Her P.O.V

16 0 0
                                    


~~~~

Kitang kita ko kung paano siya nasira at nagdusa ng malaman niya na nawala na ang babaeng pinakamamahal niya.Nasaktan din ako sapagkat mahal na mahal ko siya ngunit si Margarette naman ang mahal niya at hindi ako.Gumuho ang mundo niya pero simula ng mamatay siya hindi siya nakakalimot dalhan ito ng pabortio nitong pulang rosas araw araw.

Minsan kasi ay isinasama niya ako sa pagpunta sa puntod nito kaya siguro mga isa or dalawang oras ang itinatagal niya doon at kinakausap siya na para bang buhay pa ito.Mararamdaman at makikita mo kung gaano talaga niya kamahal si Maragarett.

—————————————🌹🌹————————————
Hinding hindi niya ako titingnan ng kagaya ng pagtingin niya sa kanya...

Hinding hindi niya ako aalagan kagaya ng pagaaruga niya sa kanya...

Hinding hindi niya ako iisipin kagaya ng lagi niyang pagaalala sa kanya...

At Hinding hindi niya ako mamahalin kagaya ng pagmamahal niya sa kanya...
—————————————🌹🌹———————————-

Yun ang bagay na sigurado akong malabong mangyari kahit pa wala na siya sa tabi niya,mamahalin niya pa rin ito hanggat siya ay mamatay.

Heto ako minamahal siya at naghihintay na baka balang araw ay mapansin niya rin ako,na hindi kailanman akong umalis sa tabi niya.

~~~~~

Sa hinaba haba ng panahon ay natupad na rin aking pangarap ang makasal sa lalaking pinakamamahal ko,ikakasal na ako kay Lawrence sa wakas.Alam ko na hindi ko malalagpasan at matataasan si Margarette pero gagawin ko ang lahat para idama kay Lawrence ang pagmamahal ko para sa kanya at suportahan siya sa kahit anong gusto niyang gawin.

Natuto na rin akong tanggapin na hinding hindi ka mawawalan ng lugar sa puso niya,at pumayag ako na ipangalan ka sa panganay naming anak na ang ngalan din ay Margarette.

Paalam at Salamat Margarette.....

100 RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon