Dedic to Dianang Baliw! hahaha!!!
GENRE [ Fantasy, Vampire, Action, Mystery, Horror]
Strong Parental Guidance needed for very young audiences.
PLAGIARISM IS A CRIME DUDE!!!!!!!!!!!! SO BACK OFF BEFORE I BLOW YOUR HEAD!
---------
Unica's Point of View
"Mama, Papa birthday ko ngayon. Ilang taon na akong nag b-birthday nang wala kayo."
Nandito kaming lahat sa sementeryo upang mag celebrate ng birthday ni Uiola. Ang gusto kasi niya dito kami magdiwang sa mga puntod ng Parents namin.
"Ma, Pa nasaan na ang regalo ko--Aray naman ate unice eh!"
"Gaga! Nanghihingi ka pa ng regalo sa kanila, eh' alam mo namang patay na ang mga 'yan! Mamaya bumangon sila d'yan dahil sa pangungulit mo!"
Napasimangot nalang si Uiola habang hinihimas ang bahagi ng ulo na binatukan ni Unice.
"Tama na nga 'yan." Awat ko na sa kanila. Kinuha ko na ang blanket sa malaking bag na dala namin at inilatag sa harap ng puntod nina mama. Nagtulungan naman silang dalawa na ayusin ang mga pagkain.
Buwan ng Octobre ngayon at mag da-dalawang buwan nang walang araw. Setyembre hanggang Enero na pulos gabi lamang ang panahon dito. Ang lugar ng Escalante ay mahahalintulad sa Artic. Ngunit hindi nag yeyelo dito tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre.
Kundi abo.
Abo ng mga namamatay na tao at Vetala. Swerte nalang ng pamilya n'ong namatay na tao kung makukuha pa nila ang katawan ng kamag-anak nila. Dahil karamihan sa mga nabibiktima ng mga Vetala ay buto na lamang ang tinitira.
Sa limang buwan na walang araw ay sa mga panahon na 'yon umaatake ang mga Vetala.
Walang pasok ang mga estudyante at mga nagtatrabaho. Lahat ay takot na makain ang laman nila at masisip ng dugo.
Sa limang buwan na iyon ang lahat ng tao sa Escalante ay nasa Underground site o 'yong tinatawag namin na Protector Land. Kung saan, wala ni isang Vetala ang makakapasok dahil sa mga lason at explosive devices na nakalagay sa bukana ng tunnel kung saan ang pinto papunta sa Protector Land. Magiging abo ang isang Vetala once na malapatan ito ng isang patak man lang ng lason. At sasabog naman ito kapag na detect ng explosive devices ang mga data nila kapag nakalapit sila sa pinto.
Pagkatapos ng limang buwan na iyon ay doon nagpaparami ang mga Vetala. Nagiging tao ang mga babaeng Vetala upang magpabuntis sa mga taong lalaki. Nagkukubli naman sa pagiging Ordinaryong tao ang mga lalaking Vetala. Ngunit hindi sila pwedeng maarawan dahil tulad ng mga bampira, nasusunog sila sa araw. Kaya para silang mga paniki, prostitute at call center. Tulog sa umaga at gising na gising sa gabe.
Bilog na bilog ang buwan kahit mag a-alas diyes pa lang ng umaga. Kaya naman. Lagi kaming handa dahil anumang oras ay may sasalakay sa amin. Nakahanda rin palagi ang aming mga sandata.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday Happy birthday dear Uiola!" Boses naming tatlo na kumakanta ang tanging maririnig sa buong lugar.
Nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari dahil sa pagwi-wish ni Uiola. Nakangiti itong dumilat bago hipan ang mga kandila sa cake nito.
"What did you wished for?" Tanong ko habang kumukuha ng pancit sa tupperware.
BINABASA MO ANG
Vetala Hunters (Vampire Slayers)
VampirSa mundo kung saan malayang nakakagalaw ang mga nilalang na kung tawagin nila ay 'Vetala' na kumakain ng laman at sumisipsip ng dugo ng tao at hayop. May tatlong babae na kayang pumatay sa mga nilalang ito. Vetala killed their parents when they was...