VII

718 19 1
                                    

"Matilda is going back."

What? Hindi siya pwedeng bumalik!

Parang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Ate Ava kahapon. Hindi ako makapaniwala na babalik siya.

Mahal ko pa ang buhay ko. Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay!

Kung maaari lang na pasabugin ko ang eroplanong kinaroroonan niya sa mga oras na ito ay buong puso at kaluluwa ko iyong gagawin. Pero hindi pwede dahil wala akong bomba, hindi ako marunong gumawa ng bomba, at hindi ko alam kung saan ako bibili ng bomba. At isa pa, ayokong makulong.

Abala ngayon ang lahat ng kasambahay sa paglilinis ng bahay. Kailangang wala kahit na gatuldok na dumi na makita si Matilda kundi ay paniguradong magwawala iyon. Ang mga cook naman ay abala sa pagluluto ng iba't ibang putaheng Pilipino. Ang mga drivers ay nililinis ng mabuti ang mga sasakyang inaasahang gagamitin ni Matilda.

Si Kuya Ivo ay prenteng nakaupo sa sofa sa living room habang naglalaro ng Super Mario. Namumutla pa rin ito dahil sa napanuod kagabi.

Kagabi ay nagdesisyon kami na sa kwarto na ni Ate Ava matulog dahil kaming tatlo ay pareparehong nanginginig sa takot. Hindi yata namin kakayananing matulog mag-isa.

Si Ate Ava naman ay mukhang nakarecover agad at pumunta na ngayon sa trabaho para siguraduhing maayos ang lahat bago dumating si Matilda. Malamang ay uuwi rin iyon maya-maya.

Bumaba ako mula sa hagdanan at dumiretso sa tabi ni Kuya Ivo. Tinanguan niya ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa malaking screen, "Morning, lil' sis."

Lumingon ako sa kan'ya at tumango rin.

"Good morning," walang sigla kong bati.

Nabitawan niya bigla ang hawak niyang controller at napatakip sa ilong. "Nagtoothbrush ka ba?"

"Nah. Too lazy to brush my teeth." I answered sassily. Pagkatapos ay hiningahan ko siya sa mukha.

Marahas niya akong itinulak upang mapalayo sa kan'ya. I laughed because of his reaction.

"Lumayo ka nga sa'kin! May tulo laway ka pa!" At bumalik muli siya sa paglalaro.

Mas lalong lumakas ang tawa ko,"Kapal. May tulo laway ka rin naman."

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto to do my morning routine.

I stared at my reflection in the mirror. Damn. Why am I so beautiful?

Matapos ang mahabang oras na pagpapaulan ko ng papuri sa aking sarili ay bumaba akong muli.

Naabutan ko si Kuya Ivo na nasa ganoon pa ring posisyon. Nakatuon ang atensyon niya sa screen habang ang kamay ay nakahawak sa controller. Nakakunot pa ang mga noo niya na tila ba hirap na hirap sa paglalaro ng Super Mario. Napailing na lang ako at umakyat muli sa kwarto para magkulong.

Lumipas ang ilang oras na abala ang lahat ng tao sa bahay. Samantalang kami ni Kuya Ivo ay nasa sala muli, naghihintay ng magandang balita. I groaned in defeat.

"Wala ba?" Puno ng takot na tanong ni Kuya Ivo. Mataman ko muling tiningnan ang mga current news na kasalukuyang ipinapakita sa telebisyon, nagdarasal na sana'y lumabas ang kanina pa namin hinihintay.

Nang marahan akong umiling ay tila ba nawala na ang kaisa isang pag-asa namin para mabuhay.

Bumagsak ang malalapad na balikat ni Kuya Ivo. He messed his hazel brown locks as he looked once again at the television in front of us. " 'Eroplano bumagsak, Matilda patay!' Iyon lang naman ang hinihintay naming ibalita niyo! Bakit ba ayaw niyo?"

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon