Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Hannah at nagmadaling bumaba ng rest house kung saan sila tumutuloy.
Nagkalimutan niya kasing may plano pala silang mag-island hopping. At napag-usapan na alas singko ng umaga ang napagplanuhan nila. At ito nga't late Na siya pasado alas siyete Na ng umaga.
Nang makababa Siya ay agad niyang hinanap ang mga kasama.
Bahagya siyang nadismaya dahil sa nakita.Nakitang walang tao sa loob at parang iniwan Na Siya.
"Oh gising ka na pala hija" saad ng isang matandang babae, siguro ay nasa singkwenta anyos na.
Tiningnan ito ni Hannah ng maigi na para bang inaalala kung saan niya ito nakita.
Naalala niya na ito pala ang care taker ng rest house Na tinutuluyan nila.
Ngumiti ito sa kanya na sinuklian niya naman.
"Ahmm ano ~" nagdadalawang isip na saad ni Hannah dahil sa hindi niya alam kong paano makitungo dito. Kung aawayin niya ba, tatarayan o maging anghel naman Siya kahit ngayon lang?
"Oo nga pala hija kanina ka pa hinihintay ng mga kasamahan mo sa may baybayin pumunta ka Na doon baka naiinip na ang mga 'yon" saad nito.
Bigla namang nabuhayan si Hannah sa sinabi ng babae.
"Ganun po ba? Salamat! Sige po punta na ako 'dun" nagmamadaling saad ni Hannah.
Nang marating niya ang baybayin hindi kalayuan sa rest house ay agad niya namang natanaw ang mga kasama na nag-hihintay malapit sa bangka. Ang iba naman ay nakaupo na sa bangka.
Nakita niyang sinenyasan Siya ni Drew Na magmadali.
"Buti naman at nagising ka pa" sarkastikong saad sa kanya ni Alex pagkalapit na pagkalapit niya.
"Bakit kasi Hindi niyo ako ginising!" Naiirita niyang saad sa mga ito.
"Kumatok kami sa pinto mo. Halos gibain Na ni Alex ang pinto mo pero wala Pa rin. Ibang klase ka pala matulog Hannah! Haha"
Natatawang saad sa kanya ni Drew.
Nagpatuloy ang pang-aasar sa kanya ng mga ito Na ginagantihan niya naman. Tawa lang sila ng tawa.
Sa maikling oras niyang nakasama ang mga ito ay agad Na siyang Naging kumportable sa mga ito.
Normal ang trato sa kanya kahit Na minsan tinatarayan niya ang mga ito ay tatawanan Na lamang Siya."Hoy kayo Jan! Ano na? Aalis ba tayo O aalis ba tayo mamili kayo ng isa!"
Sigaw ng isang pamilyar Na boses. Bahagya siyang nasiyahan ng marinig muli nito ang boses ng binata.
Nagsilapitan Na sila sa bangka at isa isang umakyat.
Inalalayan SiyA ni Drew sa pag-akyat sa bangka.
"Thanks" simpleng saad nito sa binata at tanging tango lamang ang Naging tugon nito.
"Hey! Kit Alis Alis din pag may time. Trono ko yan! Wag mo akong agawan!" Baling ng dalaga Kay Kit Na nakaupo at busy sa pakikipag-usap Kay Kurt.
Bahagyang Napunta sa kanya ang lahat ng Atensyon ng kasamahan at maski si Kurt ay napatingin sa kanya.
'Oh'
Nang makatayo si Kit ay agad namang naupo si Hannah sa tabi ni Kurt.Kunot noo siya nitong tiningnan.
Halos mapunit Na ang gilid ng labi niya Dahil sa pagngiti nito sa binata Na Hindi man lang ginawaran.Umandar Na ang bangka at busy ang isa't isa sa kani-kanilang ginagawa.
"Babe~" bulong niya sa katabi Na busy sa tanawin.
Napansin niyang bahagyang gumalaw ang panga nito.
Hindi man lang Siya pinansin."Babe~" bulong niya ulit dito.
"Bakit ba?"
"Yun oh tumingin ka Na rin hehe"
Mahinang saad nito sa binata.
Bumalik ulit ang tingin ng binata sa harap. At Hindi ulit SiyA pinansin."Babe ~"
Bulong niya ulit dito."Hmmm?" Naiiritang binalingan SiyA nito.
Napangiti naman ulit si Hannah sa pagpansin sa kanya ni Kurt.
"Ano bang problema mo? Kanina ka Pa huh" mahinang saad ng binata sa kanya. Pansin niyang Naiirita Na ito sa presensya niya.
"Boyfriend Na kita Hindi ba?" mahinang ganti nito dito.
Nagbabakasakali lang naman SiyA sa tanong niya.
Baka sakaling umoo ang binata edi jackpot ayos. HahaBahagyang nawala naman ang pagkairita sa mukha ni Kurt at napalitan ito ng seryosong mukha.
Napansin niyang napabuntong hininga ito ng malalim.
"Mmm" saad nito sabay tango.
Na para bang wala Na siyang magagawa at napilitan Na lamang um-oo.
"T-Talaga? P-payag ka Na???......... ... Waaaahhhh I LOVE YOU TALAGA Kurt!" Masiglang saad ni Hannah Na kulang Na lang mag tatalon SiyA sa bangka."H-Hey tumigil ka nga! Baka tumaob tayo sa ginagawa mo!"
Suyaw sa kanya ni Kurt.
Na agad niya namang sinunod."Anyare?" Tanong ni Kit Na nakaupo sa tabi niya.
"Kami Na!" Masayang sagot nito dito. Halatang proud Na proud ang bruha.
Bakas naman sa binata ang pagkagulat sa binalita ni Hannah."Talaga boss? Bakit mo sinagot agad! Dapat nagpa hard to get ka Naman muna!" Baling ni Kit Kay Kurt.
Tiningnan ito Ng masama ni Kurt Dahil sa Hindi SiyA masaya sa nangyayare.
"Aray! Bakit ka nagkukurot?" Saad ni Kit sabay himas sa braso kung saan SiyA kinurot ni Hannah.
"Wag ka kasing kontra bida! Papansin ka 'eh! Palibhasa wala kang girlfriend!" Ganti ng dalaga dito.
'Ouch' sabay hawak sa dibdib ang tanging reaksyon ng binata sa sinabi niya."Seryoso boss?" Rinig niyang tanong ni Andrew Kay Kurt.
Binalingan niya ang tingin sa binata para tingnan ang magiging sagot nito sa kaibigan.
Kumunot ang noo nito at bumaling sa kanya. Nagtama ang mga Mata nila dahilan para mapaayos SiyA ng upo. Para bang napaso SiyA sa mga tingin nito sa kanya. Kaya naman ay yumuko Na lamang siya at Hindi Na tumingin Pa sa binata. Narinig niyang nagtanong ulit ang mga kaibigan nito sa binata.
"Yes kami na" rinig niyang sagot nito dahilan para maghiyawan ang mga kasama.
'Isa kang alamat boss!'
Isa sa mga hiyaw nito."Tumigil nga kayo! Umoo ako Dahil iyon ang Dare niya sa'kin. Pinagbibigyan ko lang Siya besides nilalaro ko lang ng patas ang laro natin kagabi."
Paliwanag nito sa mga kaibigan.
'Owww~" rinig niyang sagot ng mga ito.Napatigil SiyA bahagya at binalingan ng tingin ang binata.
Hindi niya alam kung bakit parang nasaktan SiyA ng sobra sa sinabi nito.
Naalala niya Na
Oo nga pala laro lang nila 'yun.
Iyon ang Dare niya sa binata at nilalaro niya lang ito ng patas.Hindi niya napansin agad Na natulala Na pala SiyA sa mukha ni Kurt. Napansin niyang bahagyang kumurba ang gilid ng labi ng binata. Isang Ngising nakapagdala sa kanya ng takot at sakit.
'Ano bang plano mo Kurt? Ito Na ba ang laro natin Na sinasabi mo?' Tanong niya sa sarili.
Napangisi Na lang rin SiyA sa naisip kahit Na parang may kirot siyang nararamdaman sa dibdib.
"Nice" narinig niyang komento ni Drew Na nakaupo sa harap nila.
----------
Advice vomments jebal😢😭❤
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...