mag police, physical training pa lang mamatay matay na siya at pag nakikita ito ay agad na siyang napapagod. Kaya ang pag p-pulis at si Sejun ay malayong magkaron ng attraction dahil mala 'like poles' sila ng magnet. Isang taon din ang ginugol ni Sejun sa pag hahanap ng trabaho, wala pading pag babago sa sahod niya dahil arawan lang naman ang sahod niya doon. Simula ng natapos siya, siya na din ang nag-a-asikaso sa mga kapatid niya sa bahay dahil parating wala ang magulang nila. Sa isang taon ng pag hahanap ng trabaho ni Sejun, ni isa wala mang tumawag sakanya kahit matalino siya. Ng mga time na yun nawawalan na siya ng pag-asa, pero dumating sa Pilipinas at bumisita sakanila ang kapatid ng tatay niya. Si Uncle Tomas, Kapatid ng tatay niyang si Ted. Sa kanilang dalawa siya ang naging mayaman dahil sa pagsasakripisyo niya sa ibang bansa. Sa sobrang busy niya sa trabaho at mag payaman, hindi na siya naka pag-asawa at di nag ka-anak. Mas close si Ted at Tomas dahil sila ang mag kadugo talaga at di man nila ka-close ang mga kapatid nila sa ibang nanay. Wala na siyang balak mag-asawa at magka-anak kaya grabe ang pag mamahal niya sa kuya niyang si Ted at sa mga anak nito.

"Uncle Tomas, naka-uwi na po pala kayo sa Pilipinas." Bati ni Sejun sakanyang Tito ng makita niya ito sa gate nila

"Oh, Sejun. Kumusta na?" Tanong ni Uncle Tomas

"Pasok ho kayo. Okay naman ho. Wala po sina Mama at Papa pati po yung mga kapatid ko." Sagot ni Sejun

"Ay ganun ba? Sige hintayin ko na lang sila makauwi, tutal isang oras na lang naman ang hihintayin ko niyan." Sambit ni Uncle Tomas

"Sige ho. Upo po kayo. Ano pong gusto niyo? Kape or Tubig?" Tanong ni Sejun

"Kape na lang, Hijo." Sagot ni Uncle Tomas

[ON HOLD] Mystery of Love | Sejun/Pablo AU | PHWhere stories live. Discover now