Chapter 1
SeYi's Point of ViewNapakasayang lugar.Nakaka langong alak,makulay na ilaw,malakas na tugtugan,malakas na tawanan,at mga taong nagtatalonan sa dance floor.Iyan ang pinag-mamasdan ko ngayon.Wala na sigurong sasaya sa lugar na ito.
"WOOOH!Spend the night." napalingon ako sa mga kaibigan ko na panay ang talon sa dance floor.Si Jaquie ay nagtatatalon habang hawak ang isang beer,malakas uminom.Si Michelle naman ay nakahawak sa pole at umiikot roon,matino pa.Si Loraine naman ay nakahawak ang kamay kina Carlo at Macmac,umiikot ang mga loko.Parehong lambutin sina Carlo at Macmac.Nakakapagod magsaya..
"Woi!Seyi,tara." hindi ko inaasahan ang paglapit ni Jaquie,may tama na ang bruha.
"Pagod na 'ko."tipid kong sagot.
Tumabi ito sa 'kin at hinarap ako."Saan ka pagod?Sa kanya?"ngumuso ito sa likuran ko at agad ko naman iyong nilingon.Zach?
Hinarap ko ulit si Jaquie na ngayon ay tatawa-tawa."Pagod na ako'ng tumalon." binigyan ko sya ng pilit na ngiti.
"Alam kong nahihirapa--"
"Shit!Jaquie,naman." reklamo ko ng sumuka ito sa gilid nya.Wrong timing ka'ng bruha ka.
"Mich...Mich!" sigaw ko sa gawi ni Mich."Tulungan mo 'ko kay Jaquie."
"Hala!Tara,dalhin natin sa CR."agad na paglapit ni Michelle.
Inakay namin si Jaquie papunta sa CR at sa hindi inaasahan ay may naka bunggo ako."Sorr--"bahagyang naputol ang sasabihin ko ng mag-taklob ito ng kanyang hood.Pinanood ko pa itong lumayo at tuluyang mawala sa aking paningin.
"Woi!SeYi!Mabigat 'tong si Jaquie ah?Baka gusto mo'ng akayin?"
"Ah.O-oo,tara."Sumubsob si Jaquie sa sink at sumuka ng sumuka.Nakatingin lang ako sa kanya.
Buti nalang 'di ako nagpaka-lango!
"Ano?Iinom ka pa ba ng marami?Daig mo pa 'yong nabreak ng jowa,Jaquie." tatawa-tawang asik ni Michelle.
"Alam mo naman na..kapag uminom ako sa school year ay maipapatapon ako sa States.Mabuti na iyon.."nagpagewang-gewang itong pumasok sa cubicle.
"Eh ikaw,Seyi?" baling sa 'kin ni Mich."Hindi ka ba uminom?"
"Marami akong gagawin bukas.Mag-aadvance reading rin ako sa last two days." sagot ko sabay lapit sa salamin ng comfort room.
"Hala!Eh tatlong araw na nga lang pala,ano?Ambilis naman,hindi ko tuloy mapupuntahan sila Kath." nag-aalala ang tono ng pananalita nya.Si Kath ay kapatid nya sa Ina,malapit sila ni Kath.
"Tara na...gusto ko ng umuwi."agad na sumulpot si Jaquie.
Dumiretso na kami ni Jaquie sa parking lot at pinapunta ko si Mich sa natitira naming kasama sa loob.Isinikay ko agad si Jaquie sa backseat at ihiniga sya roon.Ikinatakot kong baka sumuka ulit ito,naalala kong..sasakyan mo naman ito,bahala ka na sa paglilinis.Ipinahiram ko muna kay Mich ang sasakyan ko tutal ay malapit lang naman ang bahay ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
END
RandomEND Fight for LOVE Fight for your FAMILY Fight for your FRIENDS Fight for all your LOVE ONCE. Because that's the END