S t a r

44 4 0
                                    

Sabi nila kapag daw nag-iisa lang yung star sa langit pwede kang mag wish at matutupad kung ano man ang hilingin mo. Totoo ba yun? Kasalukuyan akong nakatingin sa langit at ayun nag-iisa lang ang bituin ngayon na kumikinang sa kalangitan.Wala naman sigurong masama kung subukan ko di ba?

“Uhm.. Hi star, may hihilingin sana ako sayo. May babae akong gusto, Chelsea ang pangalan nya. Ang ganda ng pangalan nya noh? Kasing ganda nya din syempre. Star, ano, kahit makilala nya lang ako, oh kaya kahit mapansin nya lang ako ayos na sakin yun. Promise. So, ano mapagbibigiyan mo ba yung hiling ko?”

Napakamot nalang ako sa batok pagkatapos kong humiling.Grabe wala na talaga akong pag-asa. Pati ba naman yung mga ganitong sabi-sabi pinatulan ko na.

Sabi naman nila ganun daw talaga pag nagmamahal eh. Magagawa mo lahat kahit pa yung mga bagay na hindi mo inaakalang magagawa mo. Ngayon ko lang na-realize na madali pala akong maniwala sa mga sabi-sabi. Sana naman may marating tong ginawa ko. Dahil eto nalang ang tanging pag-asa ko para mapansin ako ni Chelsea.

Kinabukasan, hindi ko alam kung paano, pero sa tingin ko dininig ng munting bituin na iyon ang hiling ko. Naglalakad ako sa hallway ng school ng biglang may tumawag ng pangalan ko. At kilalang-kilala ko kung kanino galling ang mala-anghel na boses na iyon.

“Noah?” Sabi ng boses sa likuran ko. Unti-unti humarap ako sa taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

“A-ako?” Utal ko pang nasabi habang tinuturo ang sarili ko.

“Ikaw si Noah di ba? Yung kapatid ni Dylan?”

“A-ah o-oo ako nga” Shete lang. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Bigla nalang parang tumigil ang mundo ko. Ang bakla ba? Pano naman masisisi nyo ba ako? Eh eto na pinansin nya na ko! Parang dati lang hanggang tingin at sulyap lang ang nagagawa ko dito, ngayon lumevel up na. Ngayon nag-uusap na kaming dalawa. Alam nya pa ang pangalan ko.

Kaya eto medyo natulala ata ako sa kanya. Winave nya kasi yung isa nyang kamay sa may mukha ko.

“Uhm nabigla ba kita? Pasensya na ah. Ako nga pala si Chelsea” Nakangiti sya habang sinasabi nya yan. Mas lalo talaga syang gumaganda kapag nakangiti. Inextend nya ang kamay nya at syempre inabot ko yon. Ang lambot ng mga kamay nya. Parang ayoko na ngang bitawan eh.

Teka. Hindi ba panagiinip to? Kung sakaling panaginip man ito sana hindi na ako magising. Kinurot ko ang pisngi ko para makasigurado.

“Hahahaha. Anong ginagawa mo? Bakit mo kinurot ang pisngi mo?”

Nasaktan ako sa pagkurot ko kaya siguradong hindi ito panaginip.

“Ah wala. W-wala lang trip ko lang” Sabi ko habang kamot ang batok ko. Para na ata akong baliw.

“Nakakatawa ka pala hahahaha ibang klase ka din palang mag trip noh?” Grabe para  talaga syang anghel.

At ang sunod nyang sinabi ang lalong bumuo ng araw ko,

“Noah pwede ba tayong maging magkaibigan?”

Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang syang lumapit sakin. I mean, dati sigurado akong hindi nya ako kilala. Minsan nga nagkakasalubong kami sa hallway pero kahit man lang pagtingin o pagpansin hindi nya magawa, pero ngayon sya pa mismo ang lumapit sakin at nakipagkaibigan. Dahil ba ito sa wish ko sa bituin na iyon? Hindi ko alam kung ayun nga basta ang alam ko lang sobrang saya ko kahit na ano pa ang dahilan.

Simula noon naging mag-kaibigan na kami ni Chelsea. Minsan pa nga nagpupunta sya dito sa bahay. Gustong-gusto nya kapag inaaya ko syang magpunta sa bahay. Dito kami minsan gumagawa ng projects at assignments, nagpapatulong kami minsan kay Dylan kapag may hindi kami magawa at masagutan bilang matallino naman sya. Minsan pa nga nag-uusap na sila kahit hindi tungkol sa assignments or projects namin. Ayos yan medyo close na sila ng utol ko. Kung ano kasing kina-friendly ko sya namang kinasuplado at kinasungit ni Dylan. Kaya bihira lang yung nakakausap nya sa school, lahat takot sa kanya.

Star (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon