Ola! Going to school!
Hinatid na ko ng driver namin at sinabing susunduin nya daw ako. FINE. Di na ko tatakas for now. Diresto uwi agad.
"Parekoy! Musta? Ang porma natin ngayon ah." *apir*
"Badtrip nga e!"
"Ang aga aga badtrip. Bakit ba?"
Naglalakad na kami papunta sa classroom namen. First day of school, second year college na ko. BS IT Major in Digital Arts.
"Grounded ulit e."
"PASAWAY ka talagang babae ka!"
"Hindi ako babae!"
"E ano?lalake???"
"Mmm.Medyo."
*toinkz*
-____-"" Napahawak ako sa ulo ko.
"Bakit mo ko binatukan.?"
"Baka sakaling magising ka sa katotohanan.Alam mo kung pwede lang, niligawan na kita."
"Hoy! Di tayo talo!!!! Magtigil ka nga!" sabay duro ko pa sa mukha nya. Kaasar! Ligaw?Nah-ah-ah.
"Hey guys!" dumating si Ara ang friend kong sosyalera. Nakasakbit sa braso nya ang bag nya, may yakap na laptop, naka-shades, stilettos, dress sobrang opposite sa suot kong damit, yung binili ko kahapon sa mall, naka-cap -di pwedeng mawala, washed pants, and hightops na color red. Mukha akong dancer sa ayos ko. Buti na lang at wala kaming school uniform.Buti na lang. Ayokong magsuot ng skirt kahit below the knee pa or yung maiiksi. Pag ganun ang suot ko para akong pusang di mapa-ihi. (~~,)
Nakaupo na kami nina Kris sa may pinakauna. Makakatabi kaming tatlo, bale ako, si Ara tapos si Kris. Itolang kasi ang nadatnan naming vacant e. Alam nyo na may phobia ang mga estudyante sa mga upuan sa harapan.
Wala pa ang prof. namin kaya to da max ang kwentuhan.Maraming naipong kwento kasi nag bakasyon.
"Guys, I will throw a party this coming Friday. Kelangan nandun kayo."
"Naku, Di yan makakapunta Ara! Grounded na naman yan." Sabay turo saken ni Kris. Kelangan pa talagang ulit ulitin na GROUNDED ako. Nangaasar lalo.
"Na naman! Hay naku George, nakisabay ka pa sa pasukan...huh.?and back to pagiging pasaway ka ulit."
"Wag nyo nga akong sermunan." Sabay nagtakip ako ng tenga. 0(*____*)0
"So hindi ka makakapunta sa party?"
"Pupunta. Parang di mo ko kilala. Tatakas ulit syempre." Tinuro ko pa ang aking sarili na para bang nagyayabang.
"Pwede ka ng akyat-bahay gang sa ginagawa mo."
Compliment ba yun o insult? Ok, I'll take that as an insult.
"Bahay nyo ang uunahin kong nakawan!" sabi ko kay Kris.
Dumating na ang prof. namin and konting orientation sa subject. blah blah blah.
Blah blah
Nagpunta na kami sa aming favorite na tambayan. May 2 hours kaming vacant.Sa gym. Si Kris basketball player kaya naging tambayan na namin yun.
"George, one on one!" habang nagdi-dribble si Kris at nakaupo lang kami ni Ara.
"Sige ba! Ara Sali ka dali!"
(0.0)---------si Ara.
"Joke lang" ^__^. Sa itsura ni Ara na girl na girl e magmumukhang ewan pag tumakbo sya sa pagshoot ng bola tapos naka-heels pa! wahaha.
BINABASA MO ANG
Save the Last Game for Me
Teen FictionBOYISH. Yan si George. MVP. Yan naman si Kevin. Every girl's dream. and became George's dream, literally. Read on!