"Ma tama na yan! Ano ba! Papatayin mo ba sarili mo sa pesteng alak na yan?!" Sigaw ko sa nanay ko at inagaw ang redhorse na nilalaklak nito tsaka hinagis sa kung saan. (Hayaan ng mag deposito)
"Tang*na naman *hik*! Di mo ba alam *hik* na inutang ko lang yung p*tang inang *hik* alak na yun?! Tas sinayang mo! Ikaw mag bayad nun! *hik*" galit na sigaw nito sa akin. Mababakas naman ang pagkalasing dito kasi hikbi na ng hikbi at namumungay na ang kanyang mga mata.
"Ewan ko sayo! Kung gusto mong balikan ka pa ni papa ayusin mo muna sarili mo! nakakahiya ka!" Galit rin na sambit ko at iniwan sya sa bahay. Lumabas muna ako para magpahangin at nas-suffocate ako sa amoy ng bahay namin. Kahit san ka pumunta amoy alak! Kung hindi amoy alak amoy basura! Tang*nang buhay to!
Dire-diretso lang akong naglalakad at napunta ako sa park. Ito na tambayan ko mula bata pa lang ako. Umupo ako sa isang bench at nag muni muni. 4yrs old pa lang ako nung una akong napadpad dito. Nag aaway kasi magulang ko nun kaya umalis ako samin. Sa murang edad ko alam ko na ang mga bagay bagay. Binigyan ko sila ng time para magbatuhan ng gamit sa bahay ganun naman kasi lagi sila eh. Kung hindi mag mumurahin, mag sasakitan! Para silang mga walang pinag aralan! Hanggang mag hiwalay sila. 10yrs na since nung huli ko silang nakitang magkasama at nag aaway pa nung time na yun.
Kala ko pag nag hiwalay na sila tapos na problema ko but I'm wrong. Simula nung iniwan kami ng tatay ko naging lasenggera nanay ko. At the age of 4 ako na nag babantay sa kanya until now that Im 14 yrs old already di pa rin sya natigil kakalaklak ng alak! Anong klaseng nanay sya? Imbis na sya nag aalaga at nagpapakain sakin,ako na gumagawa nun sa kanya! Napilitan akong magtrabaho simula nung nalulong sya sa alak! Nag igib ako ng tubig,nag benta ng sampaguita at kung ano ano pa para lang may pang aral ako at para makakain kami sa araw araw! Di mo aakalain na ang isang apat na taong gulang na batang lalaki magagawa lahat ng yun!
Napabuntong hininga naman ako sa dami ng pasanin ko sa buhay, tumingala ako sa langit is sinandal ko ang likod ko sa arm rest ng bench na inuupuan ko
"Kung may kapangyarihan lang ako gusto ko ibalik ang dati at itama lahat ng maling nangyari sa buong buhay ko" bulong ko at muling nagpakawala ng buntong hininga.
"Life without struggle is a life without lesson. Kung walang pagsubok na dumadating wala kang matututunan." Sabi ng baritonong boses. Hinanap ko naman ang may ari ng boses at nakita ko itong nasa tabi ko na! Putek di ko man lang napansin! May katandaan na ang lalaking tumabi sakin at mababakas dito ang paghihirap kasi gula gulanit na ang kasuotan nito. Maitsura rin ito kahit na matanda na siguro kasing gwapo ko to nung kaedad ko lang?
"Good evening po. Ano pong ginagawa mo dito?masyado na pong madilim para magpalakad lakad ka dito" sabi ko at tinignan sya ng may awa sa mga mata ko.
"Wag mo nga ako tignan ng ganyan! Tong batang to! Ikaw ano ginagawa mo dito?masyado ka pang bata para mag gala gala sa dis oras ng gabi" ani nito at natatawang tinignan ako. Napa make face na lang ako at binalik ang tingin sa langit.
"Umalis po ako sa bahay eh. Nagsasawa na ako sa buhay ko. Ako naghihirap para pakainin nanay ko." Mahinang sambit ko at ramdam kong patulo na luha ko kaya pinahid ko kaagad.nakaka bakla ang putek!
"Amina palad mo" sabi nito sakin. Bat nya hinihingi palad ko? Wala ba syang palad? Joke lang haha. Binigay ko naman ang kamay ko sa kanya at parang may tinitignan sya dito.
"Huhulaan nyo po ba ako lolo?" Nagtatatakang tanong. Di naman nya ako pinansin at tuloy parin ang tingin nya sa palad ko. Biglang kumunot noo nya. Problema nito?
"Sabi mo kanina ikaw ang nag hihirap? It means nagtratrabaho ka? Eh bat ganito palad mo? Masyadong malambot at madulas para sa batang kumakayod?" Nagtatakang tanong nito. Nabawi ko tuloy ang palad ko at dinama ito. Oo nga ang dulas at lambot.
"Di ko po alam eh. Di ko po pansin na ganito palad ko. Basta po nagtratrabaho lang ako" paliwanag ko at nilagay ang kamay ko sa bulsa ng slucks ko. Naka uniform pa pala ako di ko pansin.
"Pumunta ka dito. Hanapin mo ang may ari ng pangalan na yan tsaka sabihin mo na si lolo zandro ang nagpadala sayo" bilin nito sakin at binigay ang parang gintong card. Binasa ko naman yung pangalan at address sa card na binigay nya.
"Eh lo-asan na yun?" Magtatanong pa sana ako ng mapansin kong wala na akong kausap. Tinignan ko naman yung pinag upuan nya at parang may nakinang na bagay dito.
"Locket?" Sambit ko at kinuha ang gintong kwintas. Tinago ko naman ito baka bumalik kasi si lolo hanapin eh babalik ko sa kanya pag nakita ko ulit sya.
Kinuha ko naman ang cellphone kong 32-10 at tinignan ang oras at alas 12 na pla ng umaga!
Agad akong tumayo at umalis sa parkat umuwi."Sana naman tulog na ang matandang yun" bulong ko at tumatakbong umuwi. Baka makita pa ako ng mga adik sa kanto mapagdiskitahan pa ako pag babagal bagal ako maglakad kaya takbo na lang.
"Sana bukas maayos na buhay ko" bulong ko muli at isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi.
-------------
Naka survive sa chapter 1 haha xD geh read and comment! Kahit wala ng vote basta may nagbabasa ng story ko ok lang :)
Xoxo
==========
YOU ARE READING
Academia De Magica (Majika)
FantasyAkala ko normal lang ako. Yung tipikal na highschool student at nag aaral sa public dahil kapos sa pera? May nanay na lasenggera at tatay na iniwan na kami dahil may bago ng pamilya? Para sa akin normal yun kasi we live in a cruel world ika nga kaya...