OUTSIDE......
SHE is A Happy Go Lucky Girl
SHE is Cute on her Own Way
SHE is A Perfect Description of A Goddess
SHE is A Soft and Kind Hearted Girl
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BUT if you try to make her Mad and Mess up with her, Run as fast as you can, Hid...
Grabe hindi talaga ako makaget over sa scene kanina, waahh ang galing ni Red. Apoy lang ang kapangyarihan niya pero napatumba niya yung dalawang giants ng walang kahirap hirap. Ang lakas niya pa. Kasalukuyan nga pala kaming naglalakad dito sa parte ng gubat na mabato. May naririnig din kaming pagaspas at pag alon ng tubig senyales na may water falls dito, dahil nadin medyo matubig ang dinadaanan namin.
"Guys pwedeng pahinga muna tayo pagod na ako!" *pout* nakangusong tanong ni Axel. psh isip bata talaga
"Ten minutes, Let's sit over there!" turo ni Dark dun sa malaking bato na hindi matubig.
Naglakad kami papunta sa puwesto na tinuro ni Dark at dun nagpahinga.
"Ugh. Nagugutom na ko guys, may pagkain ba kayo jan?" Shy
Biglang tumayo tong mga boys pera si Dark. Luh san to pupunta...
"Maghahanap lang kami ng makakain, dito lang kayo. Kaya nyo naman na sigurong kalabanin kapag may mga Azterians na dumating!" sabi ni Trevor.
"Hey, Leader kasama ka!" dagdag naman niya. Hinila pa nila si Dark patayo. Sinamaan naman sila ng tingin ni Dark.
3RD PERSON's P.O.V
Naka layo na ang mga lalaking Super Forces samantalang naiwan naman ang mga babae sa malaking bato kung saan sila naksandal ngayon.
"Yah, tingin niyo matagal pa kaya sila maka kuha ng pagkain, gutom na ako ehh!" pag mamaktol ni Shy
"Hintayin nalang natin sila Shy, tiis muna ok! masyado kang atat, kala mo naman mamatay ka kapag mag hihintay. Ba't kasi di ka nag dala ng pagkain mo kung mabilis ka rin lang naman magutom!!" sagot naman ni Alli dito.
"Eh sa nagmamadali tayong umalis kaya di na ako nakapag dala!" sagot naman ni Shy na may pagka sarkastiko.
"Sinong may kasalana----"
Hindi natapos ni Alli ang dapat niya sanang sasabihin ng magsalita si Ritz ng may pagkabalisa at parang kinakabahan.
"Uhhhh, guys I think we have a problem!" sabi nito na nakatingin sa CarniPlant na nasa likod ng malaking bato. Tumubo rin ito sa kinatatayuan nina Alli at Shy. Napamulat naman si Red sa pagkakapikit ng marinig niya ang kinalabahang boses ni Ritz.
"Shit"
CarniPlant 👇
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mabilis na pumulupot ang mga baging na galing sa CarniPlant sa katawan ng mga babae. Pilit silang kumakawala, ngunit habang nilalabanan nila ang baging ay mas lalo lang itong humihigpit at nagkakaroon ito ng mga tusok na may lason.
"Arrghh, Shit" Alli
"Ouch, Walang hiya kang halaman ka pag ako talaga nakawala makikita mo!" Ritz
"Bakit ang-- argghh, higpit nito uggghh" Shy
Puro daing lang nila ang ang maririnig mo sa kinatatayuan nila ngayon maliban kay Red na sinusubukang gumamit ng kapangyarihan ngunit hindi nito magawa dahil mukhang inaabsorb lang ng CarniPlant ang kapangyarihan niya.
Sakabilangdako.....
ICE's P.O.V
Hello Everyone this is my first POV thanks author.... So andito kami ngayon sa may falls. Kasalukuyan kaming nanghuhuli ng isda ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.
"ICE~~~~~~"
Malumanay ang pagkakatawag niya sa pangalan ko at parang may kaboses siya. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako sa loob ng falls. Patuloy parin siya sa pagtawag ng pangalan ko.. Nagulat ako ng hindi man lang ako nabasa sa falls nung pumasok ako. Hindi ko inaasahan kung sino ang nasa loob ng Falls. It was Alli wearing a dress. She looks like a goddess. Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa harap niya.
"Come, Ice~~~~"
Yun ang huli kong narinig bago magdilim ang lahat....
AXEL's P.O.V
Yoh! Everyone Xenon Axel Terrazord here. This is my first POV. Thanks to Author again.
(A/N: Nahhh, no prob. 😏)
So andito ako sa kabilang parte ng ilog. Magkakahiwalay kasi kami ng puwesto nina Dark. Nagtataka nga ako kung bakit bigla bigla nalang naglalakad papunta sa falls si Ice. Mukhang di naman napansin nina Leader yun. Mga wala kasing pakealam sa mundo yung dalawang unggoy na yun.✌ Pupuntahan ko na sana si Ice pero may napansin akong babae na naglalakad sa may loob ng mapunong lugar. Wait she looks familiar!. Sinundan ko yung dinadaanan nung babae.
"Miss! Wait lang tigil!" pagtawag ko sa kanya. Medyo malayo na kasi sya sakin. Parang hindi niya narinig yung sinabi ko at patuloy padin siya sa paglakad. Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko na siya. Hinawakan ko yung balikat niya.
"Hay! Sa wakas nahabol din kit-----"
Nagulat ako ng bigla siyang humarap. Hah! Sabi ko na may kamukha siya ehh. It's Shy, pero nakakapagtaka, diba andun sila sa may tabi ng bato diba.
"Shy? , Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
"Axel tulungan mo akong hanapin yung necklace ko nawawala kasi ehh. Bigay pa yun ni Mama!" balisang sabi niya.
"Huh! teka san mo ba yun nawala. Bakit dito sa mapuno ka pa naghahanap.?" nakakunot noong tanong ko
"Basta, bilis sundan mo ako!" sabi. Naglakad siya papasok sa gubat. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto kami sa may Cave.
"Anong ginagawa natin di-----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong nahilo at nagdilim ang pangin ko..
TREVOR's P.O.V
Kasalukuyan kong sinusundan tong kaibigan ni Red na si Ritz. Nagtataka lang ako kung saan to papunta. Alam kong si Ritz ito dahil nakita ko ying mukha niya kanina nung nakaharap ako sa kanya. Hindi niya yata ako napansin kaya tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo ng mabilis.
"Hey Ritz!!! Wait, bangin na yang papunta jan. Stop!!!" sigaw ko sakanya pero parang wala siyang naririnig at patuloy na tumakbo. Mas nagulat ako ng tumalon siya sa bangin.
"RRIITTZZZ!" sigaw ko. Tumalon din ako sa bangin. Pinikit ko yung mata ko at hinintay na bumagsak ako sa tubig. Pero hindi ko naramdaman na basa sa katawan ko. Naimulat ko yung mata ko ng bumagsak ako sa matigas na bagay. Napagtanto ko na sa lupa ako bumagsak. Mabilis akong tumayo ng makita ko si Ritz na nakaupo sa may bato na nakayuko. Ano bang problema ng babaeng to at ano bang pake alam ko dito. Aisshh ang gulo. Nilapitan ko nalang siya at sinubukang tanungin.
"Bakit ka tumalon dun, do you know how dangerous you've done." sabi ko sakanya.
"Trevor! Help me!" sabi niya at napansin kong yumuyugyug ang balikat niya.
"H-hey why are you Crying!" sabi ko at niyakap siya. "Stop, crying! I hate seeing girls cry infront of me!, tumahan ka na tutulungan kita jan sa problema mo, wag kang mag alala!" nasabi ko nalang dahil. Wala din naman along choice.
"Talaga!" sabi nito at bigla siyang tumigil sa pag iyak. "Ibig sabihin gagawin mo lahat ng gusto ko!" sabi niya ulit. Kinilabutan ako nung bigla siyang tumawa. Pinilit ko siyang ilayo sakin, nagtagumpay naman ako, but the moment i look at her spiral eyes. Everything went black.... _______¥_¥________ To Be Continued..