Sweet cookies
When our moment is sweeter than the cookies.
Ngayong araw ang field trip namin! Hindi nga ako masyado nakatulog dahil ba naman kila Maya, sobrang excited kasi nila ayun nagskype kaming tatlo kagabi.
Tapos ito pa, naka civillian kami kaya ang tagal ko pa pinagisipan 'yung mga susuotin ko para sa buong linggo, sabi kasi ni Andee 'it's our time to shine' kaya kailangan daw bongga mga outfit namin.
"Mga anak, nandito na tayo sa school niyo. Oh 'yung mga bilin ko sa-" hinatid kasi kami ni papa sa university, excited din daw kasi siya.
"Tapos ikaw naman, ingatan mo 'yung pera mo, ang clumsy mo pa naman," pailing-iling na sabi sakin ni papa. Hila-hila niya 'yung maleta ko, ihahatid niya raw kasi kami hanggang sa bus.
"Dad, una na kami! Ayun na po 'yung bus number 4," sabi ni kuya tapos nagflying kiss pa sabay hila kay ate Ari "Sige po tito!"
"Ingat kayo ah! Anak ingatan mo gf mo!" tapos nagexchange wink pa sila ni kuya, psh ang dami talagang kalokohan.
"Pa, ito na rin po pala 'yung bus namin eh," sabi ko kay papa, kasi bus no. 1 kami kaya nasa bukana 'yun naka park.
"Sige, anak. Enjoy ka ah! Magpicture picture ka ng madami."
Natawa naman ako sa sinabi ni papa kasi may gestures pang kasama. Nagpaalam na ako at kiniss muna si papa.
"Sige po, pa. Text ko na lang kayo ah!"
Pagka-akyat ko ng bus, aba't halos lahat sila ay nandun na.
"Oy! Ayan na pala si Cassy eh! Pabunutin mo na ng seat number niya!" malakas na sigaw nung maingay kong kaklase na si Paul. Lumapit naman sakin si Brix na may dalang box.
"Ano meron? Akala ko ba 'first come, first serve'?"
"Wag kang kj! Mas fun kaya 'to para maging mas close pa 'yung iba, 'di ba?" Tapos sumang-ayon naman sila at nagsabi pa ng 'Tama! Tama!'. Kaya ayun no choice ako at hindi naman ako kj noh.
"Seat number 16 ka, katabi ni Keith." Huwhattt??? Sa dinarami-rami ng pwede katabi eh! Tadhana nga naman.
So ayun na nga, dahil para hindi ako halata siyempre act cool lang ako du'n pero deep inside sasabog na 'yung puso ko, Help!
Lumakad na ko papunta doon sa upuan katabi niya, natanaw ko nga rin si Andee na katabi naman 'yung ex-crush niya, ano meron ngayon? kinawayan ko siya pero poker face lang sinagot niya nangangamatis na nga 'yung mukha niya eh, hindi ko siya maaasar kasi katabi ko rin 'yung akin...
"Yo!" bati ni Keith sa'kin with his killer smile. Huhu how can I survive?
"Good morning," reply ko siyempre nginitian ko rin siya. Malas nga at sa tabi ng bintana 'yung seat ko.
Tumayo siya para makaupo ako sa loob, tinulungan pa nga ako eh. Hindi ako makagalaw ng maayos, paano ba naman inches apart lang kami. Hays matutulog na nga lang ako buong biyahe.
Kumpleto na kami sa bus, bago kami umalis siyempre nagdasal muna, pagkatapos ay lumarga na kami! Ilocos here we come!
Nagsalpak sila ng movie sa tv, may tv kasi sa may harapan ng bus eh, comedy daw muna mamaya na horror, hay nako mga pakulo talaga nila tsk tsk...
BINABASA MO ANG
Now or Never (The Unspoken Truth)
RomanceLove. One word, four letters, yet it has a lot of meaning. Love can make you happy, but love can be a source of sadness. Love. I always feel it when I see you, I can feel it when I'm with you. Hurt. One word, four letters, yet it has a lot of mean...