Habang nanonood ako ng Legal Wife napaisip ako sa sinabi ni Nicole. "walang babae ang gustong maging kabit". Oo tama sya wala naman talagang gugustuhin un, ngunit sa lahat ng bagay may choice tayo. Hnd mo pwedeng sabihin na wala kang choice. kasi once na nalaman mong may asawa o gf yang karelasyon mo, choice mo un kung iiwan mo sya o mananatili kang kabit nya. In short ginusto mo din un db? kasi hnd mo ginusto un bkit mo pipiliin maging kabit kung may choice ka namang iwan ang tao at layuan na sya. Alam ko hnd mo mapipigilan ang pag ibig pero kung hnd naman tama ang nangyayari sa tingin mo kailangan pang ipaglaban ang nararamdaman na yan? Kasi ako sa tingin ko hnd na naman pag ibig ang tawag dyan.Maxado ka ng deperado magkajowa pag ganun. Ang pag ibig na mali hnd ka magiging masaya dyan. Sana kung gagawa ng disisyon lagi mong ilagay ung lugar mo sa mararamdaman ng taong gingawan mo ng mali. Isipin lagi kung sayo ba ginawa un magiging masaya ka? saka isipin mo din ang daming lalake jan na mas higit at walang sabit, bkit ka mag titiis sa iisa?
At para naman sa mga nangangabit bkit nyo ginagawa un? Kung hnd mo na mahal ang karelasyon nyo bkit hnd mo nalang iwan? Kasi pinapahirapan nyo lang pareho ang mga sarili nyo eh.. Bakit ba dahil sa exciting? haha.... nakakaloka bkit hnd ka nalang sumakay ng roller coaster sa star city at enchanted kingdom? bkit kailangan manloko ka pa? Ang mga tao walang kakontentuhan, pero sana maisip naman lagi natin ang tama at mali. wag magpapadala sa tukso. Ang tukao ay masama. At ang pakikipag-apid ay isang kasalanan sa Diyos.
BINABASA MO ANG
Ang Pag.ibig :)
RomanceSana magustuhan ng kung sino mang makakabasa :) Mga konting paalala lang tungkol sa pag.ibig. Mga iba't ibang klase ng love dito sa mundo. :)