Wala na Talaga"
Mga luhang namumuo sa mga mata ko,
Na pilit tinatakpan ng mga ngiti sa labi ko,
Mga luhang namuo,
Mga luhang tumulo,
Dahil sa kahihintay sayo,
Di ko alam kong hanggang saan,
Kung hanggang kaylan,
Mahal? nasan' ka na ba?
babalik ka pa ba?
paulit-ulit kong tinatanong,"nagkulang ba ako at saan banda?",
Di ko alam kung may luha pa bang tumutulo,
kung may luha pabang mamumuo,
Dala ng kahihintay sayo,
Para akong tangang naghihintay sa pagbabalik mo,
kahit ang totoo ay wala na tayo,
Pero kahit anong gawin ko,
ikaw parin ang hinahanap ng mata ko,
ang sinisigaw ng puso ko,
Mahal?wala na ba talaga?
wala ka na ba talaga?
Kahit ano yatang ngiti ko,
lumalabas ang lungkot sa mga mata ko,
Nagbabakasakaling' bumalik ka at sabihing mahal mo parin ako,
Minsan gusto kong kalimutan ka,
gusto kong palayain kana,
gusto kong isipin isa ka nalang sa pinakamagandang alaala,
Pero hanggang kailan pa?
hanggang kailan pa ako magkukunwaring kaya ko na,
kahit ang totoo ay ang sakit-sakit na,
Sinisi ko ang ang sarili ko dahil hindi kita pinaglaban,
sinisi ko ang sarili ko dahil nawala ka sakin' ng tuluyan,
pero ngayon?
masaya kana,
at may minamahal kanang iba,
dun ko lang napagtantong wala kana talaga,
at kahit mahal parin kita,
papalayain kita dahil dun' ka masaya,
kahit sakin' ay yun ang pinakamasakit at pinakamapait na alaala,
Kaya,
Mahal? 'MALAYA KANA'Vote and Comment!
Tenkieee😘