Chapter 21: Jayson Fortaleza

283 9 0
                                    

Jayson James' POV

Masaya kaming nag uusap ng mga ka-gang ko sa loob ng isang cafe dahil ngayon nalang kami nag sama sama at nabuo ako din kasi ang pinakabata saamin kaya naman magkaiba kami ng school, sila college na ako highschool pa lang pero ilang buwan nalang ay malalampasan ko na din ito.

"Pft! Bro! kung nakita mo lang yung mukha! nako! HAHAHAHAHA matatawa ka! sobra!" di mapakaling sambit ni Justin, na may pinagtripan nanaman sa school nila.

"HAHAHA ikaw talaga ang idol ko e!" sigaw ni Matthew yung kapatid ni Rebecca.

"Jayme, anak." isang pamilyar na boses ang tumawag saakin.

Hindi ko agad siya nilingon dahil baka guni-guni ko lamang iyon.

biglang akong tinapik ni David.

Sh*t! Totoo nga! Bumalik na si Papa!

Unti-unti kong inikot ang paningin ko sa direksyon niya. Nakita kong madaming pagbabago sa mukha niya, hindi siya mukhang masyadong matanda, wala din siya gaanong puting buhok na di katulad ni mama nasisimulan ng magkaroon.

"Anak, kamusta kayo? Yung kapatid mo? naaalagaan mo ba ng ayos?" ngumiti siya sa direksyon ko.

"Jayson, alis na muna kami." paalam ni Matthew. "Mauna na po kami."

Umupo si Papa sa harap ko, nanatili pa rin siyang nakangiti saakin. "Anak, bumalik na ako dahil tapos na ang leadership ko. Hindi ka ba masayang makita ako? Si Josh? bakit di mo kasama? diba sabi ko alagaan mo muna siya?"

Pa, magkaaway kami ni Jolo

"Ah si Jolo ba pa? okay lang naman siya." nginitian ko siya.

Pa, may sakit siya.

"Nasaan siya? Gusto kong makita ang kapa---

Ring~ Ring~

May tumawag kay papa kaya naman nagpaalam muna ito na sasagutin niya muna ito.

"Haist, nak may pupuntahan muna ako ha," may ibinigay siya saakin maliit na papel, "Punta nalang kayo ni Jolo mamaya diyan. Hihintayin ko kaying dalawa." anito

Nagmadali akong tumakbo papunta sa school namin, kailangan ko na talagang kausapin si Jolo, ako na ang aayos tutal ako ang may kasalanan, ako ang gumalit sa mabait at maamo kong kapatid.

•••

Matapos naming dalhin si Jolo sa clinic ay agad itong nakatulog kaya't naiwan kaming dalawa ni Rebecca sa loob.

Kailangan ko na nga din palang ayusin ang saamin.

"Jaysonnn HUHUHUHU galit ka pa ba sakin?" may bumagsak na luha sa mga mata niya. "HUHUHU SORRY NAAAAAA!!!"

Haist umiiyak siya, magagalit nanaman saakin si Jolo.

"Rebecca, usap muna tayo ha. Sa labas sana."

Humawak siya sa braso ko at pinahid ang luha niya duon. Dinala ko siya sa café na pinagtatambayan namin kanina malapit lang kasi yun sa school namin. Inupo ko muna siya bago tuluyang pumunta sa cashier at umorder ng maiinom namin habang nag uusap kami, mahaba habang convo din 'to dahil sasabihin ko na din sakanya lahat.

Bumalik ako sa upuan namin at nakita ko siyang nakangiti sakin.

"Pwede ka ba mangako sakin, baby?" tanong ko.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon