This story is dedicated to JFstories.
*****Pamela's
I was staring at the glass in front of me when Aby snapped her finger.
"Him again?" Aby asked.
I sighed and smile weakly.
"It is my fault Aby? I just want him back." I answered.
"Pero Pamela nang dahil sayo naghiwalay sila ng fiance nya. So maiintindihan ko kung bakit sya galit sayo."
I sighed again.
"I get it okay? but still.... kung mahal nya ang fiancee nya edi balikan nya hindi yung ako pa pahihirapan nya."
"Hay naku! Hindi nya yan mahal! Kita mong papalit-palit girlfriend nya simula nang naghiwalay sila. Ewan ko sa iyo Pamela!" Inirapan nya ako at saka diretsong ininom ang wine na nasa harap ko.
Umilaw ang cellphone ko at nakita kong lumitaw ang pangalan nya don. Sinagot ko ang tawag.
"To my condo. Now." binaba nya na agad ang tawag.
Tumingin sakin si Aby.
"Sya ba iyan? Pinapapunta ka na naman?"
Tumango ako sakanya at binalik ang cellphone sa bag ko.
"Goodness Pamela! Hanggang kailan ka magpapaalipin sa lalaking iyan? Alam kong galit sya pero.." tumayo na ako "you're going?" dagdag nya
"Yeah. I need to." Habang naglalakad ako papalayo ay narinig ko pa ang huling sinabi nya.
"You're such a masochist!"
*****"You're late." malamig nyang sabi.
"Sorry. Natraffic ako." Tumingin ako sa likod nya at nakita ko doon si Hanny.
Kasama nya din ito kahapon at ipinakilala nyang girlfriend sa akin.
"Magdi-date kami ni Hanny ngayon. Bantayan mo tong condo ko at linisan mo ang dapat linisin." paliwanag nya.
Nagtiim-bagang ako dahil nabuhay na naman ang galit sa loob ko. He's been doing this to me for a month. Wala akong alam sa gawaing bahay pero ginagawa ko ang mga utos nya. Nung una ay palpak lahat ng ginagawa ko pero kalaunan ay natuto din ako.
"Saan kayo pupunta?" tinakpan ko ang bibig ko dahil diko na napigilang di magtanong.
Umigting ang panga nya at hinablot ang kamay ni Hanny.
May parte sa akin na nasaktan.
"None of your bussiness." malamig pa rin ang tinig nya..
Ngumiti sakin si Hanny pero inirapan ko sya.
Hinigit nya na si Hanny palabas.
Napaupo nalang ako sa sahig ng mawala na sila. I sighed.
Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga pag nandyan sya.
Halo-halo ang nararamdaman ko para sakanya. Pero sa lahat ng yun nangingibaw ang sakit sa ngayon.
Tumayo na ako dumiretso sa kwarto nya. Nakita kong gulo ang mga sapin ang unan nito. Siguro ay.... hinawakan ko ang dibdib ko dahil sumasakit na naman ito.
Inayos ko ang kama nya at pumunta sa kitchen nya.
Pagkatapos kong hugasan ang pinggan ay pumasok na ulit ako sa kwarto nya. Humiga ako sa kama nya.
Macoy is my ex. Yeah. At ngayon nagsisisi na ako na iniwan ko sya noon.
But you can't blame me. Nung kami pa he never showed his love. Lagi akong nanghuhula at lagi ko syang nakikita na may kasamang babae. Pero nung nakipagbreak ako sakanya nagulat ako nang lumuhod sya sa harap ko at nagmakaawa na wag ko syang iwan. Hindi ko sya iniwan non. Naging mas maayos yung pakikisama nya sakin pero bumalik din yung dating sya. Kaya naman nakipagbreak na talaga ako sakanya. Lumuhod ulit sya at nagmakaawa pero buo na ang desisyon ko nung mga panahon na iyon. He cried in front of me, in front of our schoolmates. Gustong-gusto ko na syang balikan non pero nong mga panahong din na yon nalaman ko na may nabuntis sya. Nangibabaw ang galit ko sakanya kaya iniwan ko sakanya kahit na parang mamamatay na ako sa sobrang sakit ng puso ko.