Para Sa Nangangarap Maka-Move On

4.8K 122 4
                                    

CHAPTER 8

“YOU are beautiful, Lucy. You’re sweet. You’re loving. Ang laki kong bulag para hindi ma-realize na nasa tabi ko lang ang taong puwedeng magpasaya sa akin. Can you be my girl?”
Gustong ipilig ni Lucy ang ulo para magising siya. Totoo ba talaga ang nangyayari? Nililigawan siya ni Ardy? Kinikilig siya sa totoo lang. Pangarap lang niya ito dati. Ngayon nagkakatotoo na! Pero bakit ba nag-aapura yata ito? Ngayon pa lang siya nililigawan gusto na agad maging sila. “Ahm, no.”
“No?” Halata sa mukha nito na hindi inaasahang tatanggi siya. “Bakit? I thought you like me.”
“You’re so mabilis naman kasi. Hindi ba puwedeng manligaw ka lang muna at mag-iisip ako? Hayaan mo muna na ma-develop ang friendship natin. Dati kasi busy ka sa iba. Hindi tayo nagkaroon ng chance na maging close.” Kagaya ng closeness namin ni Zilj. Pagkaalala sa kaibigan ay nakaramdam siya ng lungkot. Dalawang araw pa lang mula nang bumalik ito sa Quezon ay nami-miss na niya.
“Alright, If that’s what you want. Okay lang sa akin.”
Mula nga noon ay naging constant figure na si Ardy sa buhay niya. Halos araw-araw na pinapasyalan siya nito. Lagi din silang may lunch o dinner date kapag weekends. At masarap din itong kasama. Masarap kakuwentuhan. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit parang may kulang pa rin.
“Ate, magiging bayaw ko na ba si Attorney Ardy?”
Iningusan lang ni Lucy ang nambubuskang si Tommy.
“Di ba siya ang first and last love mo? Tapos nanliligaw na siya sa iyo ngayon. O di magiging kayo na. Tagumpay ang dream mo, Ate.”
Parang iba ang nase-sense niya sa pambubuska ng kapatid. “May issue ka ba kay Ardy?”
“Hindi, Ate. Wala. Basta gusto mo okay lang sa akin. Sa kanya ka masaya, eh. Pero dapat gusto mo talaga siya. Love mo. Hindi lang dahil siya ang dream man mo.”
Parang iba talaga ang pakiramdam niya kay Tommy. Dahil ba sa mas close ito kay Zilj kaya parang hindi talaga nito gusto si Ardy para sa kanya?
At speaking of Zilj, hindi na ito nag-reply sa mga text at tawag niya. Nag-reply lang ito noong unang araw na umalis ito. Sinabi lang nito sa text na maayos ito sa Quezon. Nang magtanong naman siya sa ina nito ay madalas naman daw tumatawag sa mga ito si Zilj. I therefore conclude na text at tawag ko lang ang iniiwasan niyang sagutin. At nasasaktan siya na iniiwasan na siya ng kaibigan.
“Napapansin ko na lately parang malungkot ka,” puna tuloy sa kanya ni Ardy. Nasa loob na sila ng kotse nito. Sinundo siya nito sa Megamall. Nagdaos sila roon ng art exhibit ng kanyang mga kaibigang artist.  Hindi nga lang nito nasimulan dahil galing daw ito sa court hearing. Maganda naman ang turn out ng kanilang exhibit. Hindi pa man nailalagay lahat ang kanilang mga obra ay may mga nabili at mayreservations na. Nagsilbing isang malaking gallery ang activity area ng mall. “May problema ka ba?”
“Wala. Hindi naman ako malungkot, ah. There’s no reason for me to be sad. Maganda ang response ng mga tao sa exhibit namin. Everything is doing well.”
“Hindi naman ‘yong sa art exhibit ninyo ang naiisip ko. Baka lang kasi may nagawa o nasabi ako sa iyo na nagpalungkot sa iyo.”
Ngumiti siya rito. “Wala, Ardy. Ano pa ba ang ikarereklamo ko sa iyo? You’ve been great to me. Honest.”
Napangiti na rin ito at tumitig sa kanya. “You’re great, too. You’re lovely… And I love you, Lucy…” Unti-unti, lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Sumapo ang kamay nito sa baba niya at maingat na iniangat iyon hanggang sa magkatapat ang kanilang mga labi.
Hindi magawang kumilos ni Lucy. Pero parang may mali. Iyon ang pagkakataong pinakahihintay niya. She was ready for this. Kasama pa nga ito sa ‘Ardy-wish list’ niya – ang mahalikan nito. Kaya hindi niya maisip kung ano ang mali dahil mahal niya si Ardy. And he just told her he loves her. Mag-iinarte pa ba siya?
“I’m dying to kiss you…”
Lumapat ang mga labi nito sa bibig niya. Nanginig ang mga labi niya. Hindi dahil sa pananabik kundi dahil pa rin sa pakiramdam na parang mali. Parang mali na hayaan niyang halikan siya ni Ardy. At parang bigla siyang nandiri na nagkadikit ang mga labi niya, at nadikit ang dulo ng dila nito sa dulo ng dila niya. Bigla siyang kumalas. “I-I’m sorry.
“Lucy? Why? Don’t you like it, too?”
Umiling lang siya. Ano mang sandali ay tutulo na ang luha niya. “P-pakihatid na lang ako sa amin, please?”

Lucy's Choice (#BoyManhid Or #BoyPapansin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon