13

611 39 3
                                    

Point of View: Meca

"aba himala sayo mecawayan ha, wala kang kabaduyang ginagawa para kay perky." puna ni cherry. ngumisi ako at tumingin sa kanila.

"kala nyo lang 'yon, ako pa ba." sabi ko at tumawa. binatukan ako ni ezra at napailing silang tatlo. ngumingiti na lang ako sa isip ko kung paano ko maingat na naisuksok ang liham ko sa locker ni perky.


tahimik kaming kumakain nila cherry nang biglang may nagpatong ng tray sa harap ni ezra na katabi ko. we are all surprised to see who it was.

"perky sis!"

"perzikiel bakla!"

"perky mare!"

hiyaw nilang tatlo, niyakap naman sila ni perky at nag beso-beso. ako naman nabato sa upuan, oo malakas kong kantiyawan si perky at lagi 'kong sinasabing gusto ko siya, halos lahat naman ng studyante alam 'yon ngunit seeing perky this close, parang nabato na lang ako at gustong tumalon ng puso ko. may balak pa atang sumabay sa lunch namin.

matapos nila magkamustahan nag si-upuan na rin sila. one thing about perky, clingy siya he likes hugging anyone sabi nga sa akin ni cherry, masarap yumakap si perky eh hindi ko naman mapatunayan kasi ayaw ng bakla hanggang angkla lang ako ng braso ko sa braso niya. nung nalaman niya na may gusto ako sa kaniya nung mga bata kami, never niya akong niyakap. ganiyan kasama ugali ni perky but nonetheless he made me like him.

"kamusta naman ang missing in action naming kumare?" paninimula ni ezra. nanatili lang akong nakayuko. bakit ang lapit niya? nana paki pigilan po ako baka masunggaban ko si perky.

nagtataka kayo kung bakit medyo maka-21st ako magsalita at medyo berde ako madalas?

sa damit at ayos ako baduy minsan sa pagsasalita pero kung ang definition nyo ng baduy at yung kung magsalita madaming "xcz" eh' mga teh jejemon na 'yon at 'di ako ganun. nagmumura ako, pero di alam ni nana at na-adapt ko lang naman ang iba't-ibang salita sa mga kumare ko mani, kela cherry kaya 'wag na kayong magtaka. isa pa, dahil sa kagustuhan 'kong matutunan ang lenggwahe ng mga bakla, nag effort talaga akong aralin ito one time kasi nung nakausap ko si perky, hindi ko siya maintindihan. isang linggo niya akong di kinausap no'n, mantakin mo 'yon tsk. although, we barely talk to each other kahit noon pa but still nasa iisang circle of friends kami kaya kinakausap niya ako, superficial talks nga lang but still..

pero noong kinausap niya ako sa gay linggo mare 'di ko siya naintindihan kaya hindi na niya ako kinausap. gigil ako 'don mga lods. kaya inaral ko talaga ang lenggwahe ng mga bayot.

"buti buhay ka pa, kala namin tuluyan mo ng ina-abanduna ang kagandahan namin." ani cherry.

"how about your teammates, aren't you gonna make sabay to them?" conyong ani airy.

"mga bruha kayo, kakaupo ko lang parang gusto niyo na ako paalisin haller two weeks lang naman ako 'di sumabay sa inyo kasi busy ang beauty ko sa pag practice ng soccer." sabi into at sungalngal ng kanin sa bunganga niya. napanganga ako, how to be kanin po?

"gaga! kasalanan mo 'yan, soccer pa mare." komento ni ezra. hindi ako umiimik at nilalaro lang ang pasta na in-order ko.

"oh bat ka nga sumabay ngayon, wala kayong practice?" tanong ni cherry napalingon ako sa kaniya pero agad ding napayuko. ang gwapo niya nagpakulay siya, kulay silver na buhok niya. susmaryosep santisima, tukso layuan mo ako, 'wag muna ngayon.

"waley muna ngayon, pero imbyerna kasi pahihirapan na naman kami ni coachella next week." sabi nito at ginulo ang buhok napanganga ako bakit ganon, yung puso ko.

"next next week friday na pala finals no?" tanong ni cherry, tumango lang si perky. tumingin ako sa kaniya.

hindi ko namalayan na napatitig na pala ako nang matagal sa kaniya kaya bigla niyang inangat ang tingin niya agad akong nabulunan.

"ano ba yan mecalog!" angil ni ezra kasi nabugahan ko siya ng kanin.

"kadiri ka meca girl, stop staring nga sa akin grrr." ani perky.

"h-hindi ako nakatingin s-sayo." sabi ko, sabay sabay sila nagtaas ng kilay.

"d-dun ako sa lalaki nakatingin." ani ko at tinuro ang lalaki sa likuran ni perky. sabay sabay silang lumingon at masamang tumingin sa akin pagbalik, if only looks could kill malamang kanina pa ako bulagta sa harapan nila lalo na sa tingin ni perky eh, ready na akong banatan.

pero pakshet kinikilig pa rin ako.

"why are you looking at papi arcane?" ay mahabaging maria, si arcane sungit mukhang singit 'yon? napalunok ako perky naman eh sayo naman kasi ako nakatingin eh.

"uh.. kasi...uh.. mag isa lang siya at uh..ang weird nya?" sabi ko hindi naman sila naniniwala. pinang punas naman ni perky yung papel na hawak niya sa mga kanin na naibuga ko kanina.

"ang yummy talaga ni papi arcane." bulong ng bakla. hmp! mas yummy ako, libre tikim.

"mas yummy ka parin 'wag ka papakabog." bulong ko habang nakatingin sa kaniya. hays perky kailan mo kaya ako titingnan ng ganyan?

napansin ko yung hawak niyang papel na pinang punas niya ng mga mumo, pamilyar. sobrang pamilyar. "a-ah, ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa papel na nilamukos sa isang gilid.

sumimangot si perky. pinigilan ko ang sarili kong sugurin si perky at pagkurot-kurotin ang pisngi nito. "'yan ba? kadugyotan letter, ewan ko like duh nakikita ko na lang 'yan sa locker ko lagi, hindi ko ma-take ang pinagsasabi." ani nito.

kinuha niya ito at tinapon sa basura napatingin naman sa akin ang tatlo nang makita nila ang nanlulumo kong mukha, mukhang alam nila na akin 'yon.

kahit ilang beses ko ng nakita ang pambabalewala at pagtatapon niya ng mga bagay na ibinibigay ko sa kaniya, still.. hindi ko maiwasang masaktan.

pero okay lang, at least diba binasa niya isang malaking mission accomplished na 'yon para sa akin.

"perky!" tawag ng ilang mga kaklase niyang babae, napalingon kami sa table nila kinawayan nila kami. well, gaya ng sabi ko tropa ko mga estudyante rito.

"what?" mataray na ani ni perky.

"kailan ka daw ba babalik sa puder ng mga adan?" tanong nito at nagtawanan, napa-roll eyes si perky.

"tss. tigilan ninyo ako." sabi nito at nagpatuloy pero kinulit kulit parin ito.

"uy kailan ka nga babalik?"

"umalis ba ako?" nanlaki ang mata namin sa sagot nito. hindi lang pala kami kundi ang mga ibang babae pa na nasa canteen.

impit silang napatili at napamura dahil sa sagot nito at yung boses niya ang seryoso at.. ang manly.. ugh or nabingi lang ako? pero kasi, bakit ganiyan ka perky.

minsan lalaki pero madalas bakla. he do like it alot teasing us. alam niya kasi na maraming nagkakagusto sa kaniya, aware siya na malakas ang dating niya sa aming mga babae once na nakulitan na siya, ginagamit niya na ang oh-so-makalaglag panty niyang mga linyahan. I swear to the gods and goddesses out there, minsan hindi ko ma-take.

huwag mawalan ng pag-asa meca, malapit na konting effort pa!

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon