Start

6 2 0
                                    

...

Patuloy akong tumatakbo ng hindi lumilingon sa taong nakasunod sakin kanina pa, Kanina ko pa ramdam ang tingin niya at ngayon nga gumawa na siya ng galaw.


Hindi ko maintindihan bakit nila ako natunton. Malayo pa to sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.


Habang patuloy akong tumatakbo nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko siya pigilan para sundan ako.


Pero habang nag-iisip ako ng hakbang ay nabangga ko ang isang likod kaya nawalan ako ng balanse. Napaupo ako habang sapo ko ang aking noo.

"Miss, Are you okay?"

Na alarma agad ako ng hawakan niya yung balikat ko.

"Wag mo akong hawakan" Bakit ba lahat ng lalaki manyak?

"I was jus---" Naalala kung may humahabol pala sakin kaya pinatahimik ko na ang lalaki gamit ang aking kamao.

Sapo-sapo niya ang kanyang mukha habang iniiwan ko siya at patuloy na tumatakbo.

May nakita akong eskinitang sobrang dilim. Tumakbo na ako doon, kasi kahit anong dilim ang aking lalakarin alam kung sa huli may liwanag na sasalubong sa akin.

Napangiti ako ng makakita ako ng kakaunting liwanag pero agad itong nawala ng masilayan ko ang mga matang puno ng galit at pagkamuhi.

"Kahit anong takas ang gagawin mo patuloy parin hahabol sayo ang katotohanang mamatayng tao ka." Sigaw niya na puno ng galit sa akin.

Napaluhod nalang ako at di ko namalayan na puno na pala ako ng galos dahil sa kakatakbo kanina na parating nadadapa.

Habang tinitingnan ko ang aking mga sugat, Napangiti nalang ako ng mapait dahil kahit anong mangyari ako parin ang masama.

Pinahiran ko ang dugo sa aking sugat gamit ang aking kamay at nag-angat ng tingin sa matang gusto akong patayin.

-------

Behind Series #2

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Those ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon